Alexander's POV
Pabalik kami ngayon sa hospital dahil kinukulit ako ni Louise pero bago kami magpunta sa hospital ay tinawagan ko muna yung nurse na nakilala ko kanina lang dahil sinisigurado ko muna na walang ibang tao sa kwarto ng kaibigan ng anak ko.
"Anak make sure na sandali ka lang don dahil baka mamaya mahuli tayo."
"Yes Papa sandali lang po ako don." Sabi nya.
Pagdating namin sa parking ng hospital ay agad kaming tumakbo papunta doon sa kwarto ni Cassandra. Sumama na ako sa loob ng kwarto para din malaman kung ano ang gustong sabihin ni Cassandra.
"Hey we're here Cassandra, by the way this is my Papa Alexander."
"Hi Cassandra! Getwell soon!" Sabi ko habang nakangiti at gumanti din naman sya sa akin ng ngiti.
Umupo ako sa sofa at pinanood ko lang ang ginagawa ni Louise kay Cassandra, kinuha ni Louise ang white board pati na din ang marker, nagsulat sya ng alphabetical sa white board at binigay nya naman yung marker kay Cassandra.
"Gaya ng kanina Cassandra ano ang gusto mong sabihin?" Tanong ni Louise.
Noong una hindi ko magets yung ginagawa ni Louise pero habang tumatagal nagsisink in na din sa akin.
"H E. P U S H. ME." Ayan yung mga leter na tinuro ni Cassandra.
"Sabi ko na nga ba tinulak ka ng walanyang daddy mo." Inis na sabi ni Cassandra. "Bakit ba kasi ayon pa naging ama mo napaka walang puso."
Nakita ko namang parang may gusto pang sabihin si Cassandra kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit ako sa kanila.
"Cass alam kong may gusto kapang sabihin, nandito kami ni Louise na handang makinig sayonow tell me bakit ginawa ng Daddy mo yon?" Sabi ko at itinapat ko ulit yung white board sa kanya.
Tinuro ni Cassandra yung letter C at P.
"CP? As in Cellphone am I right Cassandra?" Tanong ko at tinuro nya yung letter Y E S.
"Dad paano natin makukuha yung phone nya? And ano bang meron sa phone nya?"
"Maybe ayon yung reason kung bakit sya tinulak ng Daddy nya possible na may video or voice clip doon, isa lang ang tanging paraan para makuha natin yung phone ni Cassandra, papasukin ko ang bahay nila."
"Pero Papa baka mahuli ka nila at makasuhan ka ng trespassing." Sabi ni Louise.
"Maghahanap ako ng ibang paraan." Sabi ko.
"Cass narinig mo ba ang sabi ng Papa ko, hahanapin nya yung phone mo pero ano nga ba talaga yung dahilan ano ba kasi ang nakita mo or narinig mo sa Daddy mo?"
"Louise mukhang may sasabihin pa sya itapat mo yung whiteboard sa kanya." Utos ko kay Louise.
Y O U & A T E A N D R E A.
"Ako at si Ate? Anong meron!?" Medyo inis na sabi ni Louise, mukhang may binabalak na masama si Christian sa mga anak ko.
"I knew it! Alam ng Daddy nya na buhay kayo at possible na sasaktan na naman nya kayo ulit." Sabi ko.
"Dahil anak mo kami ni Ate kaya gusto nyang saktan kami ni Ate?" Tanong ni Louise sa akin.
"Yes dahil anak ko kayo at dahil sobrang mahal nya din ang Mama mo, ayaw nyang may humadlang sa pagmamahalan nila." Sagot ko.
"Pero Papa bakit nya itinulak ang sarili nyang anak?" Tanong ni Louise sa akin.
"Ad---opt." Utal na sabi ni Cassandra.
"Adopted ka?" Nagtatakang tanong ni Louise.
"Hmmmm." Sagot ni Cassandra.
Bigla nalang umiyak si Louise at sianabi kay Cassandra na "Sorry hindi ko sinasadyang akusahan ka at sabihan ng masasakit na salita, I'm so sorry Cassandra hindi ko alam na adopted ka lang patawarin mo ako."
Si Cassandra din ay patuloy na umaagos ang luha kahit ako hindi makapaniwala na adopted sya dahil sa buong pagkakaalam ko anak nya si Cassandra pero hindi pala, mali kami ng pinaniwalaan tinignan namin yung panlabas pero hindi yung panloob.
"Sorry Cassandra." Sabi ko din.
"Papa paano kung saktan nya ulit si Cassandra?" Umiiyak na sabi ni Louise.
"Kailangan malaman ng Mama mo ang nangyari kay Cassandra."
"Hindi sya maniniwala sa atin Papa lalo na sa akin." Sagot ni Louise.
"Maniniwala sya kung si Cassandra mismo ang magsasabi, pagbalik ng Ate mo at ng Mama mo galing sa Laguna after natin maicelebrate yung birthday ng Ate mo babalik agad tayo dito, babalikan natin si Cassandra." Sabi ko.
Sisiguraduhin kong ito na ang simula ng pagbagsak ni Christian.

BINABASA MO ANG
We Met Again
FanfictionSi Andrea ay larawan ng isang mabuting anak ngunit dahil sa pagkawala ng kanyang ina at ama magbabago ang kanilang buhay. Sa kabila ng kanilang paghihirap hindi sya sumuko. Sa pagdating ng bagong pagsubok matutunan nyang tumayo sa sarili nyang mga p...