Chapter 29

163 8 4
                                    

Lorraine's POV

Masaya ako dahil alam kong buhay ang anak ko pero may part din ng puso ko na masakit dahil nag expect ako na si Andrea na anak ni Isabel ay ang aking anak. Nagkamali ako ng kilala sa mga anak ni Isabel, hindi ko inakalang magpapanggap silang mga anak ko at ginamit pa nila ang pangalan at apelido ng mga anak ko at dating asawa ko.

Halos isang buwan na din ang nakalipas magmula ng ipinakilala namin si Andrea sa mga nagtatrabaho sa company namin at magaling talaga ang anak ko dahil mabilis syang matuto, wala pa din kupas ang anak ko manang mana kay Alexander.

"Love si Cassandra kamusta na?" Tanong ni Christopher.

"Ganon pa din walang pagbabago." Sabi ko.

Halos isang buwan na din kasing nasa hospital si Cassandra at wala itong malay dahil sa pagkakahulog nya sa hagdan.


"Nasaan pala si Andrea? Nakauwi naba sya?"


"Nasa kwarto nya nagpapahinga lang." Sabi ko.


"Ok, kakausapin ko lang sya regarding sa project ng department nila."



Iniwan akong mag-isa ni Christopher dito sa kwarto namin kaya naman naisipan kong dalawin muna si Cassandra sa hospital.


Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil alam naman nila na isa lang ang pupuntahan ko.


After 15 minutes nakarating na din ako sa hospital kung saan nakaconfine si Cassandra.


"Hi Mrs. Zamora! Magandang araw po!" Bati ning isa sa mga nurse ni Cassandra.


"Ma'am may bisita po pala si Ma'am Cassandra."


"Sino? Nandon pa ba?" Tanong ko.



"Kaibigan daw po ni Ma'am Cassandra, hindi pa po lumalabas." Sabi nung nurse.


"Ganon ba, sige puntahan ko muna, thank you."


Naglakad na ako papunta sa room ni Cassandra pero hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto ni Cassandra ay kilala ko na agad kung sino ang nagmamay ari ng boses na nanggagaling sa kwarto ni Cassandra.


"Cass gising kana nandito na si Ate Andeng mo, Gumising kana dadalhin ulit kita sa La Union gumising ka lang ulit. Diba maliligo pa tayo ulit sa irigasyon ng tubig tapos mangunguha pa tayo ng buko. Miss na miss kana ng Ate lalo na yung tawa mong malakas. Si Louise hindi sya galit sayo Cass kasi alam kong mahal na mahal ka non kahit maldita sya." 



Hindi ako pwedeng magkamali boses ni Andrea yon.

"Alam mo bang magkapatid tayo Cass?pero siguro hindi mo pa alam kasi kami yung unang family ng Mommy mo. Ako yung Ate mo na matagal ng nawawala pero pakiramdam ko nawawala pa din ako dahil yung Mommy mo hindi nya ako makita kahit nasa harapan na nya ako."

Umiiyak ba sya? Hanggang ngayon nag iilusyon pa din syang sya ang anak ko.

"Alam kong mahirap paniwalaan Cass pero ako talaga yung Ate mo, hindi ko alam kung bakit may nagpapanggap na ako pero maniwala ka man o sa hindi ako talaga yung totoong Andrea Liv Guevarra. Sana Cass gumising kana jan kasi alam kong mas magugustuhan mo ako kesa doon sa fake na Andrea."


Pumasok na agad ako ng kwarto at sinabing "Fake? Kung may fake man dito ikaw yon Andrea at hindi yung anak ko na kasama ko na ngayon. Kaya wag na wag mong sasabihin kau Cassandra na fake yung kasama namin sa bahay na Andrea."

"Paano mo nasabing hindi fake yung babaeng yon? May proof kaba na makakapagsabi na totoo sya?"

"Oo dahil nagpaDNA kami at postive yung result Andrea kaya wag na wag mong sasabihin na fake yung anak ko dahil ikaw talaga yung fake!" Inis na sabi ko.


"Really Ma? Hanggang ngayon hindi kapa din naniniwala na ako talaga ang anak mo? Balit kaba ganyan? Ang manhid mo Ma kasi hindi mo ako makilala na sarili mong anak, ang sakit Ma kasi ikaw yung nanay ko pero hindi mo ako makilala. Hindi mo ba naisip na baka planado ang lahat? Yung pagkawala namin? Yung pagkaaksidente namin? Ma nandito na ako pero bakit hindi mo pa din ako makita? Dahil ba may iba na jan sa puso mo?" Umiiyak na sabi nya.

"Umalis kana dito, hindi ka namin kailangan dito at isa pa hindi ikaw ang Ate ni Cassandra dahil hindi naman talaga, isa kang fake na Andrea."


"Oo nga naman hindi mo na talaga ako kailangan dahil may iba kana nga palang pamilya, at natagpuan mo na din pala yung Andrea na anak mo kahit hindi naman, sana magising kana sa katotohanang niloloko ka lang ng asawa mo. Sana hindi mo pagsisihan ang pagtataboy mo sa akin ngayon. Pinatunayan mo lang talaga sa akin na isa kang walang kwentang ina!" Sabi ni Andrea at lumabas na sya ng kwarto ni Cassandra.

Bakit ba ginigiit nyang sya ang anak ko, ano bang gusto nya mula sa akin?




We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon