Alexander's POV
Magkakatabi kaming natulog nila Andrea at Lorraine, ngayon ko lang naramdaman na buo na ulit ako. Kay tagal kong hinintay na mangyari ito ang makasama ulit ang mag-iina ko, hindi ko inakala na nakabuo kami ulit noon ng anak at si Cassandra ito. Ayokong ng mawalay ulit sa pamilyang pinangarap kong mabuo gusto kong mabuhay na magkakasama kaming lahat at higit sa lahat ayoko ng may mangyaring masama sa amin ng mga anak ko at kay Lorraine.
"Papa bakit hindi kapa natutulog." Mahinang sabi ni Andrea na napapalagitnaan namin ni Lorraine.
"Masaya lang ako anak dahil sa tagal ng panahon na hindi tayo magkakasama, buo na ulit tayo. Alam mo noong nasa America ako noon lagi ko kayong iniisip ni Louise, iniisip ko noon na napakasama ko dahil hindi ako nagpapakita sainyong magkapatid." Sabi ko.
"Papa maganda naman po ang kinalabasan ng pagtatago mo sa America, naka kuha ka po ng magandang trabaho kaya nga po nagkaroon tayo ng mga magagandang negosyo dahil sayo, dahil sa ginawa mo. Tama lang po ang ginawa mo Papa although naiwanan mo po kami ng blanko ni Louise at least may dahilan kung bakit mo ginawa yon. Ama ka namin Papa kahit na anaong mangyari mahal ka namin magkakapatid." Nakangiting sabi ni Andrea.
"Alam mo Papa noong may nakita ako before na kamukha mo noong di ko pa alam na buhay ka ha, sabi ko imposible kayang buhay ka? bakit iba yung naramdaman ko noon. Sabi ko pa nga kay Lord baka sinusundo mo na ako kaya nagpapakita yung mga kamukha mo." Tumatawang sabi ni Andrea.
"Masaya ako na hindi ka galit sa akin anak, noong nasa America ako bawat pamilyang dumadaan sa harapan ko kayo agad naiisip ko ni Louise, kahit kailan hindi ko kayo kinalimutan."
"Papa may isa kaming hiling ng mga kapatid ko."
"Ano yon?" Tanong ko at tumayo sya.
"Gusto po sana namin ng baby brother."
"What?!" Sabay naming sabi ni Lea at nakangiti lang si Andrea.
"Mama akala ko tulog kana?" Tumatawang sabi ni Andrea.
"Anak susubukan namin ng Mama mo." Nakangiting sabi ko sabay tingin kay Lorraine. "Diba babes?"
"Gago!" Sabi ni Lorraine sa akin.
"Ma, Pa seryoso po kami nila Louise at Cassandra, gusto po talaga namin ng baby brother." Nakangiting sabi ni Andrea.
"Seryoso din ako sa susubukan namin ng Mama nyo." Sabi ko.
"Alam nyo kayong dalawa matulog na kayo." Sabi ni Lorrine sa amin.
"Mama, mamaya kana matulog magkwentuhan nalang muna tayo."
"Oo nga babes, tama ang anak natin. Ngayon nalang naman din tayo nagtabi tabi sa higaan magkwentuhan muna tayo." Sabi ko.
"Alam nyo Mama, Papa. Noong nawala kayo akala ko di kami makakasurvive ni Louise. Siguro kung wala si Nanay Isabel at Tatay Vicente wala kaming magandang buhay ngayon."
"Anak alam mo namang hindi ko kayo papabayaan, ang Nanay Isabel mo ay laging nakaagapay sa atin. Nagkataon lang na kasunod natin sila noong nasa byahe tayo."
"Sorry." Biglang sabi ni Lorraine.
"Huh?" Sabi ni Andrea. "Sorry saan Mama?"
"Kung hindi ako nasilaw sa offer sa akin sa ibang bansa hindi sana tayo magkakahiwa-hiwalay. Kung sana nakuntento nalang ako sa kung anong meron ako noon hindi sana tayo aabot sa ganito." Malungkot na sabi ni Lorraine.
"Pero Ma, wala kang kasalanan. Si Christian ang may kasalanan ng lahat at hindi ikaw."
"Tama ang anak natinLorraine." Sabi ko.
"Alam mo Ma, kung hindi nangyari sa atin ang lahat ng ito, hindi ako magiging matatag."
"Salamat sa pag-intindi mo anak." Sabi ni Lorraine at niyakap nya si Andrea sabay halik sa noo.
"What if hindi nangyari ang lahat ng ito? nasaan kaya tayo ngayon? Ano sa tingin mo nak?" Tanong ko at sumagot naman si Andrea.
"Siguro nasa isang Isla tayo ngayon at nagbabakasyon kasama ang mga kapatid ko. Siguro may mga Baby Brother na kami or siguro isang basketball team ang mga kapatid ko sa dami." Sabi nya sabay tawa.
"Grabe ka naman anak." Sabi ni Lorraine.
"Seryoso ako Mama." Sabi ni Andrea.
"Alam nyo kayong dalawa, mag-ama nga talaga kayo." Tumatawang sabi ni Lorraine.
"Ma, Pa, Salamat dahil naging magulang ko kayo." Nakangiting sabi ni Andrea.
"Kami dapat ang magpasalamat sayo anak. Salamat dahil naging isa kang mabuting anak at kapatid. Salamat sa malawak na pang-unawa." Sabi ni Lorraine at niyakap namin si Andrea ng mahigpit.
"Anak mahal na mahal ka namin ng Mama mo, bukas na bukas magbabago ang mga buhay natin. Matulog na tayo. Good Night Andrea & Good Night Babes." Sabi ko at hinalikan ko sila sa noo parehas. Inayos ko ang kumot namin bago ako tuluyang humiga.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanficSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...