Chapter 21

172 11 0
                                    

Andrea's POV

Nagpaalam ako kay Louise na lalabas muna ako sandali dahil may kailangan akong kausapin, mabuti nalang at pinayagan nya akong lumabas kahit gabi na basta mag-iingat lang daw ako. Minsan talaga napapaisip ako kung sino ang mas matanda sa aming dalawa dahil kung minsan akala mo mas panganay si Louise kung makaasta sa akin.

Pupunta ako sa coffee shop dahil hinihintay ako ngayon ni Ms. Santiago, pinaimbestigahan ko kasi yung nangyaring aksidente sa amin dahil naghihinala din si Tatay, mukha daw kasing sinadya ang lahat at mukhang planado daw.

After 15 minutes ay nakarating din ako sa coffee shop na sinabi ni Ms. Santiago.


"Magandang gabi po Ms. Guevarra." Bati nya sa akin.


"Magandang gabi din sayo Ms. Santiago." Bati ko.


"Ma'am regarding po don sa pinaiimbestigahan mo sa akin about po don sa aksidenteng kinasangkutan nyo 10 years ago may ilan pong nakapagsabi sa akin na sinadya daw po ito kaya nag-imbestiga kami ulit  ng team ko, nagpunta po kami sa lugar kung saan po kayo naaksidente noon at pati na din po yung mga police na humawak ng kaso nyo. Ang sabi po don nawalan daw po ng preno ang sasakyan nyo kaya bumangga daw kayo sa puno at sumabog daw ang sasakyan nyo,pero ang nakakapagtaka lang po ay yung driver nyo ay may tama ng baril sa dibdib na ikinamatay nito ayon sa autopsy report ng mga police."

Sumabog? hindi naman nabangit sa akin ni Nanay at Tatay ang tungkol sa pagsabog ng sasakyan namin.

"How about si Papa? yung bangkay nya nakita na ba?" Tanong ko.


"Regarding naman po sa Papa mo possible pong nakaligtas sya dahil ang sabi ng mga pulis katawan nyo lang daw ang nandon sa sasakyan nung marecover daw nila ito."


"What? Hindi kita maintindihan? Paanong katawan namin? Buhay na buhay nga kami ngayon and si Papa nilibing daw sya ni Mama kaya imposibleng buhay sya." Naguguluhang sabi ko.

"Ma'am sa tingin ko may naglagay ng pekeng bangkay sa sasakyan nyo, planado ang lahat." Sabi nya.

"Kung buhay si Papa, nasaan sya?"


"Yan po ang hindi ko masasagot."


Naguguluhan ako dahil kung buhay si Papa edi sana hinanap na nya kami pero bakit di sya nagpapakita sa amin ni Louise?

"Mauna na ako." Sabi ko at lumabas na ako ng coffee shop.

Paanong nangyari na may naglagay ng ibang bangkay sa sasakyan namin? Hindi kaya si Nanay at Tatay ang gumawa non? Pero anong motibo nila para gawin yon?

Lorraine is calling...........

Huminga ako ng malalim bago ito sagutin, "Hello?"

"Andrea pwede ba tayong magkita?" Tanong nya.


"Para saan? para pagbintangan ulit ako?"


"No, may gusto akong malaman."


"Ano pa bang gusto mo Ma! pinakita ko na lahat sayo yung ibidensya ano pa bang kulang DNA? then go ikaw ang magproduce kung naghihinala kapa din. Gulong gulo na ako hindi ko na alam gagawin ko Ma! Kung hindi ka lang umalis edi sana hindi ako nagkakaganito ngayon. Gusto ko ng mawala sa mundong ito para mawala na din yung sakit na nararamdaman ko kaso iniisip ko yung kapatid kapag nawala ako alam kong hindi mo din sya tatangga[in bilang anak dahil ako ng hindi mo matanggap sya pa kaya? Ma hirap na hirap na ako." Umiiyak na sabi ko.

"Shhh don't cry."

"Paanong wag akong umiyak Ma? Sige nga ikaw kaya ang itanggi ng sariling Ina hindi kaba masasaktan?"

"Pasensya na." Sabi nya.

"Pasensya Ma? Pasensya? Kung hindi dahil sayo hindi kami maaksidente Ma! kung hindi mo lang sana inuna yang pangarap mo edi sana kasama ka namin at si Papa, kung naghintay ka lang edi sana buo tayo Ma! buo tayo at hindi mo ako pinagdududahan ngayon! Ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para layuan kita ng tuluyan, ikaw ang gumagawa ng paraan para kamuhian kita! Ayaw mong maniwala na ako at si Louise ay anak mo? Sige wag kang maniwala hindi namin ipipilit ni Louise ang sarili namin sayo!" Pinatay ko na yung phone ko.


Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman talaga sa akin, madali akong kausap kung ayaw nya edi wag.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon