Lorraine's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Alexander at pinapanood ko syang matulog, hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising. Tinabihan ko ito at pinagmasdan ko lang ang mukha nya at hinaplos ko ito, gumalaw sya ng bahagya pero hindi pa din sya dumidilat. "Ang laki ng pinagbago mo." Mahinang sabi ko.
Kung dati hindi nya pinapahaba ang bigote nya ngayon naman pinapahaba nya na ito. Sobrang matured na ng itsura nya, ang dating baby face ay nawala na. "Ganon ba talaga kapag iniwan madaming nagbabago?" Tanong ko.
"Napaka antukin mo talaga." Sabi ko at hinalikan ko sya sa pisngi.
"Alam mo kahit na umalis ako sa tabi nyo," Tinuro ko ang puso ko. "Kayo pa din ang laman nito." Sabi ko.
"Ma? Pa?" Rinig kong sabi ni Andrea kaya naman akmang babangon ako ng biglang magsalita si Alexander.
"Kahit umalis ka hindi pa din nagbago yung pagmamahal ko sayo." Sabi nya sabay ngiti.
"Kanina kapa ba gising?" Tanong ko.
"Yes." Sabay tawa.
"You know what? tara na sa kitchen dumating na si Andrea baka makita na naman nya tayo na ganito." Sabki ko.
"Ano naman kung makita nya tayo? mag-asawa pa din naman tayo." Sabi nya sabay ngisi.
"Ikaw! puro ka kalokohan." Sabi ko sabay kurot ko sa ilong nya.
"Ma?" Tawag ulit ni Andrea kaya kumilos agad ako pero ang walang hiyang Alex Hinarangan ang pinto.
"Kiss muna." Sabi nya kaya naman kumunot ang noo ko at sinabing "What!"
"I said kiss muna para makalabas ka."
"Ano ba Alexander!" Sabi ko sabay tulak pero hindi sya nagpatinag.
"No!" Sabi nya.
"Kapag hindi ka umalis jan sisigaw ako." Sabi ko.
"Edi sumigaw ka." Sabi nya.
"Andrea I'm hmmpppp!" Bigla nalang lumapat ang labi ni Alexander sa labi ko, pero sandali lamang ito.
"Ma?" Tawag ulit ni Andrea kaya tinulak ko si Alexander.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...