Louise's POV
Naunang umakyat si Cassandra sa kwarto nila dahil pinuntahan ko muna si Nanay sa kusina upang kamustahin sya at yung niluluto nya. Sayang talaga dahil wala dito si Ate siguro kung nandito sya mas masaya.
"Nak bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong ni Inay.
"Gusto ko lang po kayong kamustahin at yung niluluto mo." Sabi ko.
"Sus ang anak ko talaga napaka lambing, halika nga dito."
Lumapit agad ako kay Inay at niyakap ko sya, sa totoo lang namiss ko talaga sya at hindi talaga ako sanay na magkahiwalay kaming dalawa. Kahit saan kasi kasama ako ni Inay pati din sa pamimitas ng mga prutas magkasama kaming dalawa.
"May problema ba anak?" Tanong ni Nanay.
"Wala naman po, namiss ko lang po talaga ikaw." Malambing na sabi ko at humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Sige na anak umakyat kana sa kwarto mo at magbihis na, yung damit mo inihanda ko na sya." Sabi ni Nanay.
"Sige po Nay akyat po muna ako sa kwarto ko."
"After mong magbihis kakain na tayo, daanan mo na din sila Lorraine at Cassandra sa kwarto ng Ate mo."
"Sige po Inay! I love you!" Sabi ko sabay takbo.
"I love you too!" Sigaw ni Nanay, alam kong sa simpleng pagsasabi ng I love you nawawala ang pagod ni Inay kaya mahal na mahal ko sya at hinding hindi mawawala yon.
Pagdaan ko sa kwarto ni Ate bukas ang pintuan, isasara ko sana yon dahil lalabas yung lamig pero hindi ko alam kung bakit ako napahinto ng marinig ko yung kantang parang pamilyar sa akin.
Baby mine, don't you cry
Baby mine, dry your eyes
Rest your head close to my heart
Never to part, baby of mineBakit parang alam ko yung kinakanta ni Tita Lorraine, iba yung nararamdaman ko sa kantang yon parang matagal ko na syang naririnig.
Little one when you play
Don't you mind what you say
Let those eyes sparkle and shine
Never a tear, baby of mineHindi ako umalis sa tapat ng pintuan at nakinig lang ako pero habang nakikinig ako ay nakapikit ako dahil napakasarap sa tenga nung boses ni Tita Lorraine at yung kanta.
If they knew sweet little you
They'd end up loving you too
All those same people who scold you
What they'd give just for
The right to hold you
From your head to your toes
You're not much, goodness knows
But you're so precious to me
Cute as can be, baby of mine"I love you Mommy." Rinig kong sabi ni Cassandra.
"I love you too Cassandra." Sagot ni Tita.
Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko dahil sa kantang yon, hindi ko alam kung bakit iba yung nararamdaman ko at habang nakapikit ako ay may nakikita akong isang pamilyang nasa garden na masayang naglalaro pero hindi ko makita yung mga mukha nila.
Pinunasan ko ang pisngi ko dahil basang basa ito dahil sa luhang lumabas s mga mata ko. Sinara ko na ang pintuan ng kwarto ni Ate at nagpunta na ako sa kwarto ko para magbihis.
After kong magbihis ay kinuha ko muna yung phone ko, magpapatuyo muna ako ng buhok bago ako lumabs ng kwarto. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung kanta ni Tita Lorraine na napaka pamilyar sa pandinig ko.
Ang daming bagay ang nangyayari sa akin pero walang makapagpaliwanag ng maayos sa akin, kapag si Ate ang kausap ko pakiramdam ko inililihis nya ang topic para hindi nya ako masagot. Yung paniginip ko na paulit ulit kong nakikita, yung mga taong tumatawag sa akinat madami pang iba na hindi ko din malaman kung anong ibig sabihin non.
May alam ba silang hindi ko alam?

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...