Meet the future Mr. and Mrs. Black

20K 329 49
                                    

"Rina, you will meet your fiancee today?" imporma sa akin ng lolo ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa labas ng bintana kahit hindi naman maganda ang view. Napapikit na lang ako. Hindi na nga maganda ang gising ko sumabay pa ang araw na 'to! Ito na talaga... Ang araw na kinaiinisan ko. Ang araw na makilala ang mapapangasawa ko.


"Rin..." tawag sa akin ni lolo.

Hindi ko siya pinansin. Narinig kung lumapit siya sa akin.

Kinuyom ko ang mga kamay ko at pinigilan ang sariling hindi magsalita ng kahit na ano sa kanya. Hindi ba siya nakakaramdam na gusto ko munang mapag-isa? Kahit lolo ko pa siya, makakatikim talaga siya sa akin. Umiiwas na nga ako sa kanya para makaiwas sa away at baka kung may masabi akong hindi maganda sa kanya.

"Rin..." tawag niya ulit sa akin.

Nanlilisik ang matang tumingin ako sa kanya kaya napaatras siya. "Diba nag promise na ako?! Hindi ako gagawa ng isang bagay na makasisira sa MERGER na 'to!" Napatikom sya sa pagsigaw ko. Napayuko lang sya at tumango. Gusto ko tuloy humingi ng sorry sa kanya pero pinilit ko ang sarili ko na 'wag gawin 'yun. Gusto kong maramdaman nya na galit ako. Na hindi ko gusto 'tong trip nya at ng kaibigan nya!

Pero kasi...wala akong karapatan na sigawan siya dahil apo lang niya ako. Pero nakakainis lang kasi! Arrange marriage? Nababaliw na talaga sila! Ano 'to panahon ng Kastila? Tanging solusyon daw sa problema ng kumpanya? Huh! Nag-aral pa sila ng apat na taon sa isang mamahaling eskwelahan para malaman ang iba't ibang strategies tungkol sa business kung hindi naman nila kayang iaplay sa totoong buhay! Nag-aral pa talaga sila sa lagay na 'yan ha? Baka katulad sila ng ibang estudyante, nasa katawan ang classroom pero ang isip nasa kung saan.

"Ihahanda ko lang 'yung sasakyan na gagamitin na 'tin..." rinig kong sabi ng lolo ko.

Mabuti pa nga!

"Okay..." at tumingin ulit ako sa labas ng bintana.

I grin when I heard the door closed. Siguro nga hindi ako pwedeng gumawa ng bagay na pwedeng makakasira sa kasalanang magaganap... pero pwede ko namang sirain ang ulo ng mapapangasawa ko. Sisiguruduhin ko na hindi aabot ang kasalang 'to ng isang buwan, dahil mamatay ang mapapangasawa ko. Luke Black, humanda ka sa akin!

"Luke pare tigilan mo na 'yan darating na ang mapapangasawa mo..." I smirk when I heard the 'mapapangasawa' word. Muling nagsalin ako ng scotch sa baso ko at nilagok 'yun. The heck with this day!

This is doomsday! Ngayong araw na 'to makikilala ko na ang mapapangasawa ko!

Mapapangasawa ko 

I smiled bitterly. Pagkatapos ng paghihiwalay na naganap sa amin ng girlfriend ko noong isang buwan, sumulpot pa 'to! Kainis!

"So this is the reason kaya ayaw nila kay Leila?!" mapait na tanong ko sa kanya. "Gusto nila na ikasal ako sa babaeng nagngangalang Sabrina? The hell! Ni hindi ko pa nga nakikita ang babaeng 'yun eh!"

What if may sayad ang babaeng 'yun? Ano na lang ang magiging buhay ko sa kanya? Kung si Leila pa sana ang ipapakasal nila sa akin 'edi mas masaya! At masasabi kong magiging maganda ang pagsasama namin dahil puno 'yun ng pagmamahalan!

Sh*t! Umaandar na naman ang pagka-korny ko!

Pero I'm sure of that.... this girl named Sabrina is one of the girls na may malaking crush sa akin. Kasi kung mali ako, hindi papayag ang babaeng 'yun na magpakasal sa akin. At sa pagkakatanda ko, ang lalaki ang pumupunta sa bahay ng babae, hindi ang babae ang pumupunta sa bahay ng lalaki! Kaya sigurado akong patay na patay sa akin ang babaeng 'yun!

Bloody MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon