Lorraine's POV
Nandito kami ngayon sa function room dahil dito kami magdidinner and after namin magdinner magkakaroon daw kami ng activity which is wala kaming idea kung anong klaseng activity yung gagawin namin mamaya.
Si Andrea ay masayang nakikipag-kwentuhan kay Mrs. Marquez, nakakatuwa lang dahil ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nyang mala anghel sa ganda.
"And you know what Tita umiiyak si Nanay noong nalaman nyang lilipad ka papuntang States." Sabi nya sabay tawa.
"Really? Hindi pa din talaga nagbabago yang Nanay mo sya pa din ang nag iisang Isabel na iyakin."
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing tumatawa ng malakas si Andrea ay napapangiti din ako.
"Announcement po, after natin magdinner proceed na po tayo sa grounds magbobonfire po tayo at susundan po noon ay yung activity natin na isa. Thank you." Sabi nung isa sa mga coordinator nung event.
Binilisan lang namin ang kain dahil tumatakbo ang oras, nauna sila Andrea na magpunta sa grounds at sumunod din naman agad ako.
"Ok so diba po may mga team na kayo ang gagawin nalang po natin ay bubunot tayo ng number kung pang-ilan ang grouo nyo na magsasalita."
Si Andrea nalang ang pinabunot namin ng number "Tita number 4."Sabi ni Andrea kay Mrs. Marquez.
Bakit parang umiiwas sa akin si Andrea?
"Lahat po ay nakabunot na?" Tanong nung coordinator.
"Yes!"Sigaw ng karamihan.
"Dahil naka group na po kayo ang una po nating gagawin ay humanap ng spot na pagpupwestuhan nyo and after that po isa isa na po naming tatawagin yung member ng bawat group para magtalk dito sa harapan."
"Anong klaseng talk?" Tanong nung isang babae.
"Very nice question Mrs. Perez, Ang una nyo pong gagawin ay magpapakilala at kung ano ang business nyo and if ever naman na gusto nyong ishare kung paano kayo nagstart magbusiness ishare nyo na din po at ito ang kailangan nyong sagutin Kung may gusto kayong balikan ano ito at bakit and next is kung sakaling may bumalik na mula sa nakaraan mo ano ang iyong gagawin? at ang panghuli kung may gusto kang sabihin na hindi mo masabi sa taong mahal mo ano ito."
Nagpalakpakan ang mga tao at mukhang nagustuhan nila yung mga tanong na ginawa noong coordinator. Wala akong maisip bahala na mamaya mas maganda yung on the spot ayokong mag-isip sa ngayon.
Nagstart na yung group number 1 at kami naman ay nakikinig lang si Andrea ay mukhang nilalamig na dahil yakap nya ang sarili nya hinubad ko yung suot ko na jacket at iniabot ko ito sa kanya. "Suotin mo yan nilalamig kana."
"Wag na po ayos lang po." Sabi nya pero isinabit ko ito sa balikat nya at tinali ko yung jacket sa kanya para hindi sya lamigin, ayaw nyang suotin dahil nahihiya sya sa akin.
Nakatingin lang ako kay Andrea habang nakikinig sa mga nagsasalita sa harapan.
"Next po." Sabi nung coordinator.
"Andrea ikaw na ang mauna."Sabi ni Mrs. Marquez.
Kami na pala bakit hindi ko namalayang tapos na yung tatlong grupo.
"Mr. Zamora ikaw nalang po."Sabi ni Andrea.
"Ikaw na ang mauna ikaw ang pinaka bata sa atin." Sabi ko sabay ngiti.
Tumayo si Andrea at tumingin ito sa akin. "Go Andrea!" Sabi ko bago pa sya makalayo sa amin.
"Hmmm Good Evening everyone!" Bati ni Andrea at bumati naman kaming lahat. "My name is Andrea but you can call me Andeng."
"Why Andeng diba dapat Andi or Ands?" Tanong nung isang participant.
"Hindi ko din po alam kung bakit Andeng yung Nanay ko lang po ang nagbigay sa akin ng ganyang pangalan."
"Ah ok." Sabi nung nagtanong kanina.
"So yung business po ng parents ko ay Restaurant at may ilang mga branches na din po kami nito at soon magbubukas na po yung isa naming brach sa Davao. Hindi ko po alam ang whole story ng restaurant pero sa pagkakaalam ko lang po nagstart po ito dahil yung Nanay ko po ay isang chef."
"Yah we know her, sya yung pinaka magaling at masarap na magluto sa La Union." Sabi nung isang participant.
"Yes tama ka nga si Isabel ay nag-iisa lang napakagaling na nilalang." Sabi din nung isang participant.
"Nanay Isabel was the famous chef in our town lagi pong dinadagsa yung restaurant namin sa ibat ibang lugar, ayan lang po ang alam ko."
"Wow napakswerte mo naman Ms. Andrea may Nanay kang magaling magluto. Ok proceed na po tayo sa mga questions. Kung may gusto kayong balikan ano ito at bakit and next is kung sakaling may bumalik na mula sa nakaraan mo ano ang iyong gagawin? at ang panghuli kung may gusto kang sabihin na hindi mo masabi sa taong mahal mo ano ito."
"Kung may gusto man po akong balikan siguro yung dati kong buhay, yung buo pa yung family ko dahil ngayon po kasi wala na ito at nagulo na at kung sakali man pong may bumalik na mula sa nakaraan ko siguro po yayakapin ko sya ng napakahigpit at hindi ko na muli syang pakakawalan, hindi na ako papayag na umalis sya dahil sobrang hirap maiwanan kung bibigyan nga po ng pagkakataong bumalik sa dati gagawin ko yon dahil sa sobrang pagmamahal ko sa magulang ko pero parang imposible na pong makabalik ako sa dati dahil may mga nakaharang na." Pinunasan ni Andrea yung pisngi nya dahil umiiyak na sya,hidni ko alam kung bakit damang dama ko yung bigat na dinadala nya basta ang gusto ko lang gawin ay yakapin sya.
Tumingin sa akin si Andrea habang nagsasalita sya. "Kung may sasabihin man ako na hindi ko masabi sa taong mahal ko ito yung Mama kahit anong nagawa mo mahal na mahal pa din kita at hinding hindi ito mawawala dahil nag-iisa ka lang dito sa puso ko. Matagal na kitang napatawad kaya sana bumalik kana sa amin."
Umiwas ako ng tingin kay Andrea dahil nasasaktan ako sa di ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit ako apektado.
Nagpalakpakan yung mga tao. "Congratulations Ms. Andrea! napaka tapang mong tao." Bati nung coordinator.
Umupo na si Andrea sa tabi namin at sinandal nya ang ulo nya sa balikat ni Mrs. Marquez.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...
