LOA S2 Part 31: Sugo ng Dilim

1.2K 98 5
                                    

**************

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

**************

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Nag tatakbo ito sa iba pang parte ng bakod na halos naka tumba na. Nag liwanag ang kanyang kamay at isa isang itinuwid ang mga ito. "Master, anong klaseng mga nilalang iyan? Bakit nagagawa nila ang ganyang bagay?" tanong ni Berhel

"Huwag kayong matakot, sila ang mga sugo ng kalangitan." ang wika ng matanda sabay tingala. "Batid kong sisikat rin ang araw at lahat tayo ay makaka alis sa lugar na ito."

Part 31: Sugo ng Dilim

JOREL POV

"Mga ginoo, hindi man namin alam kung saan kayo nag mula, pero maraming salamat sa pag buo ng aming harang." ang wika ni Uhel.

"Wala iyon, maaari bang mag tanong? Paano kami makakarating sa bundok kung saan naroroon ang sinasabi niyong Diyos?" tanong ko.

"Nag iisip ba kayo na labanan siya?" ang tanong ng matanda.

"Nag iisip kami na tulungan kayo. May paraan ba?" tanong ko naman sabay tingin kay Nai. "May pamimilian ba ako kuya? Titiisin ko nalang itong takot ko." ang pag mamaktol niya. "Kung bakit naman kasi sa daming portal ay dito pa tayo napunta. Mas bagay si Ace dito e." dagdag pa niya dahilan para matawa ako.

"May rason kung ikaw ang nakasama ko. Saka may tiwala ako sa kakayahan mo." wika ko naman.

"Kung buo na ang inyong loob ay sumunod kayo sa akin. Mayroon akong nais ipakita sa inyo." ang wika ng matanda at dito ay lumakad siya patungo sa likod ng gusali.

Mayroon siyang iniangat na isang pintuan sa sahig at dito ay tumambad sa amin ang isang daan patungo sa underground. Bumaba dito ang matanda kaya bumaba rin kami na ang tanging tanglaw ay isang gaserang gawa sa salamin.

"Walang elektrisidad sa buong planeta kaya pasensiya na kung madilim dito sa ilalim. "Ano bang mayroon dito?" ang tanong ni Nai.

"Mga lumang tala at kasulatan na iniwan ni Mahunaya. Dito siya nag lagi noong mga panahong wala ni isa nag naniwala sa kanyang propesiya." ang sagot niya at dito ay ipinakita niya ang isang silid na punong puno ng hindi natapos na eksperimento ni Mahunaya

Nag tingin tingin kami sa loob nito. Mayroong mga plano na kung ano ano hindi namin maunawaan. Mga larawan ng sasakyang pang kalawakan, sandata at mga simbolo na naka ukit sa mga pader. "Sa tingin ko ay hindi niyo na kailangan pang mag hintay maraming taon para maka alis sa lugar na ito." ang wika ni Nai habang may binubuklat na isang lumang aklat.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon