Chapter 30

174 9 3
                                    

Andrea's POV

After kong manggaling sa hospital ay dumiretso agad ako sa resto namin para kamustahin ang iba naming staff. Kahit pagod ako at malungkot mas pinili ko pa din na puntahan ang mga kaibigan ko na nagtatrabaho sa restaurant namin.

Sobrang sakit padin talaga lahat ng nangyari sa akin akala ko matatanggap ko sya pero hindi talaga. Ang hirap kalabanin ng nararamdaman  ni Mama, pinaniniwalaan nyang hindi talaga ako ang anak nya. Akala ko pa naman mararamdaman nyang ako talaga ang anak nya pero mali ako ng akala.


"Girl tulala kana naman napapadalas na yan." Sabi ni Grace.

Nginitian ko lang sya at inayos ko nalang yung  mga papers na dapat kong ayusin.

"Alam mo Andrea natatakot na ako sayo, minsan parang wala kana sa sarili,ano ba kasing problema mo?"


"Malaki ang problema ko Grace." Sabi ko perp nnakangiti pa din ako.

"Ayan may problema ka pero nakangiti kapa din, nakakatakot kana Andrea." Tumatawang sabi nya.

"Kapag ba sumimangot ako or malungkot may mangyayari bang iba? Diba wala naman ganon pa din kaya dapat ingiti mo lang kung anong nararamdaman mo."


"Ano ba kasing problema mo? Si Tita Isabel ba or si Tito Vicente?"

"None of the above." Sabi ko sabay tawa.


"Alam mo Andrea natatakot na talaga ako sayo, sabihin mo na makikinig naman ako, diba sinabi ko naman sayo na nandito ako palagi tutulungan kita hanggat kaya ko gaya ng dati."



Huminga ako ng malalim at sinabing "Yung Mama ko ang problema."


"Sabi mo hindi si Tita Isabel tapos sasabihin mo si Tita Isabel, nagpapatawa ka talaga Andrea."


"No, hindi si Nanay. Yung biological mother ko." Sabi ko.


"What? You mean adopted ka? Bakit hindi mo sinabi dati?"

"Dahil kailangan kong gawing lihim ang lahat para sa kaligtasan namin ni Louise."


"Ang mysterious naman girl. Go na continue."




"Si Nanay Isabel half sister sya ni Papa at lately ko lang din ito nalaman. Diba kilala mo si Cassandra?" Sabi ko.


"Cassandra Zamora? Yung friend ni Louise?"


"Oo."



"Anong meron sakanya?" Tanong ni Grace.


"Kay Cassandra wala pero sa Mommy nya meron."

"What? You mean si Mrs. Zamora ang Mama mo? How?" Gulat na tanong ni Grace.


"Kami yung first family ni Mama, dahil inakalang patay na kami nag asawa sya ulit and now hindi nya na kami makilala at may nagpapanggap pang ako."


"Nasabi mo na ba kay Mrs. Zamora yung tungkol sainyo ni Louise."


"Yes madaming beses na pero hindi sya naniniwala. May nagpapanggap na ako Grace kaya mas malabong malaman nyang kami talaga ni Louise ang tunay nyang anak. Kanina before ako magpunta dito nagpunta ako sa hospital kung saan naka confine si Cassandra at naabutan nya ako doon sa kwarto ni Cassandra. Sinabi ko lahat pero hindi sya naniniwala."

"Paano mo nalamang may nagpapanggap na ikaw?" Tanobg ulit ni Grace.


"Dahil last month sinubukan kong mag apply sa company nila at sakto namang nung araw na yon winelcome nila yung nagpapanggap na ako."

"Gusto mo bang tulungan kita?" Nakangising sabi ni Grace.

"Pero paano Grace?" Tanong ko.


"Ako ang mag aapply sa company nila, hindi ka nila hinire dahil siguro naireport kana ni Mrs. Zamora sa HR ng company nila. Willing akong tulungan ka Andrea."



"Pero paano nga Grace? Ako nga hindi nakapasok ikaw pa kaya? tsaka paano yung duty mo dito?" Sabi ko.

"Girl kalma akong bahala. Kung hindi man ako makapasok sa company ng mga Zamora, makikipagkaibigan ako sa babaeng nagpapanggap na ikaw." Sabi nya sabay kindat.

"Hay nako wag nalang Grace, ako nalang ang bahala ayokong madamay ka sa problema ng pamilya ko."



"Magtiwala ka lang sa akin Andeng, bigyan mo ako ng 1 week mababalitaan na agad kita tungkol sa balak ko." 



"Wag na Grace ako nalang, dito ka nalang please."



"Gus--"



"Wag kanang makulit ok? Ako na ang bahalang umayos ng gusot. Ikaw  nalang muna ang magmanage nitong resto namin may isa pa akong balak." 

"Anong balak?" Tanong nya.



"Mag-aapply ako sa kalaban na company ng mga Zamora at kapag magandang position ang nakuha ko tsaka lang ako kikilos ulit." Sabi ko sabay ngiti. 

"Basta girl mag-iingat ka hindi biro ang kalabanin ang mga Zamora, makapangyarihan yang mga yan."



"Alam ko kaya nga paghahandaan ko."



"Wow ang brave naman." Sabi ni Grace sabay tawa.

"Well kailangan kong maging matapang para sa pamilya ko."

"Sige na balik na ulit ako sa kitchen." Sabi nya.

"Ok! Bye!" Sabi ko.



Kinuha ko yung phone ko at binuksan ko yung gallery ko, punong puno na ito ng picture namin ni Louise pati ni Papa. Sinulit kasi namin yung araw na kasama namin si Papa at yung mga araw na wala si Papa sa tabi namin ay binawi din namin.

Si Mama nalang ang kulang sa litrato namin kaso mukhang malabong makumpleto na kami dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon namin ngayon.



We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon