Chapter 59

169 13 3
                                    

Lorraine's POV


Nandito na ako sa tapat ng bahay namin at nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako or what. Gusto kong saktan si Christian dahil sa mga nalaman ko nagkamali ako ng pagkakakilala sa kanya akala ko mabait sya pero sakim pala sya pagbabayaran nya ang ginawa nya sa mag-aama ko hindi ko papalagpasin yung mga ginawa nya sa mga anak ko at sa asawa ko, kailangan kong mahanap yung phone ni Cassandra dahil may ebidensya doon na makakapag-patunay na si Christian ay may kinalaman sa pagkakaaksidente nila Alexander at ng mga Bata.


Hindi ko hahayaang masaktan ulit ni Christian sila Alexander at ang mga bata, ilalayo ko si Cassandra kay Christian.


"Mom what are doing there?" Tanong ni Anthony na nakasilip sa gate.


"Oh Hi! Nothing." Sabi ko at pumasok na ako sa loob.


"Mom I have to go na." Sabi ni Anthony.


"Take care!" Sabi ko at hinalikan ko sya sa noo.


"Mom kagabi kapa hinihintay ni Dad, nasa mini office sya ngayon." 




"Ok, pupuntahan ko nalang ang dad mo, sige na anak malalate kana." Sabi ko at hinintay ko na syang umalis bago ako pumasok ng tuluyan sa loob.


"Good Morning Ma'am!" Bati ng isa naming kasambahay.


"Morning Ate!" Bati ko.


"Ay Ma'am wala po si  Sir sa kwarto nasa office nya po." 


"Nabanggit nga po ni Anthony sige Ate Fe maliligo lang po muna ako bago ako bago magpunta sa office." Sabi ko at umakyat na ako pero bago pa man ako makaakyat ng tuluyan bumalik ako sa pwesto ni Ate Fe. "Ate napansin moba yung phone ni Cassandra kung nasaan?" Tanong ko.


"Ay Ma'am wala po akong napansin kasi po nung nahulog si Ma'am Cassandra dito ko na po sya nakita sa sahig tsaka wala din po akong napansin na nahulog na cellphone na mula sa kanya." 


"Ah ganon ba, Ate kapag nakita nyo yung phone ni Cassandra pakibigay sa akin agad tsaka pwede ba akong humiling sayo." Sabi ko.


"Yes Ma'am ano po iyon?"


"Pwede bang wag mong sabihin kay Christian na hinahanap ko ang phone ni Cassandra at kung maaari kapag nakita mo ang phone  ni Cassandra ibigay mo agad sa akin."


"Sige po Ma'am wala pong problema." Sabi nya.


Umakyat na ulit ako papunta sa kwarto namin pero bago ako maligo ay nilock ko yung pinto at hinalughog ko ang buong kwarto namin para hanapin yung phone ni Cassandra.


Tinignan ko yung drawer na malapit sa bed namin at wala akong nakitang phone. "My gosh! Saan mo nilagay yung phone ng anak ko." Inis na sabi ko.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon