Chapter 51

180 7 3
                                    

Alexander's POV



Nandito ako ngayon sa bagong bahay namin, binenta na namin yung unit nila Andrea dahil kailangan na namin magsama sama sa iisang bahay. Inaayos ko ang ibang gamit nila Andrea at Louise dahil nasa mall pa daw sila.

Nakakatuwa yung dalawang anak ko na yon dahil manang mana sila sa Mama nila ma maingat sa gamit, yung necklace na ibinigay namin sa kanila nakatago pa din at mukhang bago pa ang mga ito.

Umupo ako sa sofa dahil nakita ko yung lumang wedding picture namin ni Lorraine. 


"Babes malapit na kitang makuha mula sa kamay na rehas ni Christian pero sana hindi mo pa nakakalimutan yung pangako natin sa isa't isa dahil ako kahit kailan hindi ko kinalimutan yon dahil mahal na mahal kita." Pinunasan ko yung picture at inilapag ko sa table.


Kinuha ko naman yung picture ni Andrea at Louise.




"Pasensya na kung hindi naging maganda yung childhood nyo, sorry kung pati kayo nadamay sa kaguluhan namin, pangako babawi ako sainyo ngayon." Sabi ko sa picture ng mga anak ko noong mga bata pa sila.



Ding......dong..... 

Sumilip ako sa bintana at nakita ko naman si Louise at Andrea na nasa labas na ng bahay namin kaya agad akong lumabas para pagbuksan sila ng gate.

"Bakit umuwi agad kayo? nasaan yung binili nyo?" Tanong ko.



"Papa sa loob nalang po tayo mag-usap." Sabi ni Andrea na tila ba nanghihina sya kaya inalalayan ko sya papasok ng bahay.



"Slowly." Sabi ko habang inuupo ko sya sa sofa. "What happened?" Tanong ko.



"Pa sinaktan nya na naman kami!" Sabi ni Andrea at bumuhos na ang luha nya.



"Who?"



"Si Mama, tinulak nya si Ate, I hate her so much!" Galit na sabi ni Louise.

"Teka bakit nya sinaktan ang Ate mo?" Tanong ko kay Louise.

"Dahil sa impostor na Andrea kaya nya naitulak si Ate, Papa sinaktan ako nung Andrea na nagpapanggap tignan mo Papa may sugat ako sa braso ko dahil inagaw nung babaeng yon yung damit na gusto kong bilhin para kay Ate." Sinilip ko yung braso ni Louise at may sugat nga ito.


"Tapos sinaktan ka ng Mama mo?" Tanong ko kay Andrea.



"Yes, dahil ipinagtanggol nya yung babaeng yon na hindi nya naman kaano ano talaga." Sabi ni Andrea.



"Wait a minute kukuha lang ako ng icepack." Sabi ko.



"Ako nalang po Papa." Sabi ni Louise.

"Ok." Sagot ko.


Isinandal ni Andrea ang ulo nya sa may sandalan ng sofa at bigla itong nagsalita "Pa pwede bang ngayon ka nalang magpakita kay Mama? Nahihirapan na po kasi ako, ang hirap magtago at magpanggap na ok lang lahat, sobrang sakit Pa parang hindi ko na kakayanin kapag sinaktan ulit ako ni Mama, durog na durog na yung puso ko at pagod na din ako, ayokong dumating sa punto na kapag alam nya na yung katotohanan kinamumuhian ko na sya." 



"Shhh don't cry anak, sorry kung kayo ni Louise ang naiipit ."



"Pa please sabihin mo na kay Mama yung totoo kasi ang hirap, sobrang hirap na makita syang masaya na kasama ang iba habang kami eto nasasaktan ng paulit ulit." Pinunasan ko ang luha ni Andrea.



"Sorry anak, pero kung ayan ang gusto mo sige gagawin ko ngayon." Sabi ko.

"Papa sorry kung kailangan mong madaliin ang lahat para sa amin, sorry hindi ko na kasi kaya pang lumaban pakiramdam ko anytime bibigay na ako dahil sa sobrang sakit ng ipinapakita ni Mama sa atin. Ilang beses ko ng sinasabi na kami ang mga anak nya pero iba ang pinaniniwalaan nya, pwede bang dalhin mo sya dito kapag nagkita na kayo?"



"Yes, dadalhin ko sya dito anak. Pangako pagbalik ni Papa kasama ko na sya ngayon dito sa bahay natin, maghintay lang kayo." Sabi ko at tumayo na ako.



"Papa mag-iingat ka, mahal na mahal ka namin ni Louise."


"Mahal na mahal ko din kayo, maglock kayo ng pinto, basta babalik si Papa na kasama ang Mama nyo hmmm."


"Bye Pa!" Sabi ni Andrea bago ako tuluyang makalabas ng bahay.


Gagawin ko yung plan A ko at sana maging effective ito. Kinuha ko yung bag na may lamang gamot, yes bumili ako ng pampatulog dahil matagal ko ng balak kidnapin si Lorraine humahanap lang ako ng magandang timing at sa tingin ko ito na yung tamang oras para kunin sya. Sana maging successful ang lahat ng gagawin ko para sa mga anak ko.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon