Chapter 39

177 6 9
                                    

Andrea's POV

Bakit ang sakit pa din akala ko tanggap ko na ang lahat pero hindi pa din pala, sobrang sakit na sagut sagutin ko si Mama pero alam kong ayon yung best way para mailabas ko yung hinanakit ko.


Hindi ko alam kung ito yung magiging paraan para magkausap kami ni Mama ng maayos pero may galit padin dito sa puso ko na ayaw mawala dahil sa mga ginagawa nya amin.


Gusto ko syang yakapin kanina noong nakita ko sya sa pila pero baka mapahiya lang ako sa kung anong gagawin nya. Masaya ako na sya yung kateam ko at iba talaga gumawa ng maganda ang tadhana. Akala ko talaga si Christian yung makakasama ko pero si Mama pala at masaya na ako don dahil makakasama ko sya sa birthday ko kahit hindi nya alam na ako talaga ang anak nya.


"Andrea I'm sorry." Ayan ang narinig ko mula sa labas, akala ko nakapasok na sya sa kwarto nya peeo nasa labas pa din pala sya.


Nandito ako ngayon sa likod ng pintuan at nakaupo kaya narinig ko agad yung sinabi nya.


"Hindi ko sinasadyang masaktan kayo ni Louise nadala lang kasi ako ng galit at langamba na mawalan ulit ako ng anak, ayoko ng mawalan pa ng anak."


Hindi ko na napigilan yung mga luha ko at naglabasan na ito, gusto ko syang sagutin na natatakot kang mawalan ulit kasi may bago ka ng anak, nandito kami ni Louise na anak mo din pero hindi mo nakikita.


"I'm so sorry, please forgive me." Sabi nya bago pumasok ng kwarto nya.



"I forgive you Mama magmula ng bumalik ka at nakita kita." Bulong ko sa kawalan.


Bakit kailangan na kami pa ni Louise ang magsuffer bakit sa dami ng tao sa mundo kami pa yung napiling mapalayp sa magulang bakit kami pa ni Louise na wala namang kasalanang ginagawa.



"AHHHHHHHHHHHH!"  Sigaw ko.



Bakit pinaparamdam sa akin ni Mama na mahalaga ako, bakit kailangan nyang iparamdam sa akin yung mga ganong bagay bakit kailangan nya pa akong tanungin kung saan galing yung pasa ko, bakit concern sya sa akin samantalang hindi nya pa matanggap na ako talaga ang anak nya.


"BAKIT AKO!" Sigaw ko ulit.




Knock.....knock....knock...


"Andrea what happened?" Nag-aalalang tanong ni Mama.



Tumayo ako at pinunasan ko yung pisngi ko na nabasa ng luha ko.



"Ahh wa--wala po may ipis lang po." Sabi ko.


"Pwede ba akong pumasok?" Tanong nya.


Bakit kailangan nya pang iparamdam sa akin na parang may pakealam sya sa akin?



"Hmmm yah sure wait lang po." Sabi ko at hinagis ko yung bag ko sa kama.



Binuksan ko yung pintuan at pumasok si Mama.



"Bakit po?" Tanong ko.




"Gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko yung mga pananakit ko sainyo ni Louise,maniwala ka nadala lang ako ng emosyon ko." Sabi nya.




Ngumiti ako "Ayos lang po yon naiintindihan po kita,mahal nyo lang po talaga ang anak nyobg si Cassandra kaya ganon ka nalang po ka over protective,kalimutan na po natin yung mga nangyari." 



"Bakit ang bait mo? I mean bakit ka ganyan amg bilis mong kumalimot at magpatawad." 




"Dahil ayon ang tama, walang mangyayari kung habang buhay akong galit sainyong lahat, I can forgive but I will never forget pero kung parra naman sa mahal ko kaya kong kalimutan ang lahat na nagawa nya." Sabi ko sabay lihis ng tingin.



I don't know kung bakit ganito sya umasta sa akin pero baka nagiguilty na sya sa ginawa nya sa amin ni Louise kaya ganito sya pero sana maniwala na sya sa akin na kami nga ni Louise ang anak nya.


Lumapit sya sa akin at hinawi nya ang buhok ko. Napatingin ako sa mga mata nya dahil ang ganda ng kulay kagaya ng mga mata namin ni Louise.


"Bakit ka ganyan?" Tanong ko na ikinagulat ko din.



"What do you mean?"



"Hmmm wala po, sige na po bumalik kana sa kwarto mo at magpahinga kana alam kong malayo po ang binyahe mo."



"Pwede bang dito nalang muna ako magpahinga? Hindi kasi ako sanay na mag-isa sa kwarto. Pero kung ayaw mo ayos lang naman." Sabi nya.



"Sure ka po ba na gusto mong magshare tayo sa kwarto?" Tanong ko.


"Yes."



"Wait a minute kukunin ko lang sandali yung mga gamit ko." Sabi nya at nagmadali syang lumabas ng kwarto upang kunin yung mga gamit nya.


Inayos ko nalang yung gamit ko at ilang minuto lang anglumipas ay bumalik na din si Mama.


"Sa bed ka nalang po mahiga sa couch nalang po ako." Sabi ko.



"Tabi nalang tayo malaki naman yung bed." Sabi nya sabay ngiti.


Naalala ko tuloy yung mga ngiti ni Mama sa tuwing pinapatulog nya kami ni Louise, lagi nya kaming binibigyan ng matatamis na ngiti na hindi kayang tumbasan ng kahit anong bagay.

"Shower lang ako." Sabi ni Mama at nagthumbs up nalang ako.


Gusto kong sabihin kala Papa na magkasama kami ni Mama sa iisang kwarto pero hindi ko magawa dahil walang signal dito.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon