Louise POV
Nandito kaming lahat sa kusina dahil dinner time na. Napakasaya naming lahat dahil nabalitaan naming nakulong na si Christian. Yung mga ngiti ni Ate at Mama ay napaka ganda siguro dahil na din sa balitang sinabi ni Papa.
"Mama pwede po ba tayong magswimming bukas?" Tanong ni Cassandra.
"Oo naman anak." Sagot ni Mama.
Napangiti nalang ako dahil sa wakas hindi na namin kailangan pang magtago pa. "Papa!" Sigaw ni Cassandra kaya agad kaming tumayo upang salubungin si Papa. Sa palagay ko ay sobrang pagod si Papa dahil sa layo ng binyahe nya.
"Pa kain muna tayo, sakto sabayan mo na po kami." Sabi ni Ate kay Papa.
"Ok." Seryosong sabi ni Papa. Mukhang pagod nga si Papa dahil iba ang mood nya ngayo, dati naman kahit pagod si Papa nagagawa nya pa din ngumiti pero ngayon iba yung itsura ni Papa. Hahalik sana si Mama sa cheeks ni Papa pero umiwas si Papa, hindi nalang ako nagpahalatang nakita ko ang pag-iwas ni Papa.
"Tara na sa dining area." Sabi ni Mama at sumunod na kaming lahat at bumalik na kami sa aming pagkain. Tahimik lang kaming lahat akala ko ba nahuli na si Christian pero bakit ganon si Papa? Bakit parang may mali sa kanyang mga kinikilos.
"Pa ano pong plano nyo? ahm I-i mean nahuli na po si Christian lilipat po ba tayo ng tirahan? babalik po ba tayo sa Manila or pupunta po tayo ng ibang bansa?" Tanong ni Ate kay Papa.
"Pwede ba wag muna nating pag usapan yan dito sa harap ng hapagkainan." Pagkasabi ni Papa nyan ay nagfocus nalang kaming lahat sa pagkain.
Bakit parang galit si Papa? ano kayang nangyari na hindi namin alam?
"Tapos na akong kumain, mauna na ako." Sabi ni Papa, nagulat kami kasi ang daming tirang pagkain sa plate ni Papa.
Nagulat nalang kami nila Ate at Cassandra ng biglang sumigaw si Mama "Hey! bakit ka ganyan!"
"I said busog na ako!" Sigaw naman ni Papa at nagpatuloy nalang ito sa paglalakad nya papunta sa kwarto.
"Ahmmmm......... Sorry, sige finish your food kakausapin ko nalang ang Papa nyo mamaya." Sabi ni Mama at nagpatuloy nalang kami nila Ate sa pagkain.
After namin kumain niligpit namin yung mga pinagkainan namin, umakyat na si Mama sa kwarto nila ni Papa at si Cassandra naman nasa Cinema Room at balak nya atang doon nalang matulog dahil gusto nya daw magmovie marathon. "Ate Louise sure kabang di mo ako sasamahan? sige ka mag-isa ka lang sa kwarto may monster doon." Tumatawang sabi ni Cassandra.
"Ok, Fine! sasamahan kita, but dapat magwash muna tayo ng katawan bago tayo matulog ok?"
"Sure Ate, isang movie muna then magwash na tayo ng katawan, Ate Andrea samahan mo na kami ni Ate Louise mag movie marathon."
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanficSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...