Chapter 54

240 11 5
                                    

Alexander's POV

Umaga na ang hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang kasama ko na ulit ang asawa ko, akala ko magigising sya kaninang madaling araw pero hindi pala dahil grabe din yung epekto ng gamot sa kanya.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang maamo nyang mukha dahil ngayon ko nalang ulit nakita ang mukha nya ng malapitan. Ginawa nyang unan ang braso ko kaya madali ko syang mayayakap.



"Hmmmmm." Sabi ni Lorraine pero hindi pa nya idinidilat ang kanyang mga mata.

"Hey wake up." Bulong ko.

Pagdilat nya ng mga mata nya kitang kita ko na nagulat sya. "Alex?" Nagtatakang tanong nya.



"Hi wife! Good morning!" Bati ko.



"Am I dreaming?"

"No." Sabi ko sabay ngiti.



"Gosh kung panaginip man ito wag na sana akong magising." Mahinang sabi nya pero narinig ko yon kaya naman hinalikan ko sya sa labi nya at gumanti din naman sya ng halik sa akin. Pero bago pa man kami mapunta sa ibang bagay nagsalita na ako.

"I miss you so much." Hinihingal na sabi ko.



"I miss you too Alex." Sabi nya at nakita ko namang parang iiyak sya.



"Kung panaginip ito pwede bang isama mo na ako?"



"Hindi ito panaginip Lorraine, buhay ako." Sabi ko.

"Please wag mong sabihin yan Alex ayokong umasa." Sabi nya at hinalikan ko ulit sya, habang tumatagal mas lumalalim ang ginawa namin kaya kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi nya. "Now tell me kung nasa panaginip kapa." Sabi ko sabay ngiti.



Niyakap nya ako ng mahigpit at sinabing "Buhay ka nga." 

"Yes, buhay na buhay." Sabi ko.



"But how? I mean diba an." Di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil nagsalita na agad ako.



"Dahil nakaligtas ako sa trahedyang kinasangkutan namin ng mga anak mo." Sabi ko.



"Akala ko si Andrea lang ang nakaligtas at kayong dalawa ni Louise ay namatay." Sabi nya habang umiiyak.



"Shhhh don't cry buhay kami ng mga anak mo at walang namatay."



"Pero sino yung nilibing namin? Sino sila?" Naguguluhang tanong ni Lorraine.



"Mga bangkay na kinuha lang kung saan." Sabi ko.

"Kasama mo ba ang bunso natin? Si Andrea nasa bahay sya namin ni Christian gusto mo ba syang makita tatawagan ko sya ngayon." Sabi nya at hinanap nya yung bag nya pero pinigilan ko sya.



"Sumama ka sa akin." Sabi ko at sabay kaming bumangon.



"Sa bunsong anak ba natin itong kwarto na to?" Tanong nya.



"Buksan mo, nasa loob nyan ang mga anak natin."



"Natin?" Nagtatakang tanong nya.



"Basta open it." Sabi ko.



Pagbukas nya ng pinto halatang nagulat si Lorraine. "Bakit sila nandito?" Tanong nya.



We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon