Chapter 1

631 12 2
                                    

Andrea's POV


Ten years ago masaya kaming namumuhay, buo ang pamilya ko at mahal namin ang isa't isa, ngunit ng dahil sa hindi malaman na rason nawala ang mga magulang ko at kaming dalawa lamang ni Louise ang natirang magkasama, mabuti nalang at may tumulong sa amin ni Louise inalagaan at minahal nila kami na para bang tunay nilang mga anak. 



Hinding hindi ko malilimutan yung gabing maaksidente kami nila Papa at Louise, dahil sa aksidenteng yon nagbago ang lahat, nabura ang mga alaala ni Louise kahit ako hindi nya ako maalala noon. That time gulong gulo ako dahil thirteen years old lang ako noon ng mangyari yung trahedyang yon. Nagising nalang ako na nasa ospital kami ni Louise at tanging si Nanay Isabel at Tatay Vicente lang ang nakita ko noong magising ako, 




Sabi ni Inay at Itay natagpuanan daw nila kami ni Louise sa may gilid ng bangin na duguan at walang malay, ang tanging naaalala ko lang noon magkakasama kami nila Papa at Louise dahil pupunta kami sa Nueva Ecija at may bumanggang bus sa amin. Patay daw yung kasama naming driver at si Papa hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita ang bangkay nya, sabi nila Inay at Itay posible daw na nahulog ang katawan ni Papa sa ilog at baka inanod na daw ito.




Palaisipan pa din para sa akin ang lahat ng nangyari sa aking pamilya. Si Mama hindi nya kami hinanap, ilang taon akong naghihintay at nagbabakasakaling hahanapin nya kami pero wala, mukhang sya din ay nawala na, kinuha na talaga sya ng pangarap nya sa amin  at kinalimutan na kami ng tuluyan.



Si Nanay Isabel at Tatay Vicente silang dalawa ang itinuring namin na parang tunay namin na magulang, silang dalawa ang kinilala namin bilang magulang minahal namin silan na para bang tunay naming mga magulang.



Gaya ng hindi pagbalik ni Mama sa amin, hindi na din bumalik ang ilang mga alaala ni Louise, hindi nya naaalala si Mama at Papa kaya itinago ko na ang locket  necklace na ibinigay sa amin ni Mama at Papa.



Nakapagtapos ako ng pag-aaral dahil kay Nanay Isabel at Tatay Vicente, may kaya sila Inay at Itay kaya nakapagtapos ako ng pag-aaral, ipinagpatuloy ko ang negosyo nila na Furniture shop at tinupad ko din ang pangarap ni Inay na magkaroon ng Restaurant.




"Ate namimiss ko na sila Inay at Itay, kailan tayo uuwi sa probinsya? Napaka usok dito sa Manila hindi kagaya sa probinsya natin sariwa ang hangin kahit may mga dumi ng kalabaw." Tumatawang sabi ni Louise.



Parehas kaming nasa Manila ni Louise dahil nagbukas na yung isang branch ng restaurant namin at isa din sa rason kung bakit nandito kami sa Manila ni Louise ay dahil dito na namin naisipan pag-aralin si Louise




"Sa Saturday uuwi tayo sa probinsya natin, namimiss ko na yung amoy ng mga kalabaw natin." Sabi ko habang tumatawa.




"Alam mo Ate, mas masaya sa probinsya, bakit kasi dito nyo pa ako pinag-aral. Yung mga kaklase ko maarte tapos mayayaman." Sabi nya.




"Bakit mayaman din naman tayo, sila ba may farm? may mga taniman ba sila ng mais? may mga alaga ba silang baboy, kalabaw, baka at manok? Hindi ba wala? Mas mayaman tayo sa mga yan." Biro ko.



We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon