Chapter 7

200 10 3
                                    

Cassandra's POV


Maaga kaming ginising ni Ate Andeng dahil uuwi kami ngayon sa province nila, masaya ako dahil parang kapatid ko na din silang dalawa ni Louise ganito pala ang pakiramdam kapag madaming kapatid sobrang saya nakakawala ng problema.


Inayos ko yung bag ko at yung phone ko na iniwan ko lang basta sa sofa nila Louise. Chineck ko muna kung may messages at hindi nga ako nagkamali napakadaming messages galing kay Mommy, siguro ay nagsumbong na ang isa sa mga kasambahay namin na wala ako sa bahay.


Tinawagan ko si Mommy para sabihing safe ako at masaya ako.


"Mommy?"


"My gosh Cassandra! Kagabi pa kita gustong makausap pero yung Ate ng kaklase mo yung nakausap ko, nasaan kaba!? Umuwi kana please!" Inis na sabi ni Mommy.


Tumawa ako at sinabing "Mom don't worry safe ako at masaya ako kung nasaan man ako ngayon kaya wag kana pong mag-alala ok?"


"WHAT! Umuwi kana Cassandra!"


"No Mommy dito muna ako kala Ate Andeng atleast dito hindi ko po nararamdaman na iba ako. Masaya po ako dito Mommy kaya wag ka pong mag-alala uuwi po ako ng buo. I love you Mom." Sabi ko at inend ko na yung call.


"Sino yon Mommy mo?" Tanong no Ate Andeng.


"Opo." Sabi ko.


"Anong sabi?"


"Pinapauwi na po ako, pero syempre mas gusto ko dito." Sabi ko.


"Ate tara na!" Sigaw ni Louise kaya naman lumabas na kami ng unit at nagbyahe na kami papunta sa province nila Louise at Ate Andrea.


Si Ate Andeng ang nagmamaneho at katabi nya naman si Louise na nasa unahan. Mag-isa lang ako dito sa likod kaya naman nakakahiga ako.


"Louise saan nga pala ang probinsya nyo?" Tanong ko habang nakatinhin ako sa bintana.


"Omg hindi mo alam? My gosh Cassandra, edi sa La Union." Sabi ni Louise.


"Talaga? Alam mo ba madalas kaming napunta doon dahil paboritong lugar ni Mommy yon." Sabi ko.


Puro kwentuhan lang ang naganap sa buong byahe namin, si Louise naman ay nakatulog na dahil sa sobrang haba ng byahe.


"Ate pwede po ba tayong mag stop over? Hindi ko na po talaga kayang pigilan yung ihi ko." Mahinang sabi ko kay Ate Andeng.


"Ok may madadaanan naman tayong damuhan doon ka nalang umihi." Sabi ni Ate.



We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon