Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
HAPPY READING!
TomatoPaste8
Jay-r Espera
Marlon Bustarga Campo
Ahriez Jhon Jerick Eyangam II
Anthony Martinez Catabay II
Richard Millena
Christian Emmanuel Calipayan
Yukichi Meako
Romel Vasquez Ramos
*************
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 3
AiTenshi
Feb 2, 2020
Part 79: PH Warriors
"Eh bakit nag aalala ka pa? Huwag kana nga mag isip dahil ang pamahalaan na mismo ang nag sabi na HINDI kayo kailangan. Matapos kayong mag buwis ng buhay ng maraming maraming beses ay waley na ang mga beauty nyo. May PH warriors na at sila ang pinaka bagong iniidolo ng madlang people. PH warriors ang bahalang mag care sa PH. Kaya nabuo ang PH care!" ang wika ni Cookie habang namimili kami ng gulay sa palengke, halos wala ring supply dahil wasak na ang mga siyudad. Nag kakataon lang na tulog si Hungry Danaya kaya nagiging payapa ang buong lugar ng ilang araw.
Isang linggo matapos ilabas sa publiko ang sinasabing sikretong sandata ng pamahalaan na tinawag na PH Warriors ay naging trending na sila sa social media. Halos nabura na ang tungkol sa aming mga "wanted" na kriminal bagamat tuloy tuloy pa rin ang operasyon kami ay hanapin. Parang isang bombang sumabog ang popularidad ng mga bagong bayani halos sila na ang laman ng kaliwa't kanang mga balita. May mga memes pa at jokes na binubugbog kami ng mga ito.
Halimbawa na lamang ang larawan ni Red One na nakatapak sa ulo ni Super Nardo. Ang larwan ni Green Two ay sinasabuyan ng tubig si Irano habang naka handusay ito sa lupa.
Tunay na sumikat ng husto ang PH warriors na siya namang inabuso ng mga pamahalaan at mga negosyante. Ngayon ay lumabas ang mga kagamitan na may mga desenyo ng mga bagong bayani. May mga tsinelas, mga bags, tasa, baso, plato, laruan at mga posters. Sumikat rin at ibenenta ang themesong nila sa mga social media.
At dahil sa kasikatan nila ay dumami ang guesting ng naturang mga bayani. Mayroon pa silang ginaganap na mini concert kung saan sila ay kinabaliwan at tinilian ng mga fans habang sila ay sumasayaw sa kanilang pinapasikat na dance steps.