Chapter 23

191 10 1
                                    

Andrea's POV

Dalawang araw na ang nakalipas magmula ng pinatawag ako sa school ni Louise, mabuti nalang at walang damage ang ulo ni Louise sobra akong nag-alala dahil ulo ni Louise ang napuruhan na naman. Hindi ko na din pinapapasok si Louise sa school nila at ngayong araw ay uuwi kami sa bahay namin sa La Union para magpahinga. Madaming hindi magandang nangyari sa amin noong mga nakakaraang araw kaya ngayon magpapahinga muna kami at lalayo muna sa kaguluhang kinasangkutan namin.

Sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari noong nakaraan, dumating si Mama pero hindi sya sa amin umuwi dahil may iba na pala syang inuuwian, sobrang sakit dahil umasa ako na babalikan nya kami ni Louise at magsasama kami muli lahat ng sana at akala ko ay hindi nagkatotoo, lahat ng dasal ko na sana mabuo kami hindi na magkakatotoo kailan man.

Mahal na mahal ko si Mama pero ngayon unti unti ng nawawala ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin na pagtanggi na anak nya ako. Sobrang sakit pala talaga kapag tinanggi ka ng sarili mong Nanay. 

"Ate bakit hindi natin ipaglaban si Mama?" Tanong ni Louise, alam ko din naman na gusto ni Louise na makasama si Mama pero mahirap talagang labanan yung nangyayari ngayon.

"Alam mo Louise kung kaya lang natin na labanan yung nasa isip ni Mama nagawa na natin pero mahirap eh, iba yung sinasabi ng isip nya sa isip natin." Sabi ko.


Totoo naman, mahirap talaga kapag hindi naniniwala sayo ang isang tao, kung paniniwalaan ni Mama yung nasa isip nya mahihirapan kami na paniwalain sya na kami ang anak nya.

Napapaisip din ako hanggang ngayon na kung sino yung nilibing nila 10 years ago, possible na may kinalaman don sila Nanay at Tatay dahil sila lang naman ang unang nakakita sa amin.

"Hindi natin sya mababawi kung wala tayong gagawing hakbang Ate."


"Wala tayong dapat gawin na hakbang at mas lalong wala tayong dapat patunayan kay Mama, alam nating dalawa na anak nya tayo at dapat ramdam din ni Mama yon pero hindi nya maramdaman yon dahil may pumalit na sa atin." Sabi ko.



"Paano na tayo Ate?"


"Hayaan natin na malaman nya mismo ang katotohanan." Sabi ko.



Hahayaan ko na sya mismo ang makadiskubre ng lahat  pero sana wag mahuli ang lahat.


"Paano si Nanay at Tatay?" Tanong ni Louise.



"Hinding hindi natin sila iiwanan kahit na anong mangyari, sila ang dahilan kung bakit may maganda tayong buhay ngayon. Kung sakali man na mabuo ang pamilya natin kasama pa din natin sila."


Pero posible pa bang mabuo ang pamilya namin? May pamilya na si Mama at kasal na ito sa iba samantalang si Papa hanggang ngayon hindi pa nagpapakita sa amin, may ibang pamilya na din kaya sya? Paano kaming dalawa ni Louise?


"Louise what if bumalik si Papa?" Tanong ko.


"Edi mas masaya tayo Ate, at least may isa sa parents natin ang bumalik."



"Pero paano kung may iba na syang pamilya?"



"Siguro wag nalang natin silang guluhin, masaya naman na tayo kay Nanay at Tatay. ang mahalaga buhay silang parehas." Seryosong sabi ni Louise.


"Masaya nga ba tayo?" 



"Alam mo Ate magdrive ka nalang jan kung ano ano pumapasok sa isip mo." Sabi ni Louise.



Nararamdaman kong nag-iisip din itong si Louise sa posibleng mangyari sa amin kapag hinarap namin si Papa at Mama. Gusto kong mabuo ang pamilya ko ulit pero paano kung may mga hadlang na mabuo kami.


After 5 hours ay nakarating na din kami sa bahay namin sa La Union mabuti nalang talaga at wala kaming traffic na nadaanan. "Anak halina kayo dito mamaya nyo na ipasok yung mga gamit nyo." Sabi ni Nanay.

Humalik si Louise kay Inay at tumakbo na sya sa loob upang hanapin naman si Itay. Kaming dalawa nalang ni Nanay ang nasa labas ng bahay.


Niyakap ko ng mahigpit si Inay at sinabing  "Nay mahal na mahal po kita." Humiwalay ng pagkakayakap sa akin si Nanay at hinawakan nya ang mukha ko sabay dikit ng ilong nya sa ilong ko. "Mahal na mahal din kita anak, salamat sa pagmamahal na ibinibigay mo sa amin ng Tatay mo kahit hindi mo kami kadugo." Sabi nya.


"Nay natagpuan ko na po si Mama." Sabi ko.


"Alam ko anak." Sabi nya na ikinagulat ko, sa pagkakatanda ko hindi ko pa nasasabi kay Nanay yung tungkol sa pagkikita namin ni Mama.


"A--anong alam mo na po?" Tanong ko.


"Mamaya na tayo mag-usap, pumasok na tayo sa loob at naghihintay na ang kapatid mo at ang Tatay mo." Sabi ni Nanay at hinila na nya ako papasok ng bahay.



Tama kaya ang hinala ko na posibleng may kinalaman si Nanay at Tatay sa lahat ng nangyayari sa buhay namin?



We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon