Chapter 53

192 9 1
                                    

Andrea's POV

Kanina pa ako naghihintay kay Papa dahil nag-aalala ako baka kung napaano na sya. Nakatulog na si Louise pero ako hanggang ngayon hindi pa natutulog dahil iniisip ko si Papa, baka panahamak na sya sana pala hindi ko nalang sya pinilit na gawin yung bagay na hindi pa sya handa.

Ding.....dong....

Tumakbo agad ako sa monitor upang silipin kung sino yung nag doorbell at laking gulat ko ng makita ko si Papa na buhat buhat si Mama kaya lumabas agad ako ng gate para pagbuksan sila.

"Pa anong ginawa mo kay Mama?" Tanong ko.



"Ginawa ko yung gusto mo anak, ayan kasama na natin sya." Sai ni Papa at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Pa sa kwarto mo nalang dalhin si Mama." Sabi ko.



"Yes I will." At sumunod nalang ako kay Papa.

Pagkalapag ni Mama kay Papa gulat na gulat pa din ako kasi kasama si Mama tapos tulog pa. "So heavy." Sabi ni Papa kaya napatawa ako.

"Pa anong ginawa mo? I mean bakit ganyan si Mama tulog? Wag mong sabihing Oh my gosh!"



"Shhh baka magising." Sabi ni Papa.



"Eh Papa bakit pinatulog mo si Mama."



"Sa tingin mo sasama sa akin yan?"



"Oo sasama si Mama sayo Papa." Sabi ko.



"Hindi yan sasama sa akin, matigas ang ulo ng Nanay mo." Sabi ni Papa habang natatawa.



"Papa naman." Sabi ko sabay tawa. "But yeah matigas nga talaga ang ulo ni Mama." At  tumawa na din si  Papa.



"Pa you want coffee?" Tanong ko.



"Yes, please." Sabi ni Papa kaya lumabas na ako ng kwarto.



Pagdating ko sa kitchen ay nagtimpla agad ako ng coffee at bumalik ako sa kwarto ni Papa para ibigay ang coffee nya.

"Pa sa tingin mo safe tayo dito?" Tanong ko. "Bakit hindi tayo bumalik ngayon sa Pangasinan diba nandon pa naman si Nanay at Tatay."



"Umuwi na ang Nanay at Tatay mo sa La Union."



"Edi bumalik muna tayo sa Pangasinan ngayon." Sabi ko.





"Para saan? Dito nalang tayo baka hanapin ni Christian ang Mama mo at baka masira pa yung mga plano natin."

"Hanggang kailan tayo magtatago?" Tanong ko.

"Hanggat kaya pa natin, you know what you need to rest na anak hating gabi na." Sabi ni Papa.



"Paano kung nagpapanggap lang tayo na kaya pa natin?" Tanong ko.



"Anak please magtiwala ka sa akin, hawak na natin ang Mama mo sya yung susi para makuha yung isang ebidensya, nakuha na ni Renz yung ibang papers ng company natin at yung ibang voice record. Yung phone nalang ni Cassandra ang kulang kaya please magtiwala ka sa akin malay mo sa susunod na mga araw makulong na si Christian at makakasama na natin ang Mama mo."



"Ok." Sabi ko at umalis na ako, feeling ko pagod na isip ko kakaisip sa mga mangyayari kaya nagkakaganito ako.

Pumunta ako sa kwarto ko at tumayo ako sa may harapan ng bintana, pinagmamasdan ko yung mga bituin na kumikinang at ang maliwanag na buwan, yung buwan ang nagmimistulang ilaw sa aking madilim na silid dahil hindi ako nagbukas ng ilaw.

"Bakit ganito ako?" Tanong ko sa buwan. "Hindi ko akalain na mararanasan ko yung mga ganitong bagay, akala ko magiging masaya ako kapag kasama ko na si Mama pero bakit ganon hindi pa din ako masaya? Bakit parang may kulang pa din sa buhay ko?"

Kinuha ko yung picture ko noong maliit pa ako. "Alam mo namimiss ko na yung dating ikaw Andrea, yung Andrea na masiyahin na akala mo walang iniinda na sakit yung Andrea na palaban nawawala na din, nasaan kana ba Andrea? bakit parang nawala yung dating ikaw? pwede bang bumalik kana sa sarili mo gaya ng dati Andrea?" Sabi ko sa sarili kong picture.



"Alam mo Andrea liit nasayang lahat ng effort mo dahil nawala ka sa sarili, madaming nawala kaya din siguro yung dating ikaw Andrea nawala din, babalik ka pa ba?" Tanong ko sa litrato ko.



"Sana kung babalik ka man sana buo at walang kulang, gusto kong maranasan ulit yung buo at walang tinataguan."

"Hey Ate what are you doing? sinong kausap mo?" Sabi ni Louise na nasa likod ko na pala, pinunasan ko muna yung pisngi ko bago ako humarap sa kanya.



"My gosh Louise Ann! Papatayin mo talaga ako sa nerbyos?" Sabi ko sabay irap.



"Anong trip mo Ate? patay ilaw mo tapos nakatingin ka jan sa bintana tapos nagsasalita pa, ano sa tingin mo yung tumatakbo sa isip ko ngayon?"



"Alam mo maldita ka talaga, manang mana ka kay Mama." Sabi ko.



"Hindi ako nagmana sa kanya." Sabi nya sabay irap.



"Really huh?" Sabi ko sabay smirk. " Are you sure about that?"





"Hmmm yes! Nevermind." Sabi nya sabay higa sa kama go.



"Hey doon ka sa kwarto mo matulog."

"No! dito ako matutulog baka kasi mamaya kung anong gawin mo na naman. Period! Humiga kana dito Ate."



"Wow naman parang sya yung Ate, sige po Ate Louise Ann matutulog na ako." Pang-aasar ko.



"Stop calling me ATE, bunso ako."



"Are you sure na bunso ka?" Tanong ko sabay smirk ulit.

"hmmm ye--yeah, bunso ako so period! lets sleep na." Sabi nya sabay nagkumot sya.





Para talaga syang si Mama walang pinagkaiba anak nga sya ni Lorraine.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon