Chapter 52

223 11 5
                                    

Lorraine's POV


"Hey Love! Where are you going" Tanong ni Christian sa akin.



"Oh Hi Love! Sa hospital pupuntahan ko lang sandali si Cassandra." Sabi ko kay Christian.



"Gusto mo bang samahan na kita?"



"Kaya ko na, dito ka nalang muna tsaka sandali lang naman ako doon." Sabi ko.



"Ok, mag-iingat ka I love you." Sabi ni Christian at hinalikan nya ako.


"Thank you & I love you too." Sabi ko at tuluyan na akong lumabas ng bahay namin. Pagsakay ko ng sasakyan ko agad ko itong pinatakbo dahil gusto kong mag-stay ng matagal kasama si Cassandra.


Guilty ako sa ginawa ko kay Andrea alam kong mali ako dahil kinampihan ko agad ang anak ko ng hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Nasaktan ko na naman si Andrea at alam kong kinamumuhian na nya ako ngayon pati na si Louise. Kung alam ko lang ang l;ahat ng nangyari hindi ko maitutulak si Andrea pero huli na ang lahat nasaktan ko na naman sya.


Gusto ko silang habulin kanina pero wala akong magawa dahil ayaw nilang lapitan ko sila at pakiramdam ko sobrang sama ko dahil sa nagawa ko na naman. Nangako ako sa sarili ko after namin magsama ni Andrea sa tree planting na hindi ko na sila sasaktan pero nasaktan ko na naman sila dahil sa isang pagkakamali ko na hindi ko alam ang tunay na pinagmulan.


Sinubukan kong tawagan si Andrea kanina pero pinapatayan nya lang ako ng phone kahit si Louise din sinubukan kong tawagan pero ayaw nyang sagutin, gusto kong huminigi ng tawad sa kanila dahil sa nagawa pero parang huli na talaga ang lahat.



"Good Evening Ma'am Lorraine!" Bati nung nurse na nakasalubong ko.


"Good evening!" Bati ko at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko papunta sa kwarto ni Cassandra.


"Hi Baby! How are you?" Sabi ko kay Cassandra na nakatingin lang sa akin. "You miss me? well I miss you so much my baby."


"You know what? nagkita kami ni Andrea at Louise kanina sa mall kaso hindi maganda yung pagkikita namin kasi nasaktan ko ang Ate ni Louise." Kwento ko.



"Wait kumain kana ba anak?" Umiling lang sya.



"Igagawa kita ng pagkain mo." Sabi ko at kumuha ako sa cabinet ng fruits at oatmeal.



"Alam mo anak nung magkasama kami ni Andrea yung Ate ni Louise iba yung naramdaman ko, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko sya tapos tinatawag nya akong Mama kahit hindi naman talaga ako ang Mama nya pero to be honest masarap pakinggan kapag tinatawag nya akong Mama noong nasa site kami." Nakita kong may luhang lalabas sa mga mata ni Cassandra.



"Bakit ka umiiyak anak?" Tanong ko pero tinuro nya yung white board kaya kinuha ko yon at binigay ko sa kanya. "Gusto mong magdrawing?" Tanong ko pero nagsulat lang sya at hindi ko naman maintindihan yung sinasabi nya.



"I know mahirap ang kondisyon mo ngayon anak, wag mo munang pilitin ang sarili mo mahal na mahal ka ni Mommy." Sabi ko.



After kong gawin yung pagkain nya inayos ko sya ng higa at pinakain ko na sya. 


"After mong makalabas dito at kapag magaling kana ipapasyal kita anak, magbobonding tayo ng Ate mo." Sabi ko sabay ngiti pero umiling lang si Cassandra.


"Why? ayaw mong makasama kami? or gusto mong tayong dalawa lang?" Tanong ko at nagnod lang sya.



"Ok kung ayan ang gusto mo." Sabi ko at nagpatuloy lang ako ng pagpapakain sa kanya.


After nyang kumain kinantahan ko sya ng paborito naming kanta.


Baby mine, don't you cry
Baby mine, dry your eyes
Rest your head close to my heart
Never to part, baby of mine


Ito yung madalas kong kantahin hindi lang kay Cassandra kundi sa dalawang anak ko din dahil ito ang pampatulog nila.


Little one when you play
Don't you mind what you say
Let those eyes sparkle and shine
Never a tear, baby of mine


Bago pa man tuluyang makatulog ang anak ko inayos ko yung kumot nya at hinalikan ko sya. "Good night my love, babalik si Mommy bukas, Sweet dreams & I love you." At lumabas na ako ng kwarto ni Cassandra.



"Ma'am magandang gabi po." Bati nung matandang janitor.


"Magandang gabi din po." Bati ko at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.


Nang makarating na ako sa parking area pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin or parang nakamasid kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko upang makarating agad sa aking sasakyan. Walang guard sa floor na pinagparadahan ko kaya mas natakot ako dahil iba yung pakiramdam ko.


Nagulat nalang ako ng may lalaking sumulpot sa harapan ko at naka mask ito at hindi ko sya kilala basta nagulat nalang ako ng biglang  itinakip nya sa akin ang panyong hawak nya at nakaramdam nalang ako ng hilo.



"We meet again, wife." Sabi nung lalaki and everything went black.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon