Chapter 25

169 8 0
                                    

Lorraine's POV

Pinahukay ko ang mga bangkay ng mga anak ko dahil gusto kong siguraduhin na totoo ang sinasabi ni Andrea na sila ang anak ko ni Louise. Kung sila man ang anak ko tatanggapin ko sila ng buong buo pero sana matanggap ito ni Christian at ng mga anak namin.


Ilang araw ko na din hindi nakikita si Andrea at Louise, magpapaDNA sana kami ang kaso lang wala sila kaya naisipan kong yung mga bangkay nalang ang ipapaDNA test ko. Kung mag negative man ito agad kong kakausapin sila Andrea, ipapaDNA ko sila para makasigurado akong hindi nila ako niloloko. Ayoko ng maulit yung dati na may nagpanggap na sila daw ang mga anak ko.


Sampung taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat, hindi ko sukat akalain na dadating ako punto na magpapahukay ako para lang magpaDNA. Madaming bumabagabag sa isipan ko dumagdag pa yung narinig ko kay Christian noong nakaraan.


Naglalakad ako noon sa may hallway ng bahay namin ng marinig ko syang may kausap sa phone sa may balcony namin, huminot ako that time dahil parang sinisigaw ng isip ko na pakinggan ko yung pinag-uusapan nila.


"Akala ko ba patay na?" Mahinang sabi ni Christian pero bakas ang galit sa boses nito. 


Hindi ko man marinig yung kausap nya sa kabilang linya, naiintindihan ko naman ang tinutukoy ni Christian.


"Diba sinabi mong patay na yung mag-aama pero bakit may nagpapakilalang anak nya?"


Nung narinig ko yon para akong binuhusan ng malamig na tubig, pakiramdam ko ang mga anak ko at ang dating asawa ko ang tinutukoy nya, pero sana mali ako ng hinala dahil kung tama man ang hinala ko hindi ko sya mapapatawad.


"Ma'am nakuhaan na po namin ng samples ang mga anak mo, maaari na po ba namin silang ibaon muli?" 


"Wait lang gusto ko muna silang masilip."


"Sige po Ma'am, pero kailangan nyo po munang isuot itong mask at gloves." Inabot sa akin nung lalaki yung mas at gloves, sinuot ko ito bago ako magtungo doon sa museleo.


Nasa labas yung mga taong binayaran ko para kuhaan ng samples ang mga anak ko, ako lang mag-isa ang nandito sa loob ng museleo dahil gusto kong makasama muna kahit sandali ang mga anak ko.


"Kung hindi kayo ang mga anak ko, masaya ako dahil buhay sila at alam kong makakasama ko sila,ang kinakatakot ko lang baka hindi nila ako matanggap, pero sino nga ba kayo?"  Tanong ko sa mga bangkay na nasa harapan ko.


"Ma'am kailangan na po namin silang ibalik." Sabi ng supurturero.

"Sige po." Sabi ko at lumabas na ako ng museleo.


Paglabas ko ng museleo ay agad akong pumasok sa kotse ko, puro tawag ni Cassandra ang phone ko pero hindi ko ito sinasagot dahil gusto ko munang mapag-isa.

Gustong gusto ko ng malaman yung katotohanan dahil naguguluhan na din ako sa mga nangyayari ngayon, kung si Andrea at Louise man ang tunay kong mga anak matatanggap pa din kaya nila ako bilang Mama nila?


Knock.....knock......knock...... 


Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko.


"Ma'am after 3 days po pwede nyo na pong makuha yung result." 


"Ok, salamat." Sabi ko at binigay ko na yung bayad.


"Ma'am sobra sobra na po ito."


"Ayos lang yon kuya ginawa nyo naman ng maayos yung trabaho nyo." Sabi ko at itinaas ko na ang bintana ng sasakyan ko sabay alis.


Habang nagmamaneho ako nakatanggap ako ng ilang text mula kay Christian pero hindi ko ito binubuksan hanggang sa tumawag na ito sa akin,wala akong ibang choice kundi ang sagutin ito.

"Hello?"

"Lorraine nasaan ka?" Tanong ni Christian.



"Nagdadrive, why?" Sabi ko.

"Si Cassandra."



"What happened to Cassandra?" Kinakabahang tanong ko.

"Nahulog sya sa hagdan."



"What!" Sigaw ko.



"Pumunta ka dito sa St. James Hospital." Sabi ni Christian at binaba ko na ang phone ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag  nawalan na naman ako ng isang anak. 


After 15 minutes ay nakarating agad ako sa hospital na sinabi ni Christian, naabutan ko si Christian sa waiting area.

"Anong nangyari bakit sya nahulog?" Tanong ko kay Christian.



"I don't know basta nakarinig nalang ako ng kalabog noong nasa balcony ako and then nakita ko nalang si Cass na nasa sahig na puno ng dugo at walang malay." 



"Sh*t anong sabi ng doctor?" Inis na tanong ko.



"Naaa operating room na sya mamaya lang daw ay matatapos din yung ginawa nilang operation kay Cass." Sabi ni Christian.

"Hon umuwi ka muna sa bahay dito nalang muna ako." Sabi ko.


"No! Hindi kita iiwanan dito."


"Ok ganito, umuwi ka mina sa bahay magpalit ka ng damit dahil ang daming dugo ng shirt mo. Ikuha mo nalang kami ni Cassandra ng damit tsaka ka bumalik dito ok."  Sabi ko.




"Ok, babalikan kita agad."


"Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo." Sabi ko.


"Yes, I will!" Sabi nya sa akin sabay halik bago sya umalis.


Nagtungo muna ako sa chapel ng hospital para ipagdasal na sana walang matinding damage ang ulo ni Cassandra.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon