Louise's POV
Nandito ako ngayon sa cafeteria ng school dahil lunch break namin, mahigit dalawang linggo ko ng hindi pinapansin si Cassandra, hindi na din ako umaattend sa training namin dahil malapit naman na akong umalis ng school na ito.
Galit ako kay Cassandra dahil sila ang dahilan kung bakit hindi kami hinanap at binalikan ni Mama, kahit kapatid ko si Cassandra galit pa din ako sa kanya kasi sila ang dahilan kung bakit nagkakagulo kami ngayon, sila ang sumira sa pag-asang mabubuo pa kami.
"Louise can we talk?"
"Ayokong makausap ka Cassandra, pwede ba lumayo kana sa akin." Seryosong sabi ko.
"Ano bang nagawa ko sayo at ganyan ang kilos mo?" Sabi nya.
"Malaki yung kasalanang ginawa ng pamilya mo sa amin Cassandra kaya pwede ba lumayo kana sa akin baka hindi kita matanya."
"Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi yung dahilan Louise."
"Bakit hindi mo itanong sa magaling mong Mommy?" Sarcastic na sabi ko.
Tumungo sya at sinabing "Akala ko ba kahit anong mangyari hindi ka lalayo sa akin? Diba ayan ang promise natin sa isa't isa."
Teka umiiyak ba sya? tss napaka iyakin talaga kahit kailan mabuti nalang at hindi ako iyakin.
"Pwede ba Cassandra tigilan mo ako sa kadramahan mo, umalis kana sa harapan ko please lang."
"Yung promise natin sa isa't isa paano yon?"
"Binabali ko na yung pangakong yon Cassandra, matagal na yon kaya kalimutan mo na yon." Sabi ko. "Go lumayas kana sa harapan ko."
"Ano ba kasing ginawa ni Mommy!" Sigaw nya habang umiiyak, nagtinginan tuloy ang mga tao na nasa cafeteria.
Napatigil tuloy ako sa pagkain ko at tinignan ko sya ng masama. "Tumigil kana sa kadramahan mo Cassandra nakakahiya sa ibang mga tao na nandito sa cafeteria."
"No! Hindi ako titigil hangga't hind mo sinasabi yung dahilan!" Sigaw nya ulit.
Tumayo ako at kinuha ko ang mga gamit ko, ayaw nyang umalis edi ako ang aalis.
Kabilinbilinan ni Ate wag na wag kong sasabihin ang rason kay Cassandra kaya susundin ko ang gusto ni Ate, tama na yung tatlong beses na sinuway ko ang utos ni Ate, this time susundin ko na sya dahil alam ko na para naman yon sa ikabubuti ko.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...