Chapter 28

206 8 7
                                    

Andrea's POV


Nandito na ako ngayon sa Manila dahil may mga papers akong dapat asikasuhin, lahat ng mga binayaran kong tao para mag-imbestiga ay pinatigil ko na dahil naghire na si Papa na bagong hahawak sa kaso namin. Iniwanan ko na si Louise sa Pangasinan kasama si Papa pati na din si Nanay at Tatay. 

Unti unti ng lumilinaw ang lahat sa akin, nagulat lang ako sa sinabi ni Papa na si Tito Christian pala ang naging unang karelasyon ni Mama, kaya naman pala ganon nalang kabilis palitan ni Mama si Papa dahil naging sila pala noon ni Tito Christian.

Hindi pa din nawawala yung galit ko kay Mama dahil sa pang-iiwan nya sa amin at pagtaboy sa amin bilang mga anak nya.


"Magandang araw Ma'am Andrea!" Bati nung guard sa unit namin.



"Magandang araw din po sayo Kuya! kumain na po ba kayo?" Tanong ko.


"Hindi pa po Ma'am, mamaya pa po kasi ang break namin." Sabi ni Kuya.


"Saktong sakto Kuya may dala akong pagkain dito luto ni Nanay." Iniabot ko yung paperbag na dala ko.


"Ano po ito Ma'am?"



"Ayan ba? ahh ano yung Bunga ng malunggay kuya masarap yan kasi si Nanay ang nagluto nyan, tapos may tupig jan meryendahin mo nalang yon Kuya." Sabi ko.



"Napakadami naman po nito Ma'am." 



"Ayos lang yon kuya, kumain na din naman kasi ako, paano akyat muna ako sa unit namin kuya." Naglakad na ako papalayo kay Kuya pero hinabol nya ako.


"Ay Ma'am may babae po palang naghahanap sainyong magkapatid, ilang beses na po syang bumabalik dito at nagbabakasakaling makausap kayo."



"Hayaan mo na sya Kuya, sige na kuya akyat na ako."



"Salamat ulit Ma'am!"



"Walang anuman!" Sigaw ko at sumakay na ako ng elevator.



Alam kong si Mama yon dahil wala namang ibang taong maghahanap sa akin kundi sya lang. Bakit kaya ako hinahanap ni Mama? Alam nya na ba ang totoo kaya nya ako hinahanap?


Papa's Calling.................


"Hello Pa?"


"Hi Anak nasa Manila kana ba?" Tanong ni Papa.



"Yes po, bakit po?"


We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon