Chapter 17

172 11 1
                                    

Louise's POV

Isang linggo na ang nakalipas magmula ng makilala ni Ate Andrea si Tita Lorraine, magmula ng magkakilala silang dalawa pinalalayo na ako ni Ate kay Cassandra, hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong may mali. Gustuhin ko mang tanungin si Ate pero hindi ko magawa dahil natatakot akong malaman yung totoo.

Kahit sinabi ni Ate na lumayo na ako kay Cassandra hindi ko pa din ito ginagawa dahil hindi ko kaya, si Cassandra lang ang kaibigan ko sa school kaya ayokong iwasan sya at alam kong masasaktan ko si Cassandra kapag ginawa ko yung gusto ni Ate.

"Hey Louise! Tinatanong ka ni Mommy." Sabi ni Cassandra.



"Ano po yon?" Tanong ko.

"Ano yung gusto mong kainin?" 

"Chicken wings nalang po." Sabi ko.

Nandito kasi kami sa Mall dahil may bibilhin daw si Cassandra, sinundo kami ni Tita sa school at sinama na nila ako dahil wala naman daw pasok bukas. 

Habang naghihintay kami ni Cassandra at Tita Lorraine sa order namin ay kinuha ko muna yung phone. "Lagot na." Mahinang sabi ko.

"Why?" Tanong ni Cassandra.



"Patay na yung cellphone ko." Sabi ko.

"Ayos lang yan ihahatid ka naman namin sa unit nyo, ako na ang bahala kay Ate Andrea ako na ang magmemessage sa kanya." Sabi ni Cassandra.



Kung alam mo lang ang sitwasyon ko ngayon Cassandra,

"Wag na Cass, nagmessage naman ako kanina sa kanya." Pagsisinungaling ko.

After 5 minutes ay dumating na yung order namin at kumain na din kami ng sabay sabay. "Louise may masakit ba sayo?" Tanong ni Tita.



"Wala naman po, bakit nyo po naitanong?"



"Parang ang tamlay mo kasi."

"Ayos lang po ako." Sabi ko sabay ngiti.

Madami akong iniisip dahil sunod sunod yung panaginip ko na may nag-aappear na babaeng hindi pamilyar.

"Cass mauna na ako hinahanap na siguro ako ni Ate." Sabi ko.



"Ihahatid kana namin Louise." Sabi ni Tita Lorraine.



"Wag na po Tita kaya ko na po ang sarili ko." sabi ko.



"Louise kapag sinabi kong kami na ang maghahatid kami na, wag ng matigas ang ulo ok? baka mapano kapa jan sa labas cargo de konsensya pa namin ni Cassandra yon." Mahinahong sabi nya.



"Pero Tita mapapalayo po kayo magkaibang dereksyon ang bahay natin." Sabi ko.



"Ayos lang yon ang mahalaga maihatid ka namin at safe kang makarating sa bahay nyo." 

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sundin sila, "Tara na." Sabi ni Tita, hindi na namin inubos yung pagkain namin dahil sobrang late na talaga. Alam kong malilintikan ako kay Ate dahil dapat 5:00 pm ay nasa bahay na ako, malapit ng mag 10:00 pm super late na ako sa tinakdang oras ni Ate.



After 25 minutes ay nakarating na kami sa unit namin, nakita ko si Ate na palabas ng building. "Louise!" Sigaw ni Ate. Nararamdaman ko yung galit at inis ni Ate.

Lumapit ako kay Ate kasama sila Tita Lorraine at Cassandra. "Saan kaba galing! kanina pa ako natawag sayo pero patay yang phone mo! mababaliw ako dito kakaisip kung nasaan ka Louise!" Sunod sunod na sabi ni Ate.



"Pasensya kana Andeng ginabi na kami." Sabi ni Tita Lorraine.

"Next time po kung isasama nyo si Louise maaari po bang magmessage kayo or ipagpaalam nyo sa akin si Louise para hindi ako nag-aala at nag-iisip kung nasaan ang kapatid ko." Inis na sabi ni Ate. "Halika na Louise umakyat na tayo sa unit natin."

Iniwan namin si Tita Lorraine na nakatulala, pagpasok namin sa unit namin pumasok agad ako sa kwarto ko. "Louise mag-usap tayo!"Sigaw ni Ate.

"Bukas na Ate pagod ako!" Sagot ko.

Pumasok si Ate sa kwarto ko. "Bakit hindi ka nagpaalam? Alam mo ba kung ano ano yung tumatakbo sa isip ko kung nasaan ka? Paano kung naaksidente ka? Paano kung may nangyari sayong hindi maganda! My gosh Louise Ann sa susunod magpaalam ka!" Umiiyak na sabi ni Ate. "Si Nanay at Tatay halos mabaliw na din kakaisip kung nasaang lupalop ka tapos kasama mo lang pala yung mag-inang yon!" Sigaw ni Ate.



"BAKIT BA GALIT NA GALIT KA KAY TITA LORRAINE AT CASSANDRA? ANO BANG GINAWA NILANG KASALANAN SAYO AT GANYAN KA NALANG MAKAASAL ATE! SABIHIN MO SA AKIN KUNG ANONG PROBLEMA MO SA KANILA AT IIWASAN KO NA SILA NG TULUYAN! TELL ME ATE! TELL ME!" 

Naramdaman ko nalang na dumapo ang palad ni Ate sa pisngi ko. "Wala kang karapatang sigawan ako Louise! Mas matanda pa din ako sayo tandaan mo yan!" Sabi nya at akmang lalabas na sya ng kwarto ko. "Ibabalik na kita sa La Union at doon kana mag-aaral muli." At tuluyan ng lumabas si Ate ng kwarto.





Gusto kong malaman kung anong problema ni Ate kala Tita Lorraine, naguguluhan ako dahil sa inaasta ni Ate. Alam kong may galit sa puso ni Ate dahil nararamdaman ko ito kahit hindi nya sabihin.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon