Alexander's POV
Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat, hindi ko alam kung bakit nakatakas si Zamora. Hindi nya pwedeng sirain ulit ang pamilya ko, ayoko ng magkahiwa-hiwalay ulit kami. "Papa!" Sigaw ni Louise, dinig na dinig ko kung paano sya nasasaktan dahil sa ginagawa sa kanya ng mga tauhan ni Zamora, wala akong magawa dahil nakagapos ako dito sa may poste ng warehouse. "PLEASE! WAG NYONG SAKTAN ANG ANAK KO! KUN--KUNG GUSTO NYO AKO NALANG WAG SILA! ZAMORA D--DIBA AKO ANG KAILANGAN MO?! AKO ANG PAHIRAPAN MO WAG YUNG MGA ANAK KO!" Sigaw ko pero hindi sila nakikinig paulit ulit nilang pinapaso ng sigarilyo si Louise.
"Tama na po nasasaktan na ako!" Sigaw ni Louise.
"Lord tulungan mo kami." Bulong ko.
"Kapag hindi dumating si Lorraine sa takdang oras pasensyahan tayo Alexander! isa sa mga anak mo ang tuluyan ng mawawala!" Sigaw sa akin ni Zamora bago nya ako sinikmuraan.
"Wag mo na idamay ang mga bata dito Zamora nagmamakaawa ako sayo, di---diba sa akin ka lang naman galit, please pakawalan mo na ang mga bata." Nagmamakaawang sabi ko.
"Tapos ano papakawalan ko sila at magsusumbong sila sa mga pulis? hindi ako tanga Alexander, sabay sabay ko kayong papatayin. Kapag dumating na si Lorraine dito sisiguraduhin ko na tumutulo na ang mga dugo nyo bago kami umalis at magpakasaya ni Lorraine."
"Ha*op ka talaga Zamora! siguraduhin mo lang na hindi ako makakatakas dito dahil kapag nakatakas ako dito ako mismo ang papatay sayo!"
"Kahit kailan hindi magiging maganda ang ending nyo! sisirain at sisirain ko pa din ito." Nakangising sabi ni Zamora.
"Baliw kana talaga!"
"Oo baliw.... na... baliw kay Lorraine." Sabi nya.
Umalis na si Zamora sa harapan ko, nakita ko naman si Andrea na nagtatago doon sa may gilid ng malaking machine. "Wag kang maingay." Sabi ni Andrea. Tinignan ko ang kanyang maamong mukha, kitang kita ko ang pasa sa mukha nya at may kaunting dugo ang mga damit nya. Kahit malayo ang pagitan naming dalawa kita ko lahat sa kanya.
Magkakahiwalay kaming mag-aama, si Louise nasa opisina na malapit sa akin kaya nadidinig ko agad sya, samantalang si Andrea sa kanilang bodega sya nilagay. "Pa wala naba?" Tanong nya sa akin. Nagthumbs up lang ako upang hindi mahalata nung nagbabantay sa akin na may kausap akong iba.
May dalang Pamalo si Andrea, dahan dahan itong lumapit sa bantay at hinampas nya ito sa ulo, natumba naman agad yung bantay ko. "Are you ok anak?" Tanong ko.
"Yes Pa." Sagot naman nya agad.
"Puntahan natin kapatid mo." Sabi ko at nauna sya sa akin, nakita ko namang mag sugat sya sa braso at sa tingin ko malalim ito. "Hey Andrea!" Mahinang sabi ko at lumingon naman sya, tinuro ko yung sugat nya at sinabing "Malayo to sa bituka Papa." Pinahinto ko sya sa paglalakad at sinabing "Umalis kana dito, humingi kang tulong sa mga pulis."
"Hindi ko kayo iiwan." Sabi ni Andrea sa akin.
"Anak mas mabuting humingi ka ng tulong sa mga pulis, ako na ang bahala dito." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...