Chapter 24

174 10 4
                                    

Vicente's POV

Pagkatapos naming kumain nila Isabel at ng dalawang bata napagdesisyunan namin na kausapin si Andrea, hinintay muna naming makatulog si Louise bago kami mag-usap ni Isabel at Andrea. Ito na siguro ang tamang oras at panahaon para malaman ni Andrea ang katotohanan, ayaw pa sana naming sabihin ni Isabel pero may karapatan pa din si Andrea na malaman ang lahat.

Oo alam namin na ang Mama ni Andrea at Louise ay si Lorraine, nagpapanggap lang kami na hindi namin kakilala si Lorraine, sa katunayan kilalang kilala namin ang Papa ni Andrea at malapit kami sa Papa ni Andrea.

Hindi kami kilala ni Lorraine dahil patago ang relasyon namin ni Isabel kay Alexander dahil magkapatid si Isabel at Alexander, magkapatid lang sa Ama si Isabel at Alexander walang ibang nakakalam na magkapatid sila, si Tito Abraham, Isabel, Alexander, Nanay ni Isabel,at ako lang ang nakakalam na magkapatid si Alexander at Isabel. Itong buong farm na ito ay binili ng Daddy ni Alexander na si Tito Abraham para kay Isabel at ang iba naming ari-arian ay pinaghirapan namin ni Isabel kaya lumago ito ng lumago at nagkaroon kami ng ilang mga business.

"Anak doon tayo sa basement mag-usap." Sabi ni Isabel kay Andrea.

Sabay sabay kaming nagpunta sa basement namin, hindi alam ni Andrea na may mini room kami dito sa basement, nandito ang lahat ng papeles namin at mga importanteng bagay.

Umupo si Andrea sa couch pati na din kami ni Isabel.

"Ngayon lang po ako nakapasok dito sa office na ito, matagal na po ba ito?" Tanong ni Andrea.

"Oo anak matagal na ito, madaming importanteng bagay ang nandito kaya hindi ko kayo pinapapunta dito." Sabi ko.



Tumahimik kami sandali at pinakikiramdaman namin kung sino ang unang magsasalita, ilang saglit lang ay nagsalita na din si Andrea.

"Nay, Tay Alam ko pong may gusto po kayong sabihin sa akin pero gusto ko pong unahin nyo sana yung about kay Mama na alam nyong sya ang Mama namin ni Louise. Paano nyo po nalaman ang tungkol doon wala pa naman po akong sinasabi sainyo." Sabi ni Andrea.



"Anak makinig ka sa amin ng Nanay mo, sana kapag nalaman mo ang lahat walang magbabago sa relasyon natin ok?" Sabi ko.



"Opo." Sagot nya.

"Andrea anak gusto ko munang humingi sayo ng pasensya dahil sa pagsisinungaling namin sayo at kay Louise, madami kaming alam tungkol sa buhay ninyo." Sabi ni Isabel.



"Hindi po kita mainitindihan Inay, paano po nangyari na madami kayong alam about sa amin?"

"Dahil sa kagustuhan naming maging ligtas kayo ni Louise, itinago namin ang lahat." Sabi ko.



"Sabihin nyo na po naguguluhan na ako sa mga paligoy ligoy nyo." Naluluhang sabi ni Andrea, alam kong naguguluhan sya pero kailangan naming himayhimayin ang mga detalye.



"Kilala namin ang Mama mo anak, kilalang kilala namin sya dahil asawa sya ng Kapatid ko." Sabi ni Isabel.

"Kapatid? sinong kapatid? si Tito Christian ba?"



"No anak, kumalma ka lang." Sabi ko.

"Ang Papa mo ang kapatid ko, magkapatid kami sa Ama ni Alexander kaya kilalang kilala ko kayo lalo na ang Mama at Papa mo." Sabi ni Isabel.



"Pero paanong hindi ka nakilala ni Mama? hindi ba't nagpunta sya dito?"



"Hindi nya alam ang tungkol sa pagiging magkapatid namin ng Papa mo."



"Pero bakit mo sya pinatuloy dito?"



"Dahil gusto kong madevelop ulit ang relasyon ni Louise at ng Mama mo." 





"Nanay alam mo bang itinanggi nya kami dahil patay na daw ang mga anak nya kaya imposibleng kami daw ang anak nya. Mula nung araw na sinabi nya yon unti unti ko na syang kinamuhian at nawawala na din yung pagmamahal ko na para sa kanya. May gusto lang po akong malaman." Sabi nya habng umiiyak.

"Ano yon anak?" Tanong ni Isabel.



"May kinalaman ba kayo sa paglalagay ng pekeng bangkay don sa aksidenteng kinasangkutan namin 10 years ago?"

"Yes." Diretsong sabi ni Isabel.





"Pero bakit nyo ginawa yon? Alam nyo bang parang ipinagkait nyo na din na mabuo ang pamilya namin, kung hindi nyo nilagyan ng pekeng bangkay yung kotse edi sana kilala pa din kami ni Mama." Tatayo na sana sya pero hinila ni Isabel si Andrea kaya napaupo ulit ito.



"Alam mo kung bakit namin ginawa yon Andrea?!" Sigaw ni Isabel. "Dahil nanganganib ang buhay nyo, bago kayo pumunta sa Nueva Vizcaya tumawag ang Papa mo sa akin ang sabi nya sumunod daw kami sainyo dahil ipapakilala na nya ako sainyo. Pero habang binabagtas namin ang kahabaan ng kalsada patungong Nueva Vizcaya nadaanan namin yung kotse nyo na bumangga sa puno, yung driver nyo may tama ng baril sa ulo at kayong dalawa ni Louise duguan dahil tumama ang ulo nyo sa salamain, yung Papa mo naman duguan din at may tama ng baril sa balikat at daplis sa tagiliran. Ginawa namin yung gusto ng Papa mo, sinunod namin yung gusto ng Papa nyo para mailigtas kayo sa kapahamakan, Hindi totoong nakita namin kayo sa gilid ng bangin na walang malay dahil ang totoo nasa loob kayo ng kotse walang malay at duguan!" Umiiyak na sabi ni Isabel.

Gulat na gulat si Andrea sa kanyang nalaman, Oo tinago namin ang lahat dahil ayon ang gusto ng Papa nila.



"Ginawa lang namin yon dahil ayaw namin na mawala kayo, pinalitan namin ng ibang bangkay ang katawan nyo dahil mahal namin kayo, pinaniwala namin yung mga tao na patay na kayo. Sinunog namin yung kotse nyo kaya lumabas na  sumabog ito." 



"Pero nasaan si Papa?" Tanong ni Andrea.



"Wala akong alam kung nasaang lugar ang Papa mo pero tumatawag sya sa akin minsan para kamustahin kayo." Sabi ni Isabel.



"May ibang pamilya na ba si Papa?"



"Wala, wala syang ibang pamilya dahil kayo lang ang gusto nya at sapat na kayo para sa kanya."



Kinuha ko yung box na maliit sa ibabang ng cabinet ko at ibinigay ko ito kay Andrea.

"Anak nanjan lahat ng letter ng Papa mo, may flashdrive jan at sabi ng Papa mo, ibigay lang daw namin sayo yan kapag nagkita na kayo ng Mama mo."



Iniwan namin si Andrea mag-isa sa basement, sana maging maayos na ang lahat at sana makamit na nila ang hustisya.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon