Chapter 19

195 10 11
                                    

Lorraine's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula ng pumunta dito si Andrea, hindi pa din mawala sa isip ko yung sinabi nyang sya si Andrea Liv Guevarra, imposibleng sya ang anak ko dahil patay na ang mga anak ko at nandon ako nung nilibing sila.


"Honey anong iniisip mo?" Tanong ni Christian sa akin.


"May naalala lang ako." Sabi ko.



"Ano yon?"


"Diba nung naaksidente ang mag-aama ko ikaw ang unang dumating sa lugar kung saan sila naaksidente?" Tanong ko.


"Ako nga, why?"


"Ma--may bata kasing nagpakilalang anak ko daw sya." Pagsisinungaling ko.


"Wha--what? Imposible yang sinasabi mo, ako yung nagclaim ng bangkay ng mga anak mo at ni Alexander." Sabi nya.



"Alam kong imposible." Mahinang sabi ko.





"Nasaan yung batang yon?" Tanong nya.




"Wala na, last week pa yon nagpakita sa akin pero hindi na ulit sya nagpakita ngayon." Kinuha ko yung bag ko sa table. "Where are you going?"




"Sa Cemetery lang." Sabi ko.




"Ok, be here exactly 5:00pm, darating ang mga kaibigan ko."




"Ok." Sabi ko at tuluyan na akong lumabas ng kwarto namin, nakasalubong ko naman sa hallway ng bahay si Cassandra.




"Anak bakit mukhang malungkot ka?" Tanong ko.




"Mom hindi ako pinapansin ni Louise." Sabi nya.




"But why?"


"I don't know."


"Baka may dalawa, alam mo naman. Sige na mauna na ako may pupuntahan lang ako sandali ok? babalik din si Mommy." Niyakap ko sya at sinabing "Magiging maayos din kayo ni Louise."




"Thank you Mommy! Take Care!" At tuluyan na akong lumabas ng bahay.



Hindi totoong pupunta ako sa cemetery ang totoo ay pupuntahan ko si Andrea sa restaurant nila, alam kong nandon sya ngayon at mamaya pa ang uwi nya. Gusto kong malaman kung sino ba sya talaga o kung sino sya sa buhay ko.



Pagdating ko sa restaurant nila sabi ng guard ay nasa office daw ito kaya agad akong nagtungo don pero bago ako tuluyang makapasok sa loob ng opisina ni Andrea ay huminga ako ng malalim, kung ano man ang mangyari ngayon tatanggapin ko.


knock......knock......knock.... 




"Come in!"Sigaw nya at pumasok agad ako.



"Can we talk?" Tanong ko.



"Yeah, what do you want?"



"Gusto kitang makilala ng lubusan, sino kaba talaga?" Tanong ko.


"Gusto mo talagang malaman Ms. Lorraine? Well ako si Andrea Liv Guevarra hindi tunay na anak nila Isabel Guerrero at Vicente Guerrero, may nag-iisang kapatid na si Louise Ann Guevarra. Ano pang gusto mong malaman Mama?" Matapang na sabi nya.


"Don't call me Mama, patay na ang mga anak ko."


"Really huh? Then go umalis kana dito sa opisina ko wala kang kwentang kausap."




"Hindi nga kita anak dahil ang anak ko hindi ganyan sumagot." Sabi ko.




"Talaga? paano kung ikaw ang dahilan ng pagbabago ng anak mo? Hindi mo ba naisip yon na dahil sa pang-aabandona mo sa amin ni Louise maaari akong magbago Mama?" Nakangising sabi nya.


"Kung ikaw ang anak ko patunayan mo."


"Wala akong kailangang patunayan sayo dahil dapat una palang nakilala mo na si Louise bilang anak mo, yung peklat sa likod nya imposibleng hindi mo pa nakikita." May kinuha sya sa drawer nya. "Itong necklace na to hindi pa ba sapat to bilang patunay na ako ang anak mo? Tignan mong maigi Mama!"




Inihagis nya sa akin yung necklace at binuksan ko ito. "Imposibleng sayo to, siguro kinuha mo ito sa mga anak ko noon."






"Wow! At ngayon magnanakaw na ang tingin mo sa akin? Ma wake up ako to si Andrea na anak mo na inabandona mo dahil sa pesteng pangarap mo!" Sigaw nya. "Bakit ba hirap na hirap kang paniwalaan na ako yung anak mo? dahil ba may iba kanang pamilya kaya hirap na hirap kang paniwalaan na ako ang anak mo. Alam mo sana nga hindi nalang ikaw yung naging nanay ko alam mo kung bakit? WALA KA KASING KWENTANG INA LORRAINE! WALA KANG KWE--" 




Hindi ko na sya pinatapos dahil sinampal ko sya ng malakas.




"Wala kang alam sa pagiging Ina ko Andrea dahil hindi mo alam kung paano ako maging Ina!"




"Alam ko kung paano ka maging Ina dahil ikaw! Ikaw ang Nanay ko na iniwan kami ng ilang taon para lang sa pangarap mo! Ngayon tell me na hindi ko alam kung paano ka maging ina! Alam mo Ma araw araw kitang iniisip noon, gabi gabi kong hinihiling na sana, sana makita mo kami ni Louise, sana balikan mo kami,sana isang araw sunduin mo kami kala Nanay Isabel at Tatay Vicente pero wala Ma! Naghintay ako ng ilang taon tapos babalik ka dito sa Pilipinas na may iba ka palang pamilya na inuuwian! Ma naman! Hinanap mo ba kami kahit minsan? Kasi ikaw araw araw  kitang hinahanap ni hindi ako nagtanim ng galit sayo nung iniwanan mo kami ni Louise.. Araw araw akong umaasa na babalik kapa pero wala Ma! Hindi mo kami hinanap dahil may iba kang nahanap! Ang malas ko kasi kahit minsan hindi kita  kinalimutan samantalang ikaw kinalimutan mo kami, inabandona mo kami. Buti nalang talaga napulot kami ni Nanay Isabel at Tatay Vicente kasi kung nagkataon na walang kumupkop sa amin ni Louise malamang nanlilimos kami sa kalsada at wala kaming matitirhang bahay. Mabuti pa yung hindi namin kadugo minahal at binigyan kami ng magandang buhay samantalang na ikaw na tunay naming ina inuna yung pangarap kesa sa amin at take note pagbalik may ibang pamilya na palang inuuwian." Umiiyak na sabi nya, pati ako umiiyak na din dahil sa mga sinasabi nya sa akin.
"Kaya pala lahat ng ari-arian ni Papa nakay Tito Christian na kasi ikaw na ang bago nyang asawa."

Lumabas na ako ng tuluyan sa opisina nya dahil hindi ko na kayang pakinggang yung mga sinasabi nya laban sa akin.



Posibleng sya talaga ang anak ko dahil sa kwintas  na hawak nya, pero kung ganon sino yung nilibing namin sampung taon na ang nakalipas?

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon