Chapter 14

171 10 7
                                    

Lorraine's POV

Namamangha ako sa laki ng farm nila Louise, tunay ngang napaka ganda dito, sariwang hangin, payapang kapaligiran at malayo sa mausok na kalsada. Pagpasok ko kanina sa loob ng bahay nila Louise iba agad yung vibes na sumalubong sa akin dahil na din siguro sa maluwag ang bahay nila at kaunti lang ang gamit.


Pagpasok ko sa living area nila isang malaking family picture ang nakasabit sa wall nila, maganda din pala ang Ate ni Louise, may pinagmanahan pala ng kagandahan si Louise bukod sa Nanay nya.


"Ilang taon na pala ang panganay mo?" Tanong ko kay Isabel.


"23 na si Andeng ko, alam mo magandang bata yung anak kong yon." 


"Syempre maganda ka kaya maganda din ang anak mo." Sabi ko.



"Mahal nandito na ako!" Sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay asawa ni Isabel.


"Mahal nandito kami sa kusina!" Sagot naman ni Isabel.


"Nandito na pala ang bisita natin, magandang hapon sayo Mrs. Zamora ako nga pala si Vicente." Masayang sabi ni Vicente at nakipagshakehands ito sa akin.


"Lorraine nalang." Sabi ko. "Kaya naman pala napakaganda ni Louise maganda at gwapo din ang magulang nya." Dagdag ko.



"Nasa lahi po namin ang magaganda at gwapo, nasaan pala ang mga bata?" 


"Malamang nasa bukid sila, sige na puntahan mo na yung mga bata sa bukid tatawagin ko nalang kayo kapag kakain na tayo." Sabi ni Isabel kay Vicente.


"Ang swerte ng mga anak nyo kasi may nanay silang kagaya mo na magaling magluto at sobrang maalaga, tapos may tatay na masipag kagaya ni Vicente." Sabi ko.



"Kami ang maswerte sa mga anak namin dahil mahal na mahal nila kami kah----" Hindi na natapos ang sasabihin ni Isabel dahil biglang sumigaw ng malakas si Louise.


"Inay! Inay tignan mo si Itay!" 



Lumabas kaming dalawa ni Isabel at nakita naming punong puno ng putik ang katawan ni Vicente. Natawa nalamang kami dahil sa itsura ni Vicente pati na din yung dalawang bata. "Anong ginawa nyo!" Sabi ni Isabel.


"Nay si tatay po kasi ginulat kaming dalawa ni Cassandra kaya ayan nagtulakan po kaming tatlo sa putikan." Nakangusong sabi ni Louise.


"Nako magpunta na kayo sa irigasyon ng tubig at doon na kayo maligo, ang dudungis nyo." Sabi ni Isabel at nagtakbuhan na silang tatlo patungo doon sa sinasabi ni Isabel na irigasyon ng tubig.


"Lorraine maiwan muna kita at aakyat lang ako sa kwarto namin para kumuha ng tuwalya."



"Sige dito muna ako." Sabi ko at iniwanan na ako ni Isabel.


Napaka aliwalas dito sa farm nila, malayo sa magulo at mausok na Manila, kaya naman pala napaka ganda ng balat ni Louise dahil sa magandang ihip ng hangin dito.


Naglakad lakad ako sa gilid ng bahay nila Louise, napaka daming tanim na bulaklak naalala ko tuloy yung garden namin sa lumang bahay namin dati. Madalas ang mga anak ko ang katulong ko sa pagtatanim sila din ang dahilan kung bakit madaming namumulaklak na halaman sa hardin namin noon.


"Lorraine halina sa kusina." Sabi ni Isabel.


"Sige susunod na ako." Sabi ko.


Pagpasok ko sa bahay nila tumigil ako sandali sa may table na puno ng picture frame napakagaganda talaga ng anak ni Isabel, siguro kasing edad nila ang mga anak ko.




"Lorraine?" Tawag ni Isabel.


"Coming!" Sigaw ko at naglakad na ako papunta sa kitchen nila.


"Lorraine nasaan ang mga gamit nyo ilalagay ko sana kwarto." Sabi ni Isabel.


"Nasa kotse pa, ako nalang ang maglalagay wala naman akong ginagawa. Saang kwarto pala?" Tanong ko.



"Pag akyat mo diretso ka lang tapos pangatlong pinto sa kanan." Sabi ni Isabel.



"Sige maiwan muna kita jan." Sabi ko at umakyat na ako sa kwarto namin.



Pagpasok ko sa kwarto isang malaking picture ang nakasabit sa may itaas ng kama. Maganda talaga ang anak ni Isabel pero bakit ganon parang may mali na hindi ko maipaliwanag.


"Mom!" Malakas na sabi ni Cassandra.



"What! My gosh Cassandra aatakihin ako sa puso dahil sa panggugulat mo sa akin." Inins na sabi ko.


"Sorry Mom." Sabi nya sabay peace sign.


"Magbihis kana." Sabi ko at kinuhanan ko sya ng damit sa bag nya.


"Mom ang ganda ni Ate Andeng no." Sabi ni Cassandra.


"Yes, magkamukhang magkamukha sila ni Louise." Sabi ko.



"Sayang lang Mommy at wala akong Ate, siguro masarap magkaroon ng Ate." Sabi ni Cassandra.


"Si Louise pwede mo naman din syang maging Ate hindi ba? Pati na din yung Ate Andeng nya."



"Pero Mommy iba pa din kapag may sariling Ate."



Oo iba talaga ang pakiramdam ng may sariling Ate, dahlil ako mismo sa sarili ko naranasan ko din magkaroon ng Ate kahit sandali lang. Kinuha agad ni Lord ang Ate dahil naaksidente sya noong nandito kami sa La Union, kung hindi lang sana ako nagpumilit na magswimming noon edi sana kasama ko pa din sya hanggang ngayon. Sana masaya na sila ng mga anak ko at asawa ko dahil magkakasama na sila sa taas.


We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon