Chapter 27

163 9 1
                                    

Alexander's POV


Noong makita ko ang aking dalawang anak na nasa aking bahay lubos akong natuwa dahil ngayon ko nalang ulit sila makakasama, after 10 years ngayon ko nalng ulit sila mayayakap. Napakalaki ng pinagbago ng dalawa kong anak lalo na si Andrea. Parang dati lang binubuhat buhat pa namin sya ng Mama nya.


Napakagaling talagang mag-alaga ng kapatid ko, mabuti nalang talaga at may kapatid ako na inako ang pag-aalaga sa dalawa kong anak. Maswerte pa din kami dahil nakaligtas kaming mag-aama sa trahedyang yon, sayang lang at hindi nakaligtas si Ernesto ang driver ko na napaka bait.


"Pa matagal kana po ba dito?" Tanong ni Andrea.



"Actually anak limang taon palang ako dito dahil nanirahan ako sa Texas pagkagaling ng mga sugat ko noon. Nagtrabaho ako sa isa sa pinaka magandang company doon at noong nakaipon na ako nagdecide na akong bumalik dito."



"Pero Pa bakit hindi mo kami pinuntahan kala Nanay Isabel?" Tanong ni Louise.


"Kasi anak kailangan kong mag-isip ng matiwasay,  pinaimbestigahan ko lahat ng nangyari sa atin noon tsaka gusto kong maging ligtas kayo kaya hindi muna ako nagpakita sainyo."


"Pa alam mo ba sa loob ng sampung taon na wala kayo ni Mama hindi ako nawalan ng pag-asang may babalik pa na isa sainyo ni Mama, bumalik kayong dalawa ang kaso lang si Mama bumalik na hindi buo dahil may iba ng nagmamay-ari sa kanya pero ayos lang yon Pa dahil alam namin na wala kaming kahati sayo."



"Alam mo anak babalik din sa atin ang lahat lalo na ang Mama mo, maghintay lang tayo ng ilang araw or months, basta ipinapangako ko na ibabalik ko ang dati nating pamilya."


"Pero paano Pa?" Tanong ni Andrea.


"Louise anak pwede bang iwanan ka muna namin ng Ate mo dito, nandito naman si Luigie tsaka pwede kayong maglakad lakad sa dalampasigan." Sabi ko kay Louise mabuti nalang at pumayag ito. 



Nung umalis na si Louise tsaka lang nagsalita ulit si Andrea. "Pa paano natin babawiin si Mama?" Tanong ni Andrea.


"Anak makinig ka kay Papa ok? Alam ko nasa tamang age kana para gawin ang mga iuutos ko sayo."


"What do you mean Papa?"


"Sisismulan ko sa kung paano nangyari ang lahat, at kung paano at bakit tayo naaksidente."


"Then go Papa ikwento mo lahat para po maintindihan ko." Sabi ni Andrea.


"15 years ago ng makilala ko ang Tito Christian mo sa isang bar, sya yung pinaka matalik na kaibigan ko then sabi nya gusto nya daw pumasok sa company natin and then hinayaan ko sya sa gusto nya na makapasok sa company natin. Your Mama Lorraine was your Tito Christian's Girlfriend, sobrang mahal nila ang isa't isa to the point na naiinggit na ako sa kanila kasi wala pa akong girlfriend noon dahil puro work ako. But oneday nagkaayan kaming magbar kasama ang Tito Christian mo at yung iba naming kaibigan sa company. Dahil sa sobrang kasiyahan namin that time hindi na namin napigilan ang mga sarili namin, uminom kami ng sobrang dami at yung isa naming kaibigan ay nagbook pala ng dalawang kwarto sa isang hotel na malapit lang sa bar na pinuntahan namin at doon kami nagstay lahat, may iba kaming kasamang babae na kaibigan din naman namin kaya lang yung secretary ko noon may gusto pala kay Christian, paglabas ko ng kwarto nakita ko si Lorraine na umiiyak sa labas ng kwarto kung nasaan si Christian."


"You mean hindi ikaw ang first love ni Mama?" Tanong ni Andrea.


"Yes, dahil si Christian talaga ang nauna at hindi ako." 


Lumapit si Andrea sa akin at niyakap nya ako ng mahigpit. "it's ok Papa."


"Pwede ko na bang ituloy yung kwento ko?"



"If ok lang sayo Pa then go continue."


"Nung makita ko si Lorraine sa labas ng kwarto kung nasaan si Christian pumasok ako sa loob upang tignan kung ano ang nangyari at kung bakit ganon nalang umiyak si Lorraine. Nagulat ako sa nakita ko noon dahil si Christian ay wala ng damit pati na din yung secretary ko. Magkayakap silang dalawa habang walang saplot na suot. Magmula ng araw na yon nakipaghiwalay si Lorraine kay Christian. Everyday kinakausap ko silang dalawa na sana maayos pa nila ang relasyon nila pero isang araw bigla nalang nag-iba yung nararamdaman ko kay Lorraine, umabot ng ilang taon bago ako umamin sa kanya na mahal ko na sya."


"Ibig sabihin hindi ka minahal ni Mama?"



"No, minahal ako ng Mama mo magmula ng umamin ako sa kanya lalo na nung dumating ka sa buhay namin. Ikaw yung dahilan kung bakit mas lalo akong minahal ng Mama mo." Sabi ko.


"Anong nangyari kay Tito Christian nung malaman nyang naging kayo ni Mama at nagkaanak kayo ni?"


"Tinanggap nya ang lahat anak dahil sabi nya kung saan daw magiging masaya si Lorraine masaya na din daw sya." Sabi ko.



"Pa, if ever na hindi na bumalik si Mama sa atin pwede bang maging strong ka para sa amin ni Louise?"


"Yes magiging malakas ako para sainyong dalawa, pero sisiguraduhin kong babalik sa atin ang Mama mo."



"How? You mean babawiin mo talaga sya?"



"Yes dahil kapag mahal mo dapat ipinaglalaban mo." Sabi ko sabay ngiti.


"Naks iba ka talaga Papa."


"Anak may gusto pa akong sabihin sayo."


"Ano po yon?" Tanong ni Andrea.


"Lahat ng nangyari sa atin planado at isa lang ang kilala kong makakagawa non."



"Sino po?"



"Si Christian, dahil may lihim pa din syang pagtingin sa Mama mo kaya nagawa nyang ipapatay tayo. Gaya nga ng sinabi ko kanina, kapag mahal mo ipaglalaban mo at ayon ang ginawa ni Christian."



"Pa wag na wag kang gagaya kay Tito Christian."


"Hinding hindi ako papatay ng tao para lang sa mahal ko, gagawin ko yung tamang proseso para mabawi ang Mama mo, sisiguraduhin kong walang masasaktan."


Hintayin mo ang pagbabalik ko Christian, babawiin ko ang asawa ko mula sayo at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon