Chapter 5

219 10 0
                                    

Louise POV


Last week nag-announce si Cassandra na lahat daw ay invited sa darating na birthday nya, kinukulit nya ako na umattend dahil ipapakilala nya daw ako sa Mommy nya. Pakealam ko ba sa Mommy nya lalo na sa kanya basta ayoko pa din na maging kaibigan si Cassandra dahil napaka isip bata nya.


Ilang araw nya akong hindi tinatantanan, noong monday maghapon syang nakadikit sa akin hindi ko alam kung bakit sa lahat ng groupings ay kasama ko sya nagdududa na talaga ako feeling ko kinakausap nya yung mga teachers namin.


Nakakairita talaga sya, mas gugustuhin ko nalang na mapag-isa kesa makasama ang Cassandrang yon.


Hanggang sa pagpunta ko sa CR ay kasabay ko sya malapit na talaga akong mapuno sa babaeng yon. Kahit sa pagkain ko ng lunch gusto nya kasabay ko sya pero di ko nalang pinapansin hinahayaan ko lang sya.


Ngayon pauwi na ako at nagcommute lang ako, hindi daw ako masusundo ni Ate dahil may tinatapos lang sya sa restaurant kaya naisipan kong daanan nalang muna sya sa restaurant. Wala naman kaming pasok bukas kaya ayos lang na malate din ako ng uwi.


Pagdating ko sa restaurant ay naabutan ko si Ate na busy sa pagseserve ng pagkain sa mga customer kaya naman nagpunta agad ako sa office ni Ate para mailapag yung bag ko tinali ko ang buhok ko at nagtungo ako sa kitchen para kumuha ng apron.


Sinita ako ni Chef Grace pero di ko sya pinansin, lumabas din agad ako ng kitchen at nagserve din ako ng oagkain sa mga customer. Nagulat nalang si Ate ng makasabay nya akong magserve sa isang table.

"Diba sinabi ko na umuwi kana." Inis na sabi ni Ate.


Ayan ang problema kay Ate, ayaw nyang tumutulong ako dito sa restaurant. Ayaw nya kasing napapagod ako.



"Wala naman akong gagawin sa bahay tsaka wala naman akong pasok bukas ate kaya ayos lang yon. Last na to promose di ko na uulitin."


"Promise yan ha! Last na to." Sabi ni Ate.

"Yes Ate!"

Nagpatuloy lang kami ni Ate sa pagseserve hanggang sa sumapit na ang dilim at mas lalo pang dumami ang mga customer namin.


The best talaga ang restaurant nila Inay at Itay world class ang dating sa sobrang sarap ng mga inihahain.


Pumasok na ako sa loob ng kitchen  para naman maghugas ng plato, si Kuya Tisoy kasi ay breaktime nya kaya nagpresinta ako na ako nalang muna ang maghuhugas ng plato.



"Chef Grace ano bang date today?" Tanong ko.



"It's April 25 today baby." Sabi nya.


"Ewwww di na ako baby chef Grace, big girl na ako Big girl not baby." Sabi ko sabay irap.



"Ikaw ang taray mo talaga."


We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon