Chapter 78

130 4 1
                                    


Andrea's POV


Isang oras na ang nakalipas magmula ng umalis kami sa bahay namin, ako na yung nagprisinta na magdrive dahil malayo ang binyahe nila Papa kanina. Mabuti nalang at hindi matraffic ngayong araw. Excited na akong makita sila Mama at Cass, paniguradong magiging masaya ang pasko naming magkakapatid dahil buo na kaming lahat, meron na kaming Mama at Papa at syempre meron na din kaming baby boy.


"Pa, bili muna tayong flowers para kay Mama pagdating natin ng Cebu." Sabi ko.


"Sige anak, no problem." Nag smile sya.


"Ate bilihan din natin ng chocolates si Cassandra baka magtampo yon." Sabi ni Louise.



"Sige daan tayo sa chololate store." Sabi ko.



Nakangiti lang ako habang nagmamaneho, halo halo ang nararamdaman ko dahil makikita ko na ulit sila Mama. Akala ko hindi matutupad yung mga wish ko, akala ko magpapasko kaming hindi buo. Napakasaya dahil sa dami ng taon na di kami magkakasama, ngayon malapit na talagang mabuo dahil wala na yung sumira sa pamilya namin.

Sa ilang minuto kong pagmamaneho hindi ko nanamalayang nakatulog na pala si Papa at Louise, kaya naman ginising ko na sila at sinabing "Pa, malapit na tayo sa airport." at ngumiti sya sa akin.

Pagdating namin sa airport bumaba agad kami at kinuha namin yung mga gamit namin, iniwan nalang namin ang sasakyan sa parking lot dahil kukunin naman ito ng tauhan ni Papa mamaya.


"Nakuha nyo naba ang lahat?" Tanong sa amin ni Papa.


"Yes po." Sabay naming tugon ni Louise.


Sabay sabay kaming naglakad papasok sa loob ng airport. Dirediretso lang ang aming lakad dahil ayos naman na ang aming ticket, sa isang private plane kami sasakay. "Pa buti nalang po may nakuha kayong private plane, mapapabilis po ang byahe natin." Sabi ni Louise.



"Excited na kasi yang si Papa na makita si Mama." Tumatawang sabi ko.


"Syempre naman." Sabi ni Papa kaya tumawa nalang kami ni Louise.



After 5 minutes may sumalubong samin na babae, nakipagbeso pa ito kay Papa, yuck! tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. "Pa sino yan?" Tanong ni Louise. Buti nalang nauna magtanong si Lousie.


"Ohh this is your Tita Megan." Sabi ni Papa, hmmm bagay sa kanya yung name nya mukhang maldita.

"Hindi mo naman sinabi agad na may isa kapang kapatid Papa?" Tanong ulit ni Louise, God job little sister, magmaldita ka. sabi ko sa isip ko.


Tumawa si Papa at mukhang kita nyang naiirita na kami." Pa tara na naghihintay na si Mama." Sabi ko kahit hindi naman talaga alam ni Mama na papunta kaming Cebu.


"Wait," Sabi ni Papa habang nagpipigil ng tawa. "Siya si Tita Megan nyo." at inulit pa ni Papa. "So kaano ano mo sya? wag mong sbihing kabit mo yan?" Taas kilay kong sinabi.


"No, hindi ko sya kabit!" Tumawang sabi ni Papa pati yung Megan natawa na din. "Manang mana talaga kayo sa Mama nyo,Anyway Ako si Megan Alvarez, kinakapatid ko yang Papa nyo, and excuse me hindi ako kabit, may 3 anak na ako duhh." Sabi nya sabay irap, sinaway naman sya ni Papa.


"Oohhh Louise magsorry ka." Sabi ko.


"Bakit ako lang ate ikaw nga tong masakit magsalita." Sabi nya sabay irap sa akin.


"Dont worry girls ok lang yan, kasalanan ko naman, pinagtripan ko kayo." Sabi nya sabay tawa.


"Hmmm sorry Tita Megan/ Sorry." Sabay naming sabi ni Louise.


"Kuya bakit naman ang gaganda ng mga anak mo." Gigil na sabi ni Tita Megan.


"Nagtaka kapa maganda ang Ina at gwapo naman ako, malamang magaganda anak ko saan pa ba magmamana kundi sa amin." Proud na sabi ni Papa.


"Kapal huh! Hmmmp! Ito na nga yung ticket nyo, lakad na nag aantay na asawa ko sainyo." Sabi nya kay Papa.


Nagpaalam na kami kay Tita Megan at nagtungo na kami sa private plane na sinasabi ni Papa. Pagdating namin sa plane agad kaming binati ng piloto, "Magandang araw Sir!" Tumango si Papa at sinabing " Dont call me Sir masyado ka namang pormal Utoy." Sabi ni Papa kaya tumawa kami, bantot naman ng nickname nya ang gwapo pa naman.

"Si Kuya naman! kinalimutan ko na nga yang nickname ko eh." Sabi nya kami namang tumatawa ni Louise. "Ito naba ang mga anak mo? ang gaganda naman! teka nakalalaki kana ba?" Tanong nya.


"Wala, gagawa palang kami." Sagot ni Papa sabay tawa. 


"Meron na kaming baby brother, nasa America pa." Sabat ni Louise kaya siniko ko sya.


"Tama sya, nag adopt kasi kami." Sabi ni Papa.


"Captain Alvarez hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Louise, kahit kailan talaga mainipin tong babae na to.



"Im so sorry Ms. Louise, namiss ko lang tong Kuya Xander ko." Sabi nya sabay tawa. "Sige Kuya pasok na muna ako sa loob." Sabi nya at umupo na kami sa aming mga upuan.



Bago kami umalis madami pang sinabi yung captain at yung cabin crew, si Louise wala ng pakealam at naglaro na ng naglaro sa kanyang ipod. nabanggit ng captain na isang oras mahigit ang byahe namin bago kami makarating ng Cebu. Halo halo ang nararamdaman ko kasi makikita ko na si Mama at Cassandra. Tumingin ako kay Papa at sinabi nyang "Relax." at ngumiti naman ako sabay sabing "I love you Papa."


"I love you too."




We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon