Chapter 72

186 8 4
                                    

Alexander's POV


Nandito kami ngayon nila Lorraine at Andrea sa Police Station dahil ibibgay na namin yung mga ebidensyang nakuha namin laban kay Christian. Kanina pa hindi mapakali si Lorraine dahil tawag ng tawag sa kanya si Christian pero hindi nya ito sinasagot.


"Babe sagutin mo na sya." Sabi ko kay Lorraine.


"What if makatunog sya? hindi ko nalang sasagutin." Sabi nya.


"Sagutin mo na sya at sabihin mong hintayin ka nya sa bahay, para kapag papunta na ang mga pulis hindi na sya mahihirapang mahuli." Sabi ko.


"Excuse me Mr. Guevarra, pwede po bang makausap namin kayo?" Tanong ni Chief Delgado.


"Yes Sir." Sabi ko at iniwan ko muna yung mag-ina ko.


"Sir sila po yung mga pulis na tutulong sainyo na madakip si Mr. Zamora." Sabi ni Chief Delgado. Pinaliwanag sa akin ni Chief Delgado ang lahat tsaka ko binalikan ang mag-ina ko sa labas.


"Andrea can we talk?" Tanong ko kay Andrea na nakahawak sa kamay ni Lorraine.


"Yes Papa." At tumayo na sya.


Lumayo kami parehas kay Lorraine, alam kong hindi sya papayag sa gusto ko pero eto yung tanging paraan para hindi sila masaktan.


"Anak umuwi na kayo ng Mama mo sa Pangasinan, after mahuli si Christian susunod ako sainyo."


"Pero Papa alam mo namang hindi susunod si Mama sa gusto mo di po ba?"


"Oo anak pero ito yung tama. Ayokong mawala ulit sa atin ang Mama mo. Gawin mo lahat ng kaya mong gawin para sumama sayo ang mama mo ok?"


"Yes Papa."


Habang nag-iisip ako biglang lumapit sa akin ulit si Andrea.


"Pa?"


"Yes anak?"


"Hmmm...."

"Ano yung gusto mong sabihin Andrea?" Tanong ko.

"Pa diba po pinaamoy mo si Mama ng pampatulog dati? Pwede ko po bang malaman kung nasan yon?"


"Nasa likod ng sasakyan ko yung gamot. Bakit?"


"Kasi ayun lang po yung naisip ko na paraan para maiuwi ko si Mama sa Pangasinan."


Tama si Andrea, isa din yon sa tanging paraan para maiuwi nya si Lorraine sa Pangasinan. "Anak ganito aayain ko ang Mama mo sa sasakyan, magpapanggap ako na may pag uusapan kami. Ako na ang magpapaamoy sa Mama mo ng pampatulog ok?"

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon