Ang League of Angels ay samahan ng mga bayaning tinangkilik natin noong mga nakakaraang taon. At ngayong 2020 ay malugod kong binubuksan ang kanilang pahina upang lumipad at harapin ang mga bagong pag subok na parating sa kanilang tadhana. Muli nat...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ang Tadhana ni Narding 3
League Of Angels
Season 4
AiTenshi
Feb 25, 2020
Nag liwanag ang buong paligid..
Natigil ang pag buga nito ng malakas na enerhiya!
Noong mawala ang aming pag kasilaw ay nakita naming nakatayo sa Narding, putol ang dalawang braso at sunog ang buong katawan..
Lumapit sa kanya si Alpha at nag wika. "Magaling ang ginawa mo anak. Oras na para ikaw ay mag pahinga." ang wika nito sabay hawak sa dibdib ni Narding.
Humarap sa amin si Narding at tumango na parang sinasabing "okay lang, kaya natin ito."
Mula sa kanyang dibdib ay unti unting naging abo na pula ang kanyang katawan.
Kumikinang..
At sumama ito sa hangin..
Part 117: Ang Huling Mandirigma
IRANO POV
Humiwalay ang bato sa katawan ni Narding at lumipad ito sa higanteng lotus na sandata ni Alpha dahilan para sumabog ito at mawasak. Ito ang huling beses na ginawa ni Narding para sa lahat, para sa amin. Noong mga sandaling iyon, halos lahat kami ay napa tulala nalang dahil sa masaklap na pang yayari. Ang pulang abo na nag mula sa apoy ng katawan niya ay hinahangin pa pabagsak sa aming harapan. Kahit malakas ang aking loob ay parang may kung anong kirot at ibayong sakit ang dumurog sa aking pag katao sa kanyang pag kawala.
Napaluhod nalang ako at napaluha..
Dito ay umiyak rin sina Ace at Nai bagamat di nila ito pinapahalata..
Sunod sunod na pag sabog ang nangyari noong mawasak ang higanteng halaman ng kalaban, ngunit ang ugat nito ay nanatiling naka kapit sa buwan kaya hindi pa ito nag hihiwalay ng lubos."Tanggapin na lamang natin na ang lahat ay mauuwi sa kamatayan. Una una lang iyan ika nga nila, nauna lang si Nardo ng kaunti at maya maya lamang ay susunod na rin kayong apat." ang wika ni Alpha noong bumababa ito sa aming harapan. Isinahod pa niya sa kanyang kamay ang kumikinang na abo ni Narding. "Masyadong malakas ang enerhiya ang aking lotus, sapat upang wasakin ang isang buong planeta. Kaya't heto, halos walang natira sa bangkay ni Narding kundi ang kanyang abo lamang."
Lumakad ako sa kanyang harapan ng mayroong emosyon at matinding pag ka galit. "Hindi namatay si Narding na mahiha, namatay siyang lumalaban at hindi sumusuko. Iyan rin ang gagawin namin ngayon. Kung mamatay kami ay sisiguraduhin kong sasama ka amin, isasama kita sa hukay ko." ang sagot ko sabay tawag sa pangalan ni Mirai.