Lorraine's POV
Isang linggo na ang nakalipas magmula ng inihatid namin si Cassandra sa Pangasinan, patuloy pa din akong nagpapanggap na walang alam at hinahayaan ko lang si Christian na kumilos sa lahat. Hindi na ako napunta sa opisina ko dahil mas gusto kong nandito nalang ako sa bahay at isa din sa dahilan ko ay kailangan kong mahanap yung phone ni Cassandra. Ilang araw ko nang hinahalughog ang opisina ni Christian sa ibaba pero wala akong makitang phone ni Cassandra.
Sinubukan kong hanapin dito sa kwarto namin yung phone ni Cassandra pero wala akong makita, tumulong na din sa akin si Ate Martha na maghanap ng phone pero wala talaga.
"Ate Martha noong nahulog ba si Cassandra sa hagdan saan mo huling nakita si Christian?" Tanong ko.
"Ma'am nakita ko po sya papalabas ng basement."
"Tara sa basement." Sabi ko at tumakbo ako patungo doon.
Hinalughog namin ni Ate Martha ang basement hanggang sa may nakita kaming box na maliit at pagbukas namin bumungad agad yung isang cassette tape pati na din yung phone ni Cassandra.
"Ma'am ayan na po ata yung cellphone ni Ma'am Cassandra." Sabi ni Ate Martha.
"Ate Ito na nga po iyon, tara po sa kwarto namin." Sabi ko kay Ate Martha at agad kaming nagtungo sa kwarto namin.
Hinanap ko agad ang bag ko dahil kailangan ng umalis ni Ate Martha dito sa bahay na ito, ayokong pati sya ay madamay sa kasamaan ni Christian. Kumuha ako ng pera sa wallet ko at iniabot ko ito sakanya. "Ate Martha ito ang pera umalis kana din dito ngayon sa bahay na ito, ayokong pati ikaw ay madamay."
"Po? Ano pong ibig mong sabihin Ma'am? Napaka laking halaga po nito hindi ko po ito matatanggap." Sabi nya.
"Hindi na mahalaga na malaman mo kung bakit kita pinapaalis basta gusto ko umalis kana ngayon ayokong pati ikaw madamay sa kaguluhan ng pamilya ko, yung pera? Kulang pa yan Ate, sa tagal ng pagsisilbi mo sa amin kulang pa yan, please umalis kana ngayon bumalik kana sa probinsya nyo. Lalagyan ko ng laman yung bank account mo bilang kabayaran sa pagtulong mo sa akin at pag aalaga kay Cassandra sa matagal na panahon."
"Hindi ko po kayo lubusang maintindihan Ma'am pero kung ayan po ang gusto mo gagawin ko po para sa ikabubuti ko. Salamat po sa lahat Ma'am."
"Walang anuman Ate, salamat din dahil tumupad ka sa usapan natin na walang makakaalam sa ginagawa nating paghahanap, sige na magbalot kana ng damit mo at ihahatid kita sa daungan ng barko." Sabi ko at tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko.
Tinawagan ko agad si Alexander upang ibalita na hawak ko na ang ibidensya na matagal na naming hinahanap pero hindi nya sinasagot yung tawag ko kaya naman naisipan kong dumaan nalang mamaya sa bahay nila pagkahatid ko kay Ate Martha.
"Ma'am tapos ko na pong ayusin ang mga gamit ko." Sabi no Ate Martha kaya naman lumabas na ako ng kwarto at tinulungan ko syang dalhin ang mga gamit nya sa sasakyan ko pero habang nilalagay namin ang mga gamit ni Ate Martha biglang dumating si Christopher.
"Love saan kayo pupunta?" Tanong ni Christian.
"Ah ihahatid ko lang si Ate Martha sa daungan ng barko, kailangan nya na kasing bumalik sa kanila dahil kailangan na sya ng Nanay nya at mga kapatid nya." Pagsisinungaling ko.
"Ganon ba, sandali lang sasama ako."
"Wag na love kaya ko naman na ihatid si Ate Martha isa pa may lakad kami ni Helen yung pinsan ko na kadarating lang galing US." Sabi ko.
"Ok, basta text me kapag naihatid mo na si Martha at kapag kasama mo na si Helen." Sabi nya at hinalikan nya ako bago pumasok sa loob ng bahay namin.
"Ate Martha sakay kana." Sabi ko at sinunod naman nya ako.
After 45 minutes ay nakarating na din kami daungan ng barko, tinulungan ko si Ate Martha na magbaba ng mga gamit at sinamahan ko na din sya sa bilihan ng ticket. After namin makabili ng ticket ay nagpaalam na ako sa kanya. "Ate maraming salamat sayo napaka laking tulong ng ginawa mo, basta kapag kailangan mo ng tulong handa akong tulungan ka basta tumawag kalang sa akin."
"Opo Ma'am, sige na po ako po ay sasakay ng barko, mag iingat po kayo palagi!" Sabi nya at niyakap ko sya. Hinintay ko syang makapasok ng barko bago ako tuluyang bumalik sa sasakyan ko.
Nagpahinga muna ako sandali at sinilip ko yung phone ko, walang paramdam si Alexander ang walang hiyang yon matapos makahalik sa akin ng madaming beses nung nakakaraan hindi na nagpaparamdam sa akin, mabuti pa ang anak ko na si Andrea palaging nagpaparamdam sa akin samantalang sya laging busy.
Andrea is calling...............
"Hi Ma! Where are you?" Tanong nya sa akin.
"Nasa daungan ng barko, why?" Sabi ko.
"Pwede po bang dumaan ka dito sa resto, sabay po tayong magdinner." Sabi nya.
"Sure anak, ahmmm ang Papa mo pala alam mo ba kung nasaan?" Tanong ko.
"Nasa bahay lang po si Papa, bakit po?" Sabi nya.
"Hindi kasi sya sumasagot sa mga tawag ko."
"Ah ganon po ba, sa bahay nalang po tayo magdinner para makasama natin si Papa."
"Ok, doon nalang ako didiretso nak." Sabi ko.
"Sure Mama, Ingat ka po, I love you."
"I love you too, ingat ka din." Sabi ko at ibinababa ko na ang phone ko.
Ngayong araw magbabago ang lahat, malalaman na ng mga tao kung gaano kasama si Christian.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...