Chapter 8

212 11 2
                                    

Andrea's POV


Nandito kami ngayon nila Cassandra at Louise sa irigasyon ng tubig dahil gusto na daw nilang magswimming at isa pa hindi sila naligo bago kami bumyahe kanina kaya sobrang excited na silang maligo.


Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya ang kapatid ko at ngayon ko lang din sya nakita na masaya na may kasamang iba. Nakakapanibago lang dahil lahat ng ito ay bago lang sa amin.


"Ate halina at maligo kana din!" Sigaw ni Louise na ngayon ay nakalublob na sa parang bathtub na pinagaagusan ng tubig na mula sa irigasyon. 


"Mamaya na ako, magpapahinga muna ako!" Sagot ko.


Humiga ako sa likod ng pick up namin, mabuti nalang at may puno dito kaya hindi ako masyadong maiinitan. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ko ang sariwang hangin, parang kailan lang naghahabulan lang kami dito ni Louise, napakasarap balikan ang nakaraan.


Dito sa farm na ito nabuo ang lahat ng magagandang alaala namin nila Inay at Itay pati na din ni Louise. Paano kung hindi nawala ang Papa ko? Paano kung hindi din nawala ang Mama ko? Ganito kaya kami kasaya ni Louise?


Kamusta na kaya si Mama? Si Papa kaya masaya na sa langit? Nakikita kaya kami ni Papa? Madaming taon na din ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi pa din kami binabalikan ni Mama, sabi nya babalik sya pero nasaan na kaya sya? Hindi pa din ako nawawalan ng pag-asang magkikita kami nila Mama dahil hanggang ngayon pinanghahawakan ko yung salitang sinabi nya sa akin bago sya umalis.


Naalala ko noong araw na umalis sya, nasa garden kaming dalawa ni Louise dahil naglalaro kami ng bahay bahayan kasama ang aso namin si Pearl. Sabi ni Mommy maglalaro daw kami ng tagutaguan pero bago ang lahat kumain daw muna kami dahil ipinagbake nya daw kami ng cookies kaya nagpunta kami sa kitchen.


Masaya kaming kumakain noon habang hinihintay namin si Papa dahil ang sabi ni Mama maaga daw uuwi si Papa. Pero nung araw na yon napansin ko na talagang parang may iba kay Mama.


"Anak tara na maglaro na tayo ng tagutaguan." Sabi ni Mama sa amin noon kaya naman nagready na kami ni Louise.


"Mama ikaw po ang taya?" Sabi ni Louise.


"Yes si Mama ang taya kaya dapat galingan nyong magtago dahil pagbilang ko ng one hundred game na at hahanapin ko na kayo." Sabi ni Mama pero napansin kong parang malungkot ang mga mata ni Mama that time kaya I asked her kung anong problema sabi nya naman wala daw, pero bago kami magtago ni Louise dinala muna ako ni Mama sa may gilid ng bahay namin.


Sabi ni Mama sa akin "Baby magtago kayong dalawa ng kapatid mo basta galingan nyo hah! Wag mong bibitawan ang kamay ng kapatid mo kahit saan kayo magpunta babalikan ko kayo ok?"


"Yes Mama." Malambing na sabi ko at niyakap ko sya noon, hindi ko alam kung bakit ko sya niyakap noon siguro dahil naramdaman kong may mali kaya ko nagawa yon.


"Magpromise ka kay Mama na poprotektahan at aalagaan mo ang kapatid mo." Sabi ni Mama habang seryosong nakatingin sa akin.


"Pangako po hindi ko sya papabayaan, pero Mama bakit ka umiiyak eh maglalaro lang naman po tayo diba? tsaka bakit nakapang-alis ka po?" Tanong ko dati kay Mama, pero ngumiti lang sya sa akin.


"Go na magtago na kayo ng kapatid mo, make sure na hindi ko kayo mahahanap agad ok? go pasok na sa loob."



Sumunod kami sa gusto ni Mama noon, nagtago kami ni Louise sa may basement ng bahay namin dahil sabi ni mama make sure daw na hindi daw nya kami agad makikita. Noong una naririnig pa namin sya na nagbibilang pero nung umabot na ng 48 counts tumigil na sya at hindi na namin sya narinig. Sana pala hindi nalang namin sya sinunod that time kasi kung hindi siguro namin sya sinunod buo sana kami ngayon, pero ayos lang kasi nakilala naman namin si Inay at Itay. Sana balang araw makita ko ulit si Mama dahil kahit kailan hindi ako nagalit sa kanya dahil mahal ko sya.


"AHHHHHHHH!" Sigaw ko dahil binuhusan ako nung dalawa ng tubig na malamig.


Tinignan ko silang dalawa ng masama pero tinawanan lang nila ako.


"BAKIT NYO GINAWA YON!" Sigaw ko pero tumatawa pa din sila.


"Ate kanina kapa namin tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo, kala namin napaano kana." Sabi ni Louise.



Bumaba ako sa pick up at hinabol ko silang dalawa, "Lagot kayong dalawa sa akin." Sigaw ko at tumakbo sila parehas.


Una kong nahuli ay si Louise dinala ko sya sa putik at doon ko sya kiniliti ng kiniliti. "Ate Stop!" Sigaw ni Louise pero di ko pa din sya tinitigilan.


Si Cassandra naman rinig na rinig ko ang malakas nyang tawa kaya tumigil ako at tinignan ko sya. "No Ate, si Louise talaga ang may pakana ng lahat." Sabi nya at hinabol ko din sya at pagkahuli ko sa kanya ay dinala ko din sya sa putikan at doon ko sya kiniliti din.


Punong puno kami ng putik sa katawan dahil halos mahiga na kami sa putikan idagdag mo pa ang pangbabato ni Louise ng putik sa amin ni Cassandra. Naglaro lang kami ng naglaro sa putikan hanggang sa dumating na sila Inay at Itay.



"Hoy! Halina kayo at may dala kaming kakanin ng Itay nyo." Sabi ni Inay at umahon na kami sa putikan.


"Bago kayo kumain mag-anlaw muna kayo, para kayong mga biik na nakawala sa hawla." Tumatawang sabi ni Inay.



"Si Inay naman ginawa pa kaming mga baboy." Sabi ni Louise.


Sabay sabay kaming nag-anlaw at sa totoo lang masaya ako at nag enjoy ako, masarap din naman palang kasama si Cassandra kahit minsan isip bata sya.








We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon