Lorraine's POV
Medyo napaaga ang dating ko dito sa Tree Hotel kaya naman nagdecide ako na mag-ikot ikot muna dito, matagal tagal na din pala ang huling punta ko dito at ngayon nalang ulit ako nakabalik. Ang huling kasama ko pa dito ay noong isinama ako ni Alexander dito, siguro malaki na yung punong tinanim namin dito.
"Good Afternoon Mrs. Guevarra!" Bati nung nakasalubong ko na staff.
Hindi ko sya kilala pero kilala nya ako, ngumiti nalang ako at binati ko sya. "Magandang hapon din sayo, ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ko.
"Nicole po, ako po yung batang kasama nyo noon na nagtanim din ng puno, malaki na po yung puno natin." Sabi nya kaya napangiti naman ako.
"Dalaga kana Nicole parang dati lang ikaw yung nangungulit sa amin ni Alexander na mangain ng santol."
"Alam nyo po bang matagal ko na kayong hinihintay, gusto ko lang pong magpasalamat sainyo ni Sir Alexander kasi nakapagtapos po ako ng pag-aaral dahil sainyo."
"Wala na si Alexander." Sabi ko.
"Po? anong wala po? You mean nasa abroad po?"
"Nasa langit na, naaksidente sila ng mga anak ko pero yung panganay ko lang ang nakaligtas."
"Sorry po."
"It's ok Nics. Teka diba magkatabi yung puno natin?"
"Opo, gusto mo po bang puntahan yung puno nyo, sasamahan po kita."
"Kung ayos lang sayo na samahan mo ako?"
"Ayos na ayos po." Sabi nya at sumakay na kami sa golf car.
Habang binabagtas namin yung kalsada papunta sa puno namin madami akong nakikitang mga tao.
"Nics bakit ang daming tao?" Tanong ko.
"Galing po siguro sila sa taas or nagwalking lang po."
"Ganon ba, madami na din palang nagbago dito, yung mud spa 7 spring open pa din ba sya?" Tanong ko.
"Yes po, mas pinalaki na nga po yung pwesto nila." Sabi nya.
Huminto kami sa gilid ng kalsada. "Ma'am ayan na po yung puno nyo ni Sir Alexander at ito naman po yung akin."
May pangalang nakalagay kaya madali naming naidentify yung puno. "Ikaw ba ang nag-alaga nito noon?" Tanong ko.
"Yes po, gaya po ng pag-aalaga nyo sa akin noon ginawa ko din po sa puno nyo."
"Ang sweet mo naman." Sabi ko.
"Thank you po."
"Pwede bang iwanan mo nalang ako dito?" Tanong ko.
"Seryoso po kayo?"
"Yah, malapit lang din naman yung hotel dito kaya kong lakadin."
"Sige po kung ayan po yung gusto mo." Sabi nya at umalis na sya.
Naalala ko noon bago namin itinanim yung punong ito nangako kami ni Alexander sa isa't isa na kahit na anong problema ang dumating ay hindi kami susuko at magiging kagaya kami ng punong itinanim namin na kahit anong bagyo ang dumating hindi matutumba. Sayang lang talaga at nawala ang aking mahal na si Alexander, siguro kung nandito sya matutuwa sya dhil lumaki yung puno namin pero sayang lang talaga dahil hindi na nasaksihan muli ni Alexander itong puno na tinanim namin.
Tumambay lang ako ng ilang minuto sa tapat ng puno at umalis din ako dahil baka malate ako sa una naming activity. Pagdating ko sa hotel ay nag-aattendance na yung mga tao at pumapasok na sila sa function room, pumila ako sa dulo at laking gulat ko ng madaanan ako ni Andrea.
Nananadya ba talaga ang tadhana, umiiwas na ako sa gulo pero bakit parang nilalapitan pa din ako.
"Ms. Andrea your here!" Sabi nung isang matandang babae.
"Hi Mrs. Marquez it is nice to see you again!" Sabi nya sabay yakap doon sa babae.
"Hija halikana sa loob wag kana pumila jan ako na ang bahala sayo." Sabi nung Mrs. Marquez.
I think owner din yung Mrs. Marquez ng isang restaurant dahil ngayon ko lang sya nakilala at narinig yung surname.
Pagkatapos kong mag-attendance ay pumasok agad ako sa function room. "This way Ma'am."Sabi nung usherette kaya sumunod nalang ako sa kanya, pero mali atang sumunod ako sa kanya dahil dinala nya ako sa pwesto nila Andrea.
"Thank you." Sabi ko dahil wala naman akong magagawa kundi umupo nalang sa pwesto nila Andrea. Kaya siguro kami magkakasama dahil magkakalapit lang ang area ng business namin.
"Hi Mrs. Zamora!" Bati sa akin nung Mrs. Marquez.
"Hello Mrs. Marquez." Bati ko.
"Andrea this is Mrs. Zamora." Sabi ni Mrs. Marquez.
"Kilala ko na po sya." Masayang sabi ni Andrea.
"Well that's good dahil tayo ang magkakateam."
"What?" Sabay naming sabi ni Andrea.
"May problema ba?" Tanong ni Mrs. Marquez.
"Wala naman po/Nothing." Sabay naming sabi.
Nakinig lang kaming lahat sa talk nung isang businessman at after noon ay nagpunta na kami sa kwarto namin, sabay sabay kaming umakyat sa kwarto namin at buong seminar lang nagkwentuhan si Andrea at Mrs. Marquez.
"Tita alam mo si Nanay miss kana non matagal na kasi kayong hindi nagkikita." Sabi ni Andrea habang magkaholding hands sila ni Mrs. Marquez.
Nauna silang maglakad sa akin dahil ayoko ng may kasabay sa paglalakad.
"Mrs. Zamora mauna na ako sainyo ni Andrea, mamaya nalang tayo magkita ulit magpahinga muna tayo." Sabi nya dahil una naming nadaanan yung kwarto nya.
"Bye Tita!" Sabi ni Andrea sabay yakap kay Mrs. Marquez.
Magkatabi lang kwarto namin ni Andrea kaya halos sabay kaming maglakad pero binabagalan ko ang lakad ko para hindi ko sya makasabay, napansin ko naman yung pasa nya sa may bandang braso kaya tinanong ko sya.
"Andrea bakit may pasa ka sa braso mo?" Tanonong ko.
"Bakit hindi mo po tanungin yung sarili mo Mrs. Zamora?" Sabi nya sabay pasok sa kwarto nya.
"Wait Andrea." Sabi ko bago nya isara yung pinto.
"What?"
"Dahil ba yan sa pagkakatulak ko sayo last time?"
"Wow naalala mo pa po pala, well opo dahil sa pagtulak mo sa akin kaya ako may pasa jan pati din yung wrist ng kapatid ko may pasa dahil sa higpit ng pagkakahawak mo. Anyway hayaan na po natin nangyari na po wala na tayong magagawa, sige na po magpapahinga na ako ikaw din po magpahinga na." Sabay sarado ng pinto.
Bakit nasasaktan ako sa inaasal nya?

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...