Andrea's POV
Mamayang gabi na ang flighr ko papuntang Davao pero namomroblema padl din ako kung saan ko iiwanan ang kapatid ko. Kailangan kong pumunta sa Davao dahil kailangan kong asikasuhin yung isang branch namin na itatayo doon.
"Grace pwede bang sainyo muna si Louise?" Tanong ko.
"Sorry Andrea pero nasa bahay ang mga pinsan ko, wala ng space sa bahay pasensya kana." Sabi nya.
"Ayos lang naiintindihan kita." Sagot ko.
"Bakit hindi mo subukan sa kaibigan ni Louise? Yung Cassandra? Diba malapit naman sila sa isa't isa baka doon pwede mong iwanan ang kapatid mo."
"Tama ka jan, salamat at binigyan mo ako ng Idea, balik lang ako sa office." Sabi ko at tumakbo na ako papunta sa office ko.
Kinuha ko yung phone ko at idinial ko ang number ni Cassandra, mabuti nalang at sinagot nya ito agad.
"Hi Ate Andrea! Napatawag ka po?" Masayang sabi nya.
"Hello Cass! Nasa school kapa ba?" Tanong ko.
"Yes po ate, actually lunch break namin ngayon at si Louise ay nakapila pa sa canteen, gusto nyo po ba syang makausap?"
"Hmm no...no...no.. sa totoo lang ikaw talaga yung gusto kong makausap." Sabi ko.
"Me? Why me Ate? May nagawa po ba ako?"
Tumawa ako at sinabing "Wala naman, gusto ko lang sana humingi ng pabor."
"Sige lang po Ate, ano po ba yon?"
"Pwede bang sainyo muna si Louise?"
"O...M....G !!!!! Yes Ate!" Masayang sabi nya.
"Thank you Cass, pagbalik ko galing Davao babawi ako sainyo ng Mommy mo. Gusto ko syang makilala."
"Sure Ate, sabihin ko kay Mommy."
"Ok mag mamasched ako sa restaurant namin."
"I'm sure magugustuhan ni Mommy yung mga pagkain nyo don ate, mahilig kasi si Mommy sa Filipino at Italian dishes."
"Really?"
"Yes Ate!"
"I think kailangan kong paghandaan ang pagbawi ko sainyo. Sige na kumain na kayong dalawa ni Louise. Ihahatid ko nalang sya mamaya sa bahay nyo." Sabi ko at inend ko na yung tawag.
Masaya ako dahil alam kong safe si Louise kala Cassandra, sayang lang at hindi ko makakasama ang kapatid ko ngayon sa Davao.
Pinangako ko pa naman sa sarili ko na kahit saan man ako magpunta kasama ko ang kapatid ko, kaso lang may pasok si Louise kaya di ko magagawa yung pangako ko.
"Andrea uwi kana, kami na ang bahala dito magpahinga ka muna sainyo mamaya aalis kana." Sabi ni Grace.
"Thank you Grace!" Sabi ko at iniligpit ko na ang mga gamit ko.
Naalala ko tuloy yung ikunwento sa akin ni Louise noong nakaraan, napaka bait daw ng Mommy ni Cassandra at bukod daw sa pagiging mabait maganda din daw ito.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...