Chapter 46

220 7 7
                                    

Lorraine's POV

Hindi ako makatulog dahil lamig na nararamdaman ko, si Andrea nakayakap pa din sa akin dahil naramdaman nya ata kanina na nilalamig ako, ginawa nyang unan ang braso ko kaya naman nakakaramdam na ako ng pangingimay.


"Mama wag mo na ulit kaming iiwanan." Sabi nya at sa tingin ko nananaginip na naman sya.



Alam kong napaka imposible na sya ang maging anak ko dahil hindi kami match ng dugo ayon sa test na ipinagawa ko noon at hindi nya alam kung paano ko sya nakuhanan ng sample.


"Mama please." Mahinang sabi ni Andrea pero rinig na rinig ko ito dahip magkalapit ang mga mukha namin.



Nilagay ko ang palad ko sa sa ulo ni Andrea at hinaplos ko ang buhok nya.


Dumilat si Andrea at tumingin sya sa akin. "Wag mo po akong iiwanan." Sabi nya at ngumiti ako. "Hindi kita iiwanan dito lang ako sa tabi mo." Sabi ko at hinalikan ko sya sa noo, pumikit ulit si Andrea at sa tingin ko ay naalimpungatan lang sya.



"Hindi kita iiwan hanggang sa magliwanag." Bulong ko sa kanya at kinantahan ko nalang sya hanggang sa makatulog na ako.


Pagkagising ko ay wala na si Andrea sa tabi ko at ang bigat ng pakiramdam ko. Nasaan kaya ang batang yon?


"Gising kana po pala." Sabi nya at lumapit sya sa akin.


"Kamusta po yung ulo mo?" Tanong nya.



"Medyo kumikirot sya." Sabi ko.



"Mainit po ang katawan nyo kaya kumuha po ako ng tubig." Sabi nya at pinunasan nya ang katawan ko ng bimpo na may katamtamang lamig.

"Paano mo nalaman yung ganito?" Tanong ko.


Ngumiti sya sa akin at sinabing "Hindi na po mahalaga kung saan ko natutunan ito basta po ang mahalaga gumaling po kayo at makabalik tayo ng ligtas sa Manila."



"Tama ka kailangan nating makabalik ng Manila dahil birthday ngayon ng anak ko." Sabi ko at napahinto naman sya ng pagpupunas sa akin.



"May problema ba? Meron ba akong nasabing mali?" Tanong ko.



"Wala naman po." Sabi nya at nagpatuloy lang sya ng pagpupunas sa akin.



Nakatinginlang ako sa kanya habang pinupunasan ako. "Alam mo may kilala din akong tao na kayang gawin yang ginagawa mo."



"Sino po?" Tanong nya.





"Si Alexander yung dati kong asawa,madalas nyang gawin yan kapag nagkakasakit ang mga anak ko atkahit sa akin inaapply nya yang ganyan hindi ko nga alam kung paano nya natutunan yang ganyan." Sabi ko.




"Ah." Sagot ni Andrea, after nyang mapunasan ako medyo gumaan ang pakiramdam ko. "Malapit na pong magliwanag ayusin ko lang po yung gamit natin, may natira pa po pala akonng butter cookies sayo nalang po yon." Sabi nya at kinuha nya yung tira myang butter cookies sa bag nya.




Kinuha ni Andrea yung mga damit namin na nabasa kagabi at tinupi nya ito. Napansin ko naman yung kamay nya na namumula  "Maayos na ba ang kamay mo?" Tanong ko.




"Ito po?" Tinaas nya yung kamay nya. "Maayos na po ito malayo sa bituka nakapagtiis nga po ako ng may kulang sa buhay ko ito pa kayang kirot ng kamay ko di ko kakayanin huh si Andrea po ako at lumaki akong malakas." Nakangiting sabi nya.




Iniabot nya sa akin yung itinupi nyang jacket ko at nahawakan ko naman yung palad nya. "Mainit ang palad mo." Sabi ko.





"Kaya ko naman po ang sarili ko." Sabi nya.


"Maupo ka muna Andrea, halika pupunasan muna kita." Sabi ko at kinuha ko yung ginamit sa akin ni Andrea na bimpo na basa. "Parrhas na tayong may sinat pero kaya naman nating makababa sa hotel hindi ba?"




"Kaya naman po." Sagot nya.




Habang pinupunasan ko sya napansin ko yung birth mark nya sa braso.



"May birthmark ka pala dito." Sabi ko at binawi nya agad yung braso nya.




"Ako nalang po ang magpupunas sa sarili ko kaya ko naman po, ubusin mo nalang po muna yung butter cookies at maupo nalang po kayo." Sabi nya at sinunod ko nalang sya.




Habang pinupunasan ni Amdrea ang sarili nya hindi ko mapigiilang hindi mapatingin sa kanya dahil sa pagiging masungit nya at pagbabago bago ng mood nya.




"Alam mo Andrea parehas kayong dalawa ng anak kong si Andrea may birthmark din sya sa kaliwang braso." Sabi ko.




"Talaga ba?" Sarcastic na sabi nya kaya tumahimik nalang ako alam kong wala na sta sa mood dahil din siguro sa mabigat nyang pakiramdam.




Kinuha ko yung first aid kit ko sa bag at hinanap ko yung benda mabuti nalang kumpelto ang kit ko. Lumapit ako kay Andrea at sinabing "Wag kang tumanggi sa akin,lalagyan kita ng benda sa kamay."




Mabuti nalang at binigay nya agad sa akin ang kamay nyang namamaga at binalutan ko ito. "Napaka tapang mong tao." Sabi ko at bumalik na ako sa pwesto ko.





"Kapag po ba nakabalik na tayo sa Manila ganito pa din kaya tayo?" Tanong nya na nakapagpatigil sa akin.





Tama sya ganito pa din kaya kapag nakabalik na kami ng Manila?





We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon