Chapter 58

187 11 1
                                    

Andrea's POV

After namin maihatid si Mama pareparehas kaming umuwi sa bahay namin na may ngiti, ganito pala ang pakiramdam na mabuo ulit. Habang tinitignan ko si Papa at Louise kanina noong kumakain kami kitang kita ko sa mga mata nila yung saya at ngayon ko nalang ulit yon nasilayan.


Sobrang saya ng puso ko ngayon dahil sa wakas alam na ni Mama ang totoo at sana dumating na yung araw na mabuo kami at hindi na magtatago muli.


"Pa ibabalik mo na po ba ulit ako sa probinsya?" Rinig kong tanong ni Louise.



"Yes anak." Sabi ni Papa.


"Pero Papa nandito kayo ni nila Mama at Ate tapos ako lang mag-isa sa probinsya." Nakangusong sabi ni Louise, kuhang kuha nya talaga ang face expression ni Mama.



"Anak kasam mo naman si Nanay Isabel mo at Tatay Vicente mo, maghintay ka lang ng 1 week at isusunod na namin si Cassandra." Sabi ni Papa.



"Diba Louise sanay ka naman na wala kami kaya for sure makakayanan mo yon. Sandali lang naman kaming mawawala eh tsaka para sa atin naman yung gagawin namin. Malay mo in three days kasama mo na si Cassandra." Sabi ko.



"Pero Ate malululngkot pa din ako." Sabi nya.



"Ganito anak, araw araw ka naming tatawagan para di ka malungkot." Sabi ni Papa.



"Pero Papa."



"Louise makinig ka kay Papa." Sabi ko.

"Sige na nga po, basta magpromise kayo na sa loob ng week darating si Cassandra tsaka tatawagan nyo ako araw araw." 



"Pangako." Sabi namin ni Papa.

"Sige na anak maghanda kana at maya maya lang ay darating na ang Nanay at Tatay mo." Sabi ni Papa at umakyat na si Louise sa kwarto nya.



"Pa safe kaya si Mama? Paano kung malaman ni Christian na buhay ka baka ilayo nya sa atin si Mama."



"Hindi ko hahayaang saktan nya ang mama mo." Sabi ni Papa.



"Pa akyat po muna ako sa taas, tulungan ko lang si Louise mag ayos."  Sabi ko.




Pag dating ko sa kwarto ni Louise nakita ko syang nakaupo lang sa gilid ng kama. "Hey! Umiiyak kaba?" Tanong ko at pinunasan nya ang pisngi nya.


"No."


"Ahhh kaya pala pinunasan mo yung pisngi mo. So bakit ka nga umiiyak?" Tanong ko ulit.



"Eh kasi naman ako na naman mag-isa sa probinsya, akala ko makakasama ko na ulit kayo tapos hindi naman pala. Bakit ang daya ng panahon? Kasama na nga natin si Mama tapos kailangan pa natin magtago." Sabi nya habang himihikbi.


"Alam mo Louise dapat hindi kana umiiyak kasi big girl kana, dalaga kana iyakin kapa din. Kailangan lang gawin nila Mama at Papa ito dahil para sa kapakanan natin ha, intindihin mo nalang yung sitwasyon natin ngayon, malay mo sa makalawa magkakasama na tayo."



"Paano kung hindi sila magtagumpay? Paano kung manaig ang kasamaan sa kabutihan?"


"Louise kailan man ay hindi magwawagi ang kasamaan sa kabutihan, ayan ang lagi mong pakatandaan ok? Mangingibabaw ang kabutihan kesa sa kasamaan. Tumahan kana jan papagalitan kapa ni Papa kapag pinaghintay mo sila Nanay at Tatay." Sabi ko.


"Ate, mahal na mahal ko kayo." Sabi ni Louise.


"Mahal na mahal ka din namin." Sabi ko at hinalikan ko sya sa noo.


"Susunod kayo sa probinsya ha."



"Oo naman susunod kami, pangako."




"Ate sana bukas buo na tayo." Sabi ni Louise kaya bigla akong napatawa at ginulo ko ang buhok nya.


"Alam mo halikana tulungan na kita." Sabi ko at hinila ko sya papunta sa closet nya.


"Ate konti lang ang dadalhin kong damit."



"But why?" Tanong ko.



"Eh kasi babalik pa ako dito." Sabi nya sabay tawa.



"Alam mo puro ka talaga kalokohan, sige na mag-impake kana jan." Sabi ko at naglagay na din ako ng mga damit nya sa bag nya.


"Ate tatawag kayo ni Papa sa akin ha."


"Oo nga ang kulit mo." Sabi ko habang tumatawa.


"Ate tama na yan." Sabi nya sa akin dahil halos lahat inilalagay ko na sa bag nya.



"Mas maganda mas madami Louise para di kana maglalaba." Sabi ko.


"Pero Ate madami pa naman akong damit doon eh, ayaw mo lang talaga akong pabalikin dito." Biro nya.



"Sira! nako halikana sa salas baka dumating na sila Nanay at Tatay." Sabi ko at bigla naman akong niyakap ni Louise. "Mahal na mahal kita Ate." Sabi nya.



"Mahal na mahal din kita, basta maghintay ka lang mabubuo din tayo ok?"



"Yes Ate!" Sabi nya at hinalikan ko sya sa noo nya.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon