Chapter 3

286 14 1
                                    

Andrea's POV

Kanina pa ako naghihintay sa text ni Louise pero hanggang ngayon hindi nya pa din ako tinetext kung uwian na ba sila. Alam kong ayaw ni Louise na tinuturing ko syang baby, pero kahit ayaw nya ay ginagawa ko pa din ito dahil sya nalang ang meron ako at ayokong mapahamak sya kaya ngayon pupuntahan ko sya sa school nila para sunduin.


After 16 minutes ay nakarating na din ako sa school nila Louise, pinark ko yung kotse ko at nagpunta ako sa building nila pero bago ako makarating sa  classroom nila Louise ay nakasalubong ko yung principal nila na si Ms. Alvarez kaya naman binati ko ito.



"Magandang Hapon po." Magalang na bati ko kay Ms. Alvarez.




"Magandang hapon din sayo Ms. Guevarra, anong maipaglilingkod ko saiyo?" Tanong nya.




"Susunduin ko lang po sana si Lousie, may tao pa po ba sa room nila?" Tanong ko.




"Oh si Louise ba, nasa court sya ng school." 



"Sige po thank you po, puntahan ko lang po si Louise."




"Wait may kailangan pala akong idiscuss sayo about kay Louise." Sabi ni Ms. Alvarez.




"May ginawa po bang hindi maganda si Louise?" Tanong ko.




"Tara sa office ko." Sabi nya kaya sumunod ako, lagot talaga sa akin yung batang yon kapag nalaman kong may ginawa syang hindi maganda. 





Pagdating namin sa office ni Ms. Alvarez ay pinaupo nya naman agad ako. "Wala namang ginawa si Louise na masama, actually nakausap ko na sya kanina gusto ko sana syang isali sa volleyball team ng school, nakita ko kasi na mahusay syang maglaro at sakto namang kulang ang team ng isa dahil nagtransfer yung isa naming player. Gusto ko din sanang ipagpaalam sayo na kung pwede ba namin syang isali"



"Kung gusto naman po ng kapatid ko sige po pumapayag ako."



"Really?"



"Yes po, isa pa marunong syang maglaro ng volleybal at sa katunayan po MVP sya sa dati nyang school." Sabi ko.




"Hindi ako nagkamali sa pagpili, una palang kita ko ng magaling si Louise. Thank you Ms. Guevarra."



"You're welcome Ms. Alvarez, I have to go na po."




"Ok, take care!" Sabi nya at lumabas na ako ng office nya, nagtungo naman ako sa court ng school dahil kailangan na naming umuwi ni Louise.



Pagdating ko sa courtl nila Louise ay nakita ko syang naglalaro ng volleyball kaya naman pinanood ko muna sya at umupo ako. Mahusay talaga ang kapatid ko at wala pa din syang kupas sa paglalaro ng volleyball. Ilang beses na din syang nag uuwi ng medal dahil naipapanalo nya ang laban nila. Bukod sa pagiging athlete nya ay mahusay din sya sa academic, grumaduate sya bilang valedictorian sa dati nyang school, proud na proud kami nila Nanay at Tatay.




Siguro kung nabubuhay lang si Papa at kung nasa tabi lang namin ngayon si Mama sigurado ako pati sila masaya para sa amin.



"Go Louise! Last round na ito" Cheer ni Mr. Dorado na Teacher ni Louise.




Lumabas ako sandali sa court para kunin yung kotse ko, inilipat ko ito sa may malapit sa court para hindi na kami maglalakad ng matagal ni Louise tsaka paniguradong pagod yon.



After kong mailipat yung kotse ko pagbalik ko sa court ay wala na sila, kaya nagpunta ako sa CR ng court dahil nagbabakasakali akong maabutan ko si Louise doon at sakto namang mandon sya at nagpapalit ng damit.



"Ate?" Nagtatakang sabi nya.



"Gulat ka no?" Tumatawang sabi ko.



"Kanina kapa ba?" Tanong nya.



"Oo, pinanood nga kita eh. Magaling kapa din at wala kang kupas. Ikaw pa din ang nag-iisang MVP ng pamilya natin."



"Sus si Ate talaga bolera." Sabi nya at iniligpit na nya yung gamit nya.



Sabay kaming lumabas ng CR at nagpunta na kami sa parking lot. Bago kami makapasok ni Louise sa kotse ko ay may dumaan na isang magarang sasakyan at ibinaba nito ang bintana.



"Bye Louise!"  Sabi nung babae at sa tingin ko ay kaibigan ito ni Louise.



"Bye!" Walang ganang sabi ni Louise.




"Ikaw ha may bago ka palang kaibigan hindi mo sinasabi sa akin."



"Hindi ko sya kaibigam Ate, naiirita ako sa kanya dahil isip bata sya, gusto ko syang pahirapan sa training namin para naman maging matured sya." Nakasimangot na sabi ni Louise.



"Alam mo ganon talaga, lahat ng tao magkakaiba Louise, may isip bata at hindi isip bata. Siguro ay bata pa talaga yung kaibigan mo kaya ganon mag-isip, try mong makipag kaibigan sa kanya malay mo ikaw yung maging dahilan ng pagbabago nya. Tsaka wala namang masama kung susubukan mo."



"Pag-iisipan ko muna Ate, basta papahirapan ko sya kapag magtraining kami." Nakangising sabi nya.




"Ikaw talaga! Nako sumakay kana at uuwi na tayo."




"Ate hindi ba tayo dadaan sa resto?" Tanong ni Louise.



"Why?"



"Nagugutom ako." Sabi nya habang tumatawa.


"Ok sige dadaan tayo sa resto." Sabi ko at pinaandar ko na ang makina ng sasakyan ko.




Habang nagmamaneho ako tahimik lang si Louise at nakatingin ito sa labas.



"Anong iniisip mo?" Tanong ko.



"Wala naman ate."



"Sus parang meron eh." Sabi ko.



"Kasi Ate may napanaginipan ako nung nakaraan, may babae at tinawag nya akong anak."




"Nakita mo ba kung sino yon?"




"Hindi Ate at sigurado akong hindi si Nanay Isabel yon dahil kilala ko yung boses ni Nanay Isabel, hindi ko nakita yung itsura nung babae pero sure ako na ako yung Titatawag nya dahil alam nya yung pangalan ko." Kwento ni Louise.



"Baka kapitbahay natin yon dun sa dati nating bahay." Tumatawang sabi ko.




Posibleng si Mama yung nakita ni Louise.




"Siguro nga ate."



Kung si Mama man yung nakita ni Louise sana makita nya kami, sana naaalala nya pa din kami at sana bumalik sya.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon