Chapter 41

180 7 2
                                    

Louise POV


Nandito kami ngayon ni Papa sa St. James Hospital dahil dadalawin ulit namin si Cassandra, gusto kong malaman kung ayos na ba sya, nalaman din ni Papa yung nangyari sa amin nila Mama at Ate dahil napansin nya yung mga pasa namin ni Ate kaya napilitan akong magsabi.




"Anak sasamahan na kita sa loob." Sabi ni Papa.




"Wag na po kaya ko na po."



"Sasamahan kita anak dahil ayokong maulit muli yung ginawa sayo ng Mama mo, paano kung hindi lang ang Mama mo ang nandon paano kung nandon din si Christian baka hindi kana makalabas ng buhay."



"Pero handa kana po bang harapin sila?" Tanong ko.





"Kung kinakailangan na makita nila ako gagawin ko basta para sa siguridad mo anak."


"Sige na nga po, tara na po akyat na po tayo." Sabi ko at sabay kaming pumasok ni Papa sa loob ng hospital.


"Good Morning po Sir saang room po ang punta nyo?" Tanong nung nurse na nagpapacute kay Papa, hmmmmp akala mo naman maganda.


"Kay Ms. Cassandra Zamora." Sabi ko.



"Sige po." Sabi nung nurse naririnig ko silang nagbubulungan sa likod. Ang gwapo kasi ni Papa kaya ang daming babae na nahuhumaling sa kanya mabuti nalang bumalik sya ng walang kasamang ibang pamilya.




Pagdating namin sa tapat ng kwarto ni Cassandra ay kumatok kami at mabuti nalang dahil walang ibang tao kundi yung nurse lang na nagpapakain kay Cassandra.


"Magandang araw po!" Bati sa amin nung nurse.



"Magandang araw din po sayo Ate, pwede po bang ako nalang ang magpakain kay Cassandra?" Sabi ko.



"Sige po maiwan ko po muna kayo."



"Thank you." Sabi ko. "Papa upo ka po muna."




"Sa labas nalang muna ako anak tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ko." Sabi ni Papa.



Hindi ko na pinilit na magstay si Papa dito sa loob kaya naman kaming dalawa nalang ni Cassandra.




"Cass alam mo nung nalaman ko na gising kana natuwa ako kasi sabi ko makakabawi na ako sa mga ginawa ko sayo dati na pagsusungit, alam kong hindi kapa masyadong magaling pero ayos lang yon ang mahalaga gising kana." Sabi ko at nakatingin lang sya sa akin habng nagsasalita ako. "Alam mo ba nung nalaman ko na naaksidente ka naguilty ako lalo na nung nalaman kong comatose ka, hindi pa nga ako sayo nakakabawi kukunin kana agad ni lord pero mabuti nalang talaga at mabait si lord kaya kung ako sayo hindi ko sasayangin yung isang pagkakataon na binigay sayo ni lord na mabuhay muli. Oh bakit ka umiiyak?" Tanong ko dahil may luhang lumalabas sa mga mata nya.





"Alam kong may gusto kang sabihin Cass pero hindi mo magawa, hayaan mo gagaling ka din at masasabi mo din yung gusto mong sabihin sa akin kapag gumaling kana talaga."




Tinaas nya yung kamay nya at tinuturo nya yung white board.




"Gusto mong magdrawing?" Tanong ko kaya kinuha ko na ang white board pati na din yung marker. "Ayan magpratice kana magsulat para din maexercise yung Carpal,Metacarpal at Phalanges mo, diba may naalala ako sa subject natin na Anatomy." Pabirong sabi ko pero totoo ito.





 "Hindi ko maintindihan yan sulat mo ang gulo, pero wait akong bahala akin na yung white board at marker." Sabi ko at nagsulat ako ng ABCD hanggang Z.


"Cass ayan sinulat ko na yung aphabetical para hindi ka mahirapan all you need to do is ituturo mo yung mga letters ok?" Nilapit ko sa kanya yung white board at binigay ko sa kanya yung marker para may ipang turo sya.



Una nyang tinuro ay H sumunod naman ay E hanggang sa makabuo sya ng salitang HELP.


"Help? Bakit Cass?" Nagtatakang tanong ko.


Tinuro nya yung letter na D,A,D.


"Dad? Bakit anong ginawa ng daddy mo sayo?" Medyo kinakabahang tanong ko, sana mali yung iniisip ko.


Tinuro ni Cassandra yung letter H at E ng biglang sumulpot si Papa, "Louise let's go paparating na si Christian hindi nya tayo pwedeng makita baka kung anong gawin nya sayo." Sabi ni Papa.


"Pero Pa may gustong sabihin sa akin si Cassandra." Sabi ko.



"Babalik tayo dito tara na." At hinatak na ako ni Papa pero nagpumiglas ako para bumalik kay Cassandra dahil yung whiteboard makikita na hawak ni Cassandra, binura ko yung nakasuat dito at sinabit ko ulit ito kung saan ko kinuha ito.



"Babalik ako pangako basta magpretend ka lang ok." Sabi ko sabay kiss sa forehead ni Cassandra.



Sa fire exit kami dumaan ni Papa dahil possible na makasalubong namin sya sa hallway. "Papa paano kung sabihin nung mga nurse na bumisita tayo?"


"Sinabihan ko na sila na wag nilang sabihin na may bumisita kay Cassandra."




"The best ka talaga Papa."




"Basta para sayo." Sabi ni Papa.


"Papa kung nandito si Mr. Zamora possible po bang si Mama yung kasama ni Ate sa Tree planting?"



"Possible na ang Mama mo nga ang umattend doon sa tree planting dahil wala namang ibang pwedeng umattend doon kundi yung mga business owner lang."


"Edi ibig sabihin 3 days silang magkasama ni Ate at possible na malaman na ni Mama ang lahat? Papa puntahan natin sila." Sabi ko.


"Hindi tayo pwedeng magpunta doon anak dahil authorize person lang ang pwedeng makapasok sa camp na yon, maghintay nalang tayo dito pero sana pagbumalik na ang Ate mo kasama na nya ang Mama mo na uuwi sa atin."


"Sana nga po Papa." Sabi ko.


Pagdating namin sa parking lot ng hospital ay napaisip ako about sa nangyari kay Cassandra, possible kaya na may kinalaman yung daddy nya sa pagkakahulog nya sa hagdan? pero bakit anong motibo ng daddy nya para itulak sya sa hagdan?

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon