PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League of Angels
Season 3
AiTenshi
Part 65: Kable
ACE POV
"Ace, iwasan mo ang pag takbo takbo, hindi pa maayos ang katawan mo." ang wika ni Kuya Sam noong makita akong tumatakbo sa aming silid.
"Kuya, mag papa alam ako, next month ay pupunta kami nila Nai sa probinsiya nila. Marami daw aswang doon at gusto kong mameet si White Beki." ang wika ko sabay lundag sa kama dahilan para mag patalbog talbog siya dito.
Itinigil niya ang pag babasa ng magasin at nag wikang "hindi ka aalis."
"Kuyaaa! Bakit?!!" ang sigaw ko at maya maya ay nag spark ang aking katawan at bigla akong nabuwal.
"Iyan ang dahilan, hindi ka pa ayos at magaling. Isa pang lundag mo ay babali na yang kable mo." ang wika niya sabay buhat sa akin at saka ako inihiga sa kanyang tabi. "Wala kang idea kung gaano ako nag alala sa iyo. Hindi tayo nag time travel sa panahong ito para lang sumabak ka sa labanan. Kung alam ko lang ay nag stay nalang tayo sa taong 2025 at doon namuhay."
"At pag sapit ng taong 2030 ay patay tayong lahat." ang sagot ko dahilan para kutusan niya ako. "Biruin mo kuya wala tayong malay noon na mayroong kataas taasang ama."
"Wala na akong paki alam sa ganoong bagay basta noong mabuo kita dati ay isinumpa ko na ititigil ko na ang pag reresearch tungkol sa teknolohiya at mabubuhay tayo ng normal. Iyan naman talaga ang usapan kaya bumalik tayo dito sa oras na nasayang dahil nasira ka ng ilang taon. At ayoko na ulit mangyari iyon."
"Eh ngayon kuya, bumalik naman ako ng buo ah. Buti nalang dahil malakas si Kuya Bart at Kuya Cyan nagawa nilang mag buy ng time para maipon ko ang lakas ko sa hyper mode at iyon ang ginamit ko bilang huling pag atake." ang wika ko.
"Mabuti nga at sa matitinong tao ka nasama. Paano kung ang naka grupo mo ay yung pasaway na kapatid ni Rui? Edi pareho kayong patay ngayon?"
"Malakas naman si Nai kuya. Saka nanalo rin naman naman sila."
"Malakas kung malakas pero pasaway yung taong iyon." ang sagot niya sabay hubad sa kanyang pang itaas na damit.
"Pero kapag gumaling ako ay papayagan mo akong lumibot?" tanong ko.
"Pag iisipan ko. Yung mga lamang loob mo ay ayos na. Sadyang kinakailangan mo lang makaipon ng sapat na enerhiya para ikaw ay maging malakas ulit." wika niya
BINABASA MO ANG
Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELS
FantasyAng League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...