Chapter 12

191 9 0
                                        

Louise POV

One week na kaming hindi nagkikita ni Ate Andrea dahil natagalan sya sa Davao, possible daw na next week pa sya makauwi kaya nalungkot ako lalo dahil hindi ko sya makakasama at hindi ako makakauwi sa bahay namin sa Launion.

Nabobored na ako dito sa bahay nila Cassandra dahil paulit ulit lang ginagawa namin, after ng class naglalaro kami halos makalimutan ko na ang Ate ko na tawagan pati na din sila Nanay at Tatay.

Gusto kong umuwi sa La Union ngayon dahil weekend naman pero paano ko gagawin yon kung wala akong sasakyan? Hindi naman ako maalam magcommute papuntang La Union dahil nasanay ako na may sasakyan kami kapag nauwi doon.

"Bakit parang malungkot ka?" Tanong ni Tita Lorraine.

"Ay ikaw po pala Tita, Good morning po."



"Good morning din sayo, bakit ang aga aga nakasimangot ka?" Tanong nya.



"Namimiss ko lang po si Ate Andeng, tsaka gusto ko din po sana umuwi sa La Union ngayon dahil every weekend po nauwi kami don."



"Andeng? sya ba yung Ate mo?" Tanong nya ulit.



"Yes po."



"Well wala naman akong ibang agenda today, ihahatid ka namin ni Cassandra."Nakangiting sabi nya.



"Po? Totoo po ba?"



"Yes, mukha ba akong nagbibiro? Isa napaka special ng lugar na yon sa akin, matagl tagal na din magmula ng huli kong punta doon, sige na magbihis kana at gising mo na din si Cassandra." Nakangiting sabi nya sa akin kaya niyakap ko sya.



"Thank you Tita!" Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"You're welcome."



Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Cassandra at ginising ko agad sya,. "Hey! Wake up!"



"Antok pa ako." Sabi nya, well talagang antok na antok pa si Cassandra dahil anong oras na kami natulog kagabi.



"Bahala ka iiwanan ka namin." Sabi ko at kinuha ko yung bag ko.





"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nya.



"Sa La Union!"



Nanlaki ang mata at sinabing "REALLY?"



"Yes, kaya kung ako sayo mag aayos na ako." Tumakbo sya sa CR at naligo na sya ako naman ay bumaba na sa dining area para tumulong kay Tita Lorraine. Wala si Tito Christian dito sa bahay nila ngayon dahil may business trip daw ito sa Singapore at Korea kaya matagal pa ito makakabalik. Ngayon naiintindihan ko na talaga si Cassandra.

"Kain na tayo." Sabi ni Tita.

"Sige po." Tumabi ako sa kanya at nilagyan nya ng pagkain ang plato ko.



Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa dumating si Cassandra. "Anak halikana dito." 



"Louise ano palang business ng parents mo?" Tanong ni Tita Lorraine.



"Bukod po sa dalawang branch ng Isabel's Restaurant may malaki po kaming farm sa La Union, isa po kami sa nagsusuply ng chicken sa mga fast food chain. May mga taniman din po kami ng palay at gulayan."



"Wow, napaka gandang negosyo." Sabi ni Tita.



"You know what Mom? Sobrang ganda sa farm nila makakalimutan mo lahat ng problema mo plus masarap pa yung hangin." Sabi ni Cassandra.

"Really? parang gusto kong magovernight sa farm nyo Louise, pwede ba?"



"Sure Tita, pwedeng pwede po isa pa may bakanteng kwarto pa naman po sa bahay namin, tatawagan ko nalang po si Nanay para maihanda nya yung tutulugan nyo ni Cassandra."



After namin kumain at magkwentuhan ay nag ayos na din si Tita Lorraine ng gamit nya, tumambay muna ako sa garden nila para tawagan si Ate.

"Hi Ate! I miss you umuwi kana please!"



"Awww ang baby ko ang cute." Sabi nya.





"Tse anong baby? Sinong baby? Kakainis ka Ate!" Sabi ko.





"Sige na nga hindi kana baby, oh bakit ka napatawag?" Tanong nya.

"Kasi po Ate uuwi ako sa La Union at kasama ko sila Cassandra at ang Mommy nya. Tapos mag oovernight daw sila sa bahay natin, gusto daw maexperience ni Tita ang buhay probinsya." Sabi ko.





"Aww sayang wala ako, anyway bukas ng gabi nasa Manila na ako, konti nalang matatapos ko na yung project ko dito." Masayang sabi ni Ate. "And yung durian pastillas at yema mo nabili ko na at nasa bag ko na sya."

"That's good Ate! Thank you Ate!"





"Basta para sayo gagawin lahat ni Ate! Sige na tawagan mo na si Nanay at Tatay, ingat kayo sa byahe nyo."



"Bye Ate see you tomorrow and I love you!" Malambing na sabi ko.



"By, I love you too!"



After that call si Nanay naman ang tinawagan ko, mamimili daw muna sila ni Tatay para daw masarap ang kanilang maihain. Masarap magluto si Inay dahil nakapagtapos sya ng Culinary Arts. The best ang Kare kare ni Nanay at wala itong katulad, panalo din ang sipo egg ni Nanay at ito daw ang ihahain nya sa amin mamaya.

Sana mag-enjoy sila Tita Lorraine sa farm namin.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon