Andrea's POV
Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno malapit sa dalampasigan, dito kami nagset up para sa lunch namin, susulitin namin ang oras namin ngayon dahil mamaya y babalik na kami ng Manila nila Mama at Papa, maiiwan si Louise at Cassandra dito kasama ang Nanay Isabel at ang Tatay Vicente.
Napaka gandang pagmasdan na masaya kaming lahat ngayon at buo, ngayong araw yung masasabi kong buo talaga kami dahil bakas sa mga mukha nila na wala silang iniinda na problema.
"Anak paki suyo ng plato." Sabi ni Inay at iniabot ko naman yung plato saknya.
"Inay noong mga bata po ba kayo nila Papa ano po yung madalas nyong gawin?" Tanong ko.
"Kapag nasa farm sila Kuya madalas kaming maglaro ng tayatayaan, patintero at higit sa lahat ang langit lupa, ayan yung mga nilalaro namin nila Kuya Alex kasama ang mga anak ng tauhan ni Papa."
"Gaano po kayo kasaya noon?" Tanong ko ulit.
"Sobrang saya kasi naranasan kong mabuo, I mean yung kulang dumating kaya mas lalong sumaya, teka anak bakit mo naitanong? Hindi kaba masaya ngayon?" Tanong ni Nanay.
"Masaya naman po ako ngayon Inay, sobrang saya po dahil nandito ang mga mahal ko sa buhay na minsan ng nawala sa akin." Sabi ko sabay ngiti.
"Alam mo anak minsan sa buhay natin may mga pangyayaring hindi natin inaasahan pero dahil sa hindi natin inaasahang pangyayari maganda yung nagiging kapalit nito, kagaya ngayon ang Mama mo at Papa mo ay nandito na pati na din si Cassandra. Dahil sa aksidenteng nangyari sainyo mas lalo pa kayong naging malakas." Sabi ni Inay.
"Inay salamat po sa pag-aalaga sa amin ni Louise, kayong dalawa po ni Tatay ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy kaming lumalaban noon at ngayon. Salamat po sa pagmamahal na ibinigay nyo sa amin ni Louise at pasensya na din po sa sakit ng ulo na idinulot namin ni Louise sainyo."
"Anak pamangkin ko kayo kaya dapat lang mahalin at alagaan ko kayo, salamat din dahil sa loob ng madaming taon naranasan namin magkaroon ng anak na kagay nyo ni Louise, pasaway man minsan napaka sweet naman." Sabi ni Nanay sabay kurot sa pisngi ko.
"Nay mahal na mahal po namin kayo." Sabi ko at niyakap ko sya.
"Mahal na mahal ko din kayo." Sabi nya at gumanti naman sya sa yakap ko.
"Sali naman ako jan." Singit ni Tatay kaya tinawag na sya ni Nanay at sumali sa amin.
"Ang daya naman hindi nagtatawag." Sabi ni Louise na nasa likod namin kaya napatawa kami.
"Alam mo ikaw napaka selosa mo talaga, tara na doon sa loob tulungan mo akong magbitbit ng pagkain." Sabi ko sabay takbo at hinabol naman ako ni Louise.
"Ate ang daya mo!" Sigaw nya dahil nauna ako sakanya, tumayo ako sa may malapit sa pintuan ng kitchen at sinipat ko si Louise na naglalakad nalang, napagod siguro ang aking kapatid kaya sumigaw nalang ako ng "Puntahan mo nalang si Cassandra!" At tuluyan ko ng tinalikuran si Louise.
Pagpasok ko ng kitchen nagulat ako sa aking nakita. "Oh my gosh Mama! Papa! May kwarto sa taas bakit dito pa kayo naghahalikan. Gosh!"
"So---sorry." Utal na sabi ni Mama qt namumula sya sa sobrang kahihiyan sa akin.
"N---no----no its ok Mama, Im sorry nagulat lang ako, wait kunin ko lang yung food then ituloy nyo na yung ginagawa nyo. Anyway sa kwarto nalang kayo baka makita pa kayo ni Louise at Cassandra." Sabi ko sabay ngiti.
"No, anak tutulong nalang ako." Sabi ni Mama sabay baba doon sa inuupuan nya.
"Istorbo." Sabi ni Papa kaya naman napatawa ako ng malakas at tumingin sa akin si Mama. "What?" Tanong ni Mama.
"Si Papa kasi halatang nabitin, go na Ma ako na po ang bahala dito, umakyat na kayo at bigayan mo na si Papa ng junior, malay nyo makabuo pa." Hindi ko na hinintay yung sasabihin nila dahil lumabas agad ako ng kitchen.
Pagbalik ko sa dalampasigan nakita ako ni Nanay na nakangiti. "Anak mukhang masaya ka, grabe yang ngiti mo hanggang tenga."
"Ah wala po ito Inay, masaya lang ako kasi magkakasama tayong lahat." Sabi ko at niyakap ko si Nanay. "Inay bigyan hindi kana po ba pwedeng magkaanak?" Tanong ko.
"May sasabihin pala ako." Sabi nya at humiwalay ako sa pagkakayakap kay Nanay, umupo kaming dalawa.
"Inay bakit ang seryoso mo?" Tanong ko.
Kinuha nya yung phone at tila ba may hinahanap sya, inabot nya yung phone nya sa akin "Tignan mong maigi yan anak." Sabi ni Nanay kaya naman tinignan ko ng maigi yung phone nya at tsaka ko lang narealize kung ano yung litrato na iyon.
"OMG! Totoo po ba ito?"
"Yes anak, magkakaroon kana ng mga kapatid."
"Mga?" Tanong ko.
"Twins ang ipinagbubuntis ko." Sabi ni Nanay.
"OMG!" Sigaw ko dahil sa tuwa."Hi Baby sisters or Baby Brothers! Ako ang Ate Andrea ninyo, magpakabait kayo jan sa loob ng tyan ni Nanay! "Sabi ko at hinalikan ko ang tyan ni Nanay. "Alam na po ba ni Tatay?" Tanong ko.
"Hindi pa." Sabi nya.
"Dapat sabihin mo na po." Masayang sabi ko.
"Mamaya nalang para malaman din nilang lahat."
Niyakap ko si Nanay at yung ulo ko ay nasa tyan pa din nya. Hindi man ako mabiyayaan ng kapatid kay Mama at Papa meron naman si Nanay at Tatay. Aalagaan ko silang parang mga tunay kong kapatid gaya nila Louise at Cassandra.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...