LOA S2 Part 35: Sagradong Sandata ni Senbon

1.2K 97 5
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Tadhana ni Narding 3

League Of Angels

Season 2

AiTenshi

Jan 16, 2020

Inihataw niya ito kay Nai..

Tumingin ito sa kanya at pinigilan niya ang sibat na pangalawit gamit ang kanyang isang daliri. "Kailangan kong linisin ang iyong mabahong kaluluwa." ang wika niya.

Dito ay umulan ng asul na alikabok galing sa kanyang pakpak at unti unting nadurog ang katawan ng kalaban.

Part 35: Sagradong Sandata ni Senbon

NAI POV

"Nai, gising! Gumising ka." isang boses ang aking narinig habang naka talungko na parang fetus sa kadiliman.

"Sin?" ang tanong ko sa aking sarili.

"Ako nga ito, gumising ka at labanan ang iyong takot." ang wika niya.

"Ayoko, natatakot ako. Ayoko ng ganito." ang sagot ko.

"Nai, naririnig mo ba ang boses ni Jorel? Tinatawag ka niya, ngayon ay pilit niyang nilalabanang mag isa ang halimaw dahil kinain ka nito at nais ka niyang ibalik. Ayaw mo bang umuwi? Ayaw mo bang makita ang kuya Rui mo?" ang tanong niya.

"Gusto, pero paano? Paano ako makaka wala dito?" tanong ko.

"Iwasaksi mo ang iyong takot, nakita mo ba? Hinahadlang nito ang kapangyarihan natin. Nasaan na si Nai na matapang, mayabang at walang takot? Ngayon ay para kang isang sanggol na nakabaluktot sa iyong kuna." ang wika niya.

"Paano ko gagawin iyon? Paano ako makakawala sa pagkakagapos sa akin?" ang tanong ko pa.

"Isipin mo ang kuya mo, ang mga taong mahal mo. Kapag nabigo ka dito ay kabiguan rin nila. Nais kong malaman mo na malaki ang pananalig ko sa iyo kaya't nag pasya akong manatili sa iyo at pag kalooban ka ng mahabang buhay. Tumayo ka at ituloy ang laban. Paki usap." ang wika niya at habang nasa ganoong posisyon ako ay naramdaman kong may nakatayo sa aking harapan.

Noong imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Senbon na naka ngisi habang hawak ang kanyang tungkod. "Bakit tatayo ka pa? Kinain kana ng alaga ko, ilang minuto na lamang at malulusaw na ang iyong katawan sa kanyang tiyan."

Nanatili akong nakatingin sa kanya. "Bakit kailangan mong wasakin ang lahat? Hindi ka ba masaya na makitang may masayang naninirahan sa inyong mga nilikha?" tanong ko

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon