Chapter 76

155 9 2
                                        

Andrea's POV


Nagulat ako ng makita kong tumakbo papalabas si Louise kaya napatayo agad ako sa aking kinauupuan at hinabol ko sya. Natagpuan ko sya malapit sa dalampasigan at umiiyak ito.

"Bakit ka naiyak?" Tanong ko at tinabihan ko sya.

"Ate." Mahinang sabi nya habang naiyak.

"Why? pinagalitan kaba ni Mama o ni Papa?" Tanong ko.

"No."

"Eh bakit ka naiyak?" Tanong ko

"Kasi Ate..."

"Louise!" Sigaw ni Mama sa di kalayuan.

Lumapit sa amin sila Mama at Papa. "Ano pong nangyari?" Tanong ko.

"Wa--wala anak hmmm napagalitan ko lang si Lo--Louise." Utal na sabi ni Mama pero halatang nagsisinungaling sya dahil sa kilos nya at sa pagiging utal na pagsasalita.

"Tara na sa loob." Seryosong sabi ni Papa.

"NO!" Malakas na sabi ni Louise. "Bakit hindi nyo sabihin kay Ate? Bakit ayaw nyong malaman ni Ate yung katotohanan?" Umiiyak na sabi ni Louise.

"Stop!" Sigaw ni Papa kay Louise kaya nagulat ako lalo.

"Pa! wag mo namang sigawan si Louise, ano ba kasing sinasabi ni Louise? Ano yung totoo?" Naguguluhang sabi ko.


Halos mag-iisang buwan na ng huli ko silang makita, nahihiya akong harapin sila dahil sa mga nangyari, dahil sa mga ginawa ni Zamora kala Mama at Papa. Kung totoo mang anak nga ako ni Zamora mabuti pang hindi nalang ako bumalik kala Mama at Papa.


"Anak ko!" Bati sa akin ni Zamora.


"Don't call me anak! hindi mo ako anak Zamora!" Sabi ko.


"Lalabas din ang katotohanan na sa akin ka." 


"Hinding hindi magkakatotoo yang sinasabi mo, walang ama ang kayang kumitil ng sarili nyang anak tandaan mo yan. Kahit kailan hinding hindi kita magiging Ama dahil mas masama kang tao.Alam mo buti nalang at naatim ng anak mong lalaki yang ugali mo." Galit na sabi ko.

"Alam mo Andrea parehas na parehas tayo." Nakangiting sabi nya, halatang nang-aasar.


"Wala tayong pagkakatulad dahil isa kang masamang tao at hindi ako ganon."


"Alam mo, maganda pagpapalaki sayo ni Alexander."



"Mabuti na nga lang at sakanya ako lumaki at hindi sayo kung ikaw man ama ako."


"Balang araw matatanggap mo din ang katotohanan Andrea, katotohanang ako ang Ama mo." Sabi nya sabay tawa kaya naman tinulak ko sya ng napaka lakas dahilan para matumba ito sa sahig.


Nilapitan ko ito at hinila ko ang buhok nito, "Ito ang tatandaan mo, kung ikaw man ang ama ko hinding hindi kita tatanggapin dahil mas masahol kapa sa demonyo." Sabi ko at binitawan ko na sya.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon