Andrea's POV
Maayos kaming nakarating ni Mama sa bahay namin sa Pangasinan ngunit hindi namin nadatnan ang mga kapatid ko at sina Inay at Itay, sabi ni Mang Kaloy, isa sa mga tauhan ni Papa, umuwi daw sila Inay sa La Union noong nakaraan. Dahil kami lang ni Mama ang nandito sa bahay nagsimula na akong magluto ng pagkain namin.
Mabuti nalang at may tumulong sa akin na ipasok si Mama dito sa bahay, malaking tulong din na may katiwala si Papa dito sa bahay.
Kamusta na kaya si Papa? Sabi nya tatawag sya kapag nahuli na si Zamora pero hanggang ngayon wala pa din syang paramdam. Si Mama kaya hanggang anong oras matrutulog madami sigurong nilagay si Papa na gamot kaya sobrang haba ng tulog ni Mama.
"Hija, eto nga pala yung Kangkong na bagong pitas namin." Nilapag ni Aling Lourdes yung dala nyang kangkong sa lamesa.
"Maraming salamat po Aling Lourdes." Sabi ko.
"Walang anuman Hija. Nakita mo ba si Kaloy?" Tanong nya sa akin.
"Ah opo nandon po sya kanina sa labas, baka ho umuwi na sa bahay nyo." Sabi ko.
"Ganon ba, sige Hija mauna na ako. Mamaya dadalhan ko kayo ng mga prutas." Sabi nya.
"Ay sige po maraming salamat po. Makikisara nalang po ng Gate Aling Lourdes!" Sabi ko at nag thumbs up nalang sya sa akin.
Sinalang ko yung pork dahil sinigang ang lulutuin ko, paniguradong gusto ni Mama ng mainit na sabaw dahil medyo maulan ngayon.
"Ate Andrea!" Rinig kong sigaw ni Louise kaya napakatakbo ako kasi baka magising nila si Mama.
"SHHHHHHHHHHHH!" Sabi ko.
"Oppps, Sorry!" Sabi ni Louise sabay tawa.
"Sinong kasama mo?" Tanong ko.
"Sila Nanay at Tatay, si Cassandra tulog sa sasakyan kaya nauna na akong bumaba. Eh ikawAte sinong kasama mo at maka SHHHHHHHHHHHHHHHHHH ka jan gigil na gigil ka." Sabi nya.
"Si Mama." Sabi ko.
"Si Papa nasaan?" Tanong nya.
"Naiwan sa Manila." Sagot ko.
"Anak nandito kana din pala." Sabi ni Tatay habang buhat buhat si Cassandra.
"Opo, pinauwi po kasi kami ni Papa dito kasi ngayon po nila huhulihin si Zamora. Tapos sabi nya tatawag sya kapag natapos nya na mission nya doon pero hanggang ngayon wala pa pong tawag si Papa." Sabi ko
"Ganon ba, anak hindi namin kayo masasamahan ngayon dahil may inaayos kami ngayon ni Nanay mo sa farm, ayos lang ba na iwanan muna namin kayo dito?" Sabi ni Nanay.
"Yes po, nandito naman po si Mama tsaka baka dumating na din si Papa mamaya lang kasi sabi nya uuwi din sya dito." Sabi ko.
"Anak ilalapag ko nalang muna si Cassandra dito, alam mo naman tumatanda na ang Tatay." Tumatawang sabi ni Tatay.
"Sige po, ako na po ang bahala sa mga kapatid ko at kay Mama."
"Anak mag-iingat kayo dito." Sabi ni Nanay at niyakap nya ako.
"Salamat po, sige ho umuwi na po kayo at baka abutin po kayo ng dilim sa daan." Sabi ko at agad namang umalis sila Inay at Itay.
"Louise bantayan mo muna si Cassandra baka mahulog yan." Sabi ko at bumalik na agad ako sa kusina.
"Andrea?" Dinig kong tawag ni Mama sa akin.
"Ma nandito po ako sa kusina." Sabi ko at hindi na ito sumagot sa akin, palagay ko ay tinabihan nya muna ang dalawa kong kapatid na nasa salas. Ilang minuto din ang lumipas ay hindi pa din napasok dito sa kusina si Mama.
Habang hinihimay ko ang Kangkong na dala ni Aling Lourdes ay sakto namang pumasok si Mama sa kusina. "Anak?"
"Ma pasensya na po sinunod ko lang si Papa." Sabi ko sabay tawa.
"Ok lang anak, naiintindihan ko ang Papa mo kung bakit nya nagawa sa akin ito." Sabi nya at niyakap nya ako. "Anak sa palagay ko nahuli na si Christian, nagtext ang Papa mo sa akin na pauwi na sya dito. Magiging maayos na ang buhay nating lahat."
"Ma pwede po bang sa ibang bansa nalang tayo tumira?" Tanong ko kay Mama.
"Oo anak, pwedeng pwede na tayo tumira sa ibang bansa lalo na't kumpleto na tayo." Sabi ni Mama.
"Ma? Mahal na mahal ko po kayo ni Papa." Sabi ko.
"Mahal na mahal ka din namin ng Papa mo." Sabi ni Mama at hinalikan nya ako sa forehead.
Ipinagpatuloy ko na ang pagluluto ko at bumalik na si Mama doon sa dalawa kong kapatid. Sana pagbalik ni Papa maayos na ang lahat talaga.

BINABASA MO ANG
We Met Again
Fiksi PenggemarSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...