Andrea's POV
After ng sagutan namin ni Louise kagabi ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko, hindi ko sukat akalain na masasagot nya ako ng ganon at sisigawan. Oo masakit para sa akin na sagutin ako ni Louise dahil first time nya lang akong sagutin ng ganong kalala. Dahil sa babaeng yon nagawa nya akong sagutsagutin.
Aaminin ko nadala lang ako ng pag-aalala kaya nasigawan ko si Louise ng husto.
Grace is calling...............
"Hi Andrea! Good Morning!" Bati sa akin ni Grace.
"Good Morning!" Bati ko.
"Ano ba yan ang taas taas ng energy ko tapos ang baba naman ng sayo, anyare? magkwento ka makikinig ako." Seryosong sabi nya.
"Nasigawan ko kasi si Louise kagabi."
"Hala bakit naman?" Tanong nya.
"Ayoko munang ishare Grace, pasensya kana." Sabi ko.
"Wag kang humingi ng pasensya Andrea,naiintindihan kita, hindi kita pipilitin basta kapag kailangan mo ng malalabasan ng hinanakit nandito lang ako handa akong pakinggan ka ok?"
"Thank you Grace." Sabi ko.
"You're welcome Andrea, by the way what time ka pupunta dito?"
"Siguro before lunch nanjan na ako, may dadaanan lang ako sa may Cubao." Sabi ko.
"Ok! Ingat ka." Sabi ni Grace at inend ko na yung tawag nya.
Bumangon na ako at naligo agad, after kong maligo ay nagbihis na ako. Habang nag-aayos ako nakatanggap ako ng message mula kay Ms. Santiago, sya yung private investigator na nirecommend sa akin ni Mr. Buenaobra, desidido na ako na malaman yung katotohanan, matanda na ako at nasa legal age na ako isa pa may ipon na ako kaya sapat na pambayad sa mga hinire kong tao.
Pagtapos kong mag-ayos ay kinuha ko yung bag ko sa table at lumabas na ako sa kwarto ko. Bago ako lumabas ng unit namin ay dumaan muna ako sa kwarto ni Louise at laking gulat ko ng makita kong walang tao sa kwarto nya.
Tumakbo ako sa cabinet nya at tama nga ang hinala ko, lumayas sya dahil wala yung travel bag nya at ibang mga damit nya. Isa lang naman ang pupuntahan nya, ang bahay nila Cassandra, hindi marunong umuwi ng La Union si Louise at kung umuwi man sya tatawag sa akin sila Nanay at Tatay. Nasa bahay lang talaga nila Cassandra si Louise, sinusubukan talaga ako ng batang yon.
Nagmessage naman agad ako kay Ms. Santiago na hindi ako makakasipot sa meeting namin dalawa at mabuti nalang ay maunawain sya.
Iniwan din ni Louise ang phone nya sa kama nya, napaka utak talaga ng batang yon akala nya hindi ko sya mahahanap.
Bumaba na ako sa parking lot at nagmaneho na ako papunta sa bahay nila Cassandra.After 20 minutes ay nakarating na din ako sa bahay nila, nagdoorbell ako at yung kasambahay nila ang nagbukas ng gate.
"Magandang araw po Ma'am, ano pong kailangan mo?" Tanong nung kasambahay.
"Nanjan ba si Lorraine?" Matapang na sabi ko.
"Opo Ma'am, wait lang po tatawagin ko lang po."
Ilang saglit lang ay lumabas na din si Lorraine.
"Ikaw pala Andeng, halika pumasok ka muna." Sabi nya.
"Sinusundo ko lang yung kapatid ko." May diin na sabi ko.
"Paan--"
"Paano ko nalaman? Simple lang si Cassandra lang naman ang kaibigan nya dito, ilabas mo na yung kapatid ko at iuuwi ko na sya." Inis na sabi ko.
"Andeng ano bang problema?" Tanong nya.
"Problema? Wala! Wala akong problema, ilabas nyo na ang kapatid ko kung ayaw mong kasuhan ko kayo ng kidnapping."
"Wal--"
"Anong wala? kaninong boses yung naririnig ko sa loob? tawa ng kapatid ko yon kaya pwede ba wag ka ng magsinungaling." Sabi ko at tinabig ko sya.
Pagpasok ko sa loob ng bahay nila napatigil ako sa aking nakita, isang family picture na kahit kailan ayokong makita ulit. Napakasaya nila sa larawan na yon habang kaming dalawa ng kapatid ko naghihintay na babalik ulit si Mama.
Si Tito Christian pala ang bagong asawa ni Mama, kaya ba kay Tito Christian lahat napunta ang mga ari-arian ni Papa dahil sya na ang asawa ngayon ni Mama? Hindi ko na napigilan yung luha ko, bumuhos na ito. "May problema ba?" Tanong nya.
"Yung kapatid ko nasaan!" Sigaw ko.
"Aa--at--ate." Nanginginig na sabi ni Louise.
"Halikana Louise uuwi na tayo." Sabi ko at pinunasan ko yung pisngi ko.
"Hindi ako sasama Ate, dito muna ako." Sabi nya.
"See? Kaya ganyan yung kapatid ko kasi tinotolerate nyo!" Sigaw ko at hinila ko si Louise, nagpupumiglas sya pero mas malakas ako sa kanya. Hinahabol naman kami ni Cassandra at nung Lorraine na yon.
"Andeng nasasaktan ang kapatid mo." Nag-aalalang sabi ni Lorraine.
"Wala kang pakealam kung paano ko disiplinahin ang kapatid ko and by the way Andrea Liv Guevarra ang pangalan ko at hindi Andeng! Salamat sa pagpapatuloy nyo sa kapatid ko." Sabi ko at sumakay na kami ng tuluyan ni Louise sa kotse ko.
Iyak lang ng iyak si Louise hanggang sa makarating kami sa unit namin. "Can you please stop crying!" Sabi ko.
"Bakit ka ganyan ate? Ano bang ginawa nila sayong mali?" Umiiyak na sabi ni Louise.
"Malaki yung kasalanan nila sa atin Louise kaya wag mo akong tanungin kung ano ang nagawa nilang mali sa akin! Madami silang nagawa sa atin lalo na yang Lorraine na yan, malaki ang kasalanan nya sa ating dalawa kaya wag na wag mo akong matanong tanong sa kung ano ba talagang problema ko at bakit ako ganito!"
"Ano ba kasi yon Ate? Gusto kong malaman kung ano yung ginawa nila sa atin na malaki, please ate tell me the truth at iiwasan ko na sila."
"Gusto mong malaman Louise?"
"Oo Ate, gustong gusto." Humihikbing sabi nya.
"Si Lorraine na Mommy ni Cassandra, sya ang tunay nating Ina." Umiiyak na sabi ko. Alam kong hindi pa ito yung tamang oras para malaman ni Louise ang lahat pero makulit sya at karapatan nya din na malaman ang katotohanan kaya sinabi ko na.
"Wh--what do you mean Ate? How? Diba si Nanay Isabel ang tunay nating ina? Paano nangayri yon ate? Tell me!"
"Inabandona nya tayo noong mga bata pa tayo Louise." Sabi ko at nagpatuloy nalang ako sa pagkukwento sa kanya hanggang sa makatulog na sya.
Alam kong mahihirapan si Louise sa mga mangyayari pero hindi ko hahayaang masaktan sya at mawalay sa akin.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...