Chapter 35

196 9 9
                                    

Andrea's POV

Tumawag sa akin si Papa at sinabing iniwanan nya si Louise sa hospital dahil dinalaw daw ni Louise si Cassandra, natutuwa ako dahil ngayon naiintindihan na ni Louise ang sitwasyon namin.

Akala ko hindi na babalik yung dating friendship nila ni Cassandra pero ngayon parang babalik na ito ulit, yung paggising nalang ni Cassandra ang hinihintay namin. Sana kapag gumising na si Cassandra maayos na ang lahat.

"Andrea natawag daw si Louise sayo nagtext sya sa akin na baka daw pwedeng sabihin ko sayo na sagutin mo ang tawag nya." Sabi ni Grace kaya kinuha ko agad yung phone ko sa bag ko.

Tinawagan ko agad si Louise dahil baka magpapasundo na ito sa akin, wala pa naman si Papa dahil may pinuntahan daw ito.

"Ate?" Mahinang sabi ni Louise.

"Hey! Bakit ang hina ng boses mo? Where are you?" Tanong ko.

"Comfort room."

"Wait, are you crying?" Tanong ko dahil bakas sa boses nya yung lungkot at humihikbi din ito.

"Yes." Sagot nya.

"Why? Wait nasaan kaba? Exact location Louise susunduin kita."

"Sa St. James Hospital."

"Ok I'm on my way." Sabi ko at ibinaba ko na yung phone ko.

"Grace sunduin ko muna si Louise babalik din agad ako." Sabi ko at nagthumbs up naman sya.


After 10 minutes nakarating din ako sa hospital,nakita ko si Louise sa may waiting area sa gilid ng vendo machine at nakayuko ito.

"Let's go home na." Sabi ko.

Tumayo sya at sabay kaming lumabas ng hospital, nakayuko pa din si Louise hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. Hindi muna kami umalis sa parking lot at hinayaan ko lang syang umiyak ng umiyak.

"Iiyak kana lang ba jan? Anong nangyari at bakit ganyan ka nalang makaiyak ha Louise?"

"Ate si Cassandra."

"Ano si Cassandra?" Kinakabahang tanong ko.

"Nagseizure sya habang kinakausap ko sya, wala akong kasalanan Ate wala akong ibang ginawa kay Cassandra Ate, wala akong ginalaw sa mga aparatus nya, pero ako yung sinisisi ni Mama." Humahagulgol na sabi nya.

"What! Nagseizure si Cassandra? Are you sure na wala kang ginawa or ginalaw?" Tanong ko.

"Yes Ate wala akong ibang ginawa kundi ang kausapin sya, basta bigla nalang syang nagseizure tapo tinawag ko yung mga nurse Ate and then hindi ko na namalayanh dumating si Mama dahil sa sobrang pag iyak ko, Ate wala akong ibang ginawa maniwal ka sa akin please."

Niyakap ko sya ng mahigpit at sinabing "Naniniwala ako sayo Louise, alam ko na maganda ang pakay mo kay Cassandra kaya ka nagpunta doon."


"Perp bakit ganon si Mama ayaw nyang maniwala sa akin."

Habang yakap ko si Louise iniisip ko kung bakit ganon si Mama, ganon nalang ba kawalang kwenta ang tingin nya sa amin at pinagbibintangan nya pa kami.

Humiwalay si Louise sa paglakayakap ko. "Ate let's go home na." Sabi ni Louise habang hawak hawak ang wrist nya.

Napansin kong namumula ito kaya kinuha ko ang wrist nya. "Sinaktan kaba nya?" Tanong ko.



"Ye--s." Utal na sabi nya, alam kong natatakot si Louise dahil iba ako kapag nagalit.

"Bullsh*t!" Sabi ko sabay hampas sa manubela. "Wala syang kwentang Ina kahit kailan! Sarili nyang anak sinasaktan nya! Louise wag na wag kang aalis dito sa kotse, ilock mo yung pinto at wag na wag kang lalabas naiintindihan mo?"

"O--opo Ate." Sagot nya.


Naglakad ako papasok ng hospital at dumiretso na agad ako sa floor kung saan nandon ang kwarto ni Cassandra.

Sakto namang kakalabas lang ni Mama sa kwarto ni Cassandra at nakita nya agad ako. "What are you doing here?" Mataray na sabi nya.


"Bakit mo sinaktan ang kapatid ko?" Kalmadong tanong ko.


"What? Anong sinaktan?"


"Ano yung kapatid ko pa talaga yung sinungaling? Pulang pula yung wrist nya tapos sasabihin mong hindi mo sinaktan ang kapatid ko!"


"Wala akong oras para makiparagumento sayo Andrea, umalis kana sa harapan ko." Sabi nya sabay lakad.


"Ganyan kana ba talaga kamanhid Ma? Sarili mong mga anak kaya mong talikuran at saktan nalang basta basta? Talaga bang binulag kana ng Christian na yon sa kasinungalingan?"

Ayokong umiyak dahil ayokong ipakita sa kanya na mahina ako.



"Alam mo siguro nga tama ka na hindi ikaw ang nanay namin, pero  sana  nga hindi na ikaw ang Nanay namin pero ikaw yon Ma! Ikaw ang Mama namin kahit pagbalibaliktarin mo ang mundo!"


Lumapit ulit sa akin si Mama.


"HINDI. AKO. ANG.MAMA. MO! At kahit kailan hinding hindi ako ang magiging Nanay nyo dahil wala akong anak na kagaya nyo." Madiin na sabi nya sabay tulak sa akin dahilan para matumba ako.


"Sana nga hindi nalang ikaw ang Mama namin dahil isa kang walang kwentang ina, hindi ka bagay maging ina dahil isa kang walang kwentang ina! Hindi mo nalang sana kami isinilang dahil isa kang napaka walang kwentang ina! Wala kang karapatang maging ina sa amin ni Louise lalong lalo na kay Cassandra dahil wala kang kwenta tandaan mo yan!" Sabi ko sabay tayo."Wag ka sanang magsisi sa bandang huli! Tandaan mo ang lahat ng ginawa mo sa amin ni Louise!"





Pagbalik ko sa sasakyan ko doon ko ibinuhos ang lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan mukahang malabo ng maayos ang lahat dahil bulag na si Mama sa kasinungalingan. Mukhang malabo ng maibalik ang lahat sa tama.




We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon